Share

CHAPTER 14 - HARD BUT SOFT.

Sortitus POV

Pinuntahan ko ang maysakit na bata kasama ko ang kanang kamay kong si Brent at ang ginang na nakikiusap para sa buhay ng kanyang anak.

Nagsiluhod ang lahat at nagbigay pugay sa aking pagdalaw.

"A-Anak... 'a-andito na si nana," nangangatal nitong bigkas. Mapait na ngiti ang ginawad ng isang ina sa nanghihinang anak.

Hinalikan at maingat na hinaplos ng ginang ang ulo ng kanyang anak. Nasilayan ko ang labis na pag-ibig nito para sa anak niya na kahit ni-minsan ay hindi ko naranasan ang kalinga at ang kanlungan ng pagmamahal ng isang ina.

"Gagaling na ang anak ko..... tutulungan tayo ng Hari," masayang bulong niya sa anak. Gumuhit ang labis at walang katapusang ligaya sa mga mata ng batang babae.

Lumingon sa akin ang munting lobo. Namumutla at hinang-hina. Namamaga, nangingitim ang pinakaduluduluhan ng mga mata at maugat-ugat na mamulamulang loob-looban nito. Mga labi niyang tuyong-tuyo at bumabakbak. Mga balat nitong puno ng galis at tigsa. Ang buhok niya ay napupuno ng bala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
JekkTan(Twitter1)
c Clavem ang may ari ng gintong orasan at asul na balabal
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status