Share

CHAPTER 2

                           Napatingala ako sa langit,Ngunit hindi lahat ng tao ay nakatingala ngayon rito.Ang iba ay lito at nakayuko.Katulad ko.Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay.kumbaga,para lang akong pumapasok sa school para masabing nag aaral ako.

I’m just 18 years old that time,grade 11 student na walang direksyon sa buhay.The strand that I chose was just a strand my mother chose me to take ,kasi hindi ko talaga alam ang gusto kong maging paglaki.kumbaga,wala akong pangarap sa buhay.

Kahit na wala akong ginagawa,pagod na pagod na ako sa buhay ko.

Alam ba ninyo yung feeling na perfect naman ang lahat?may kaya ang pamilya,walang mabigat na problema,hindi binagsak ni teacher pero parang may mali pa rin,may mali pa rin sa buhay ko.

Nag try akong mag reach out sa mga nakakatanda particularly sa mga parents ko,and thing they’ve said made me cry like I a hell.

‘iniisip mo lang ‘yang depression na ‘yan’

‘ang bata mo naman para magkaroon ka niyan’

See?gusto ko nalang mamatay,mawala at maglaho nalang sa mundong ‘to.

‘’may problema ba lately?nag bebreak down ka pa ba?gaano kadalas?’’thanks to this lovely

psychiatrist,kahit papaano ay nababawasan ang mga depressive thoughts ko,kahit paapaano gumagaan gaan ang loob ko at nakakatulog na ako sa may gabi.

‘’basta sabihin mo lang saakin ah,you can text me if may problem ka at kailangan mo ng

mapagsasabihan’’ she smiled,I’m about to leave.Napatagal rin ang session now pero I’m glad at the same time scared about my self. Pagkalabas ko ng clinic niya,Nagulat ako ng makitang umuulan pala!at ang nakakainis ay wala akong payong!kaagad namataan ng mga mata ko ang isang café.Naisipan kong magpalipas muna ng oras rito habang hindi pa naman tumitila ang ulan.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay medyo basa ng kaunti ang buhok ko,kaagad tumambad saakin ang café na parang library!hindi maramihan ang mga tao dahil maliit lang din naman ang shop pero,Napakadaming libro.

‘’Welcome to nostalgia café ma’am!’’isang lalaking nasa mga edad ko ang sumalubong saakin sa may pintuan.He’s fully on smile kaya yumuko nalang ako habang ginuide niya ako sa isang table.Sa tabi ng bintana.

Kitang kita ko ang ulan.

‘’Ma’am,check niyo muna ang menu then tawag nalang po kayo if may order na po kayo,also feel free po kayong mag read ng mga books’’ he said,energetically.

Tumango lang ako sakanya,umalis na siya. Aalisin ko na sana ang tingin ko ng may lumapit sakanyang matandang lalaki,I bet in his 30’s .kaagad na napukaw niya ang aking atensyon.

‘’Jay,doon ka muna sa kusina.May nangyari ata kari bet’’his matured in barritone voice..

‘’aluh,boss.nakakahiya’’

‘’Sige na,ako ng bahala rito’’sabi ng matandang lalaki,inalis ko na ang tingin ko sakanila at lumipat ang mga mata ko sa bintana,kung saan kitang kita ko ang ulan.Kailan ba ito titigil?

Sana tumigil na siya dahil

isa siyang malaking abala.

Hayts,magpasagasa nalang kaya ako habang umuulan?kaso ayokong makaramdam ng sakit kung sakaling mamatay ako.Takot akong masaktan,takot ako sa sakit dahil pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin.

‘’hija,mag oorder ka ba?’’kaagad akong napalingon sa aking tabi.A man in his 30’s standing infront of me,the youthin his face already fading but not the smile that painted on his lips.His hair are greyish due to white hairs,may bakas ng bigote.He’s wearing white longsleeve at mukhang iba sa waiter kanina.

Kumunot ang noo ko ng bahagya siyang natawa.’’sorry…sorry,libro lang ba ang pinunta mo dito?ok lang naman. ‘’he said,sabay turo sa mga bookshelves na nakadikit sa pader.

‘’Hindi ako mahilig magbasa’’sagot ko,hindi ko na dinagdagan ng po o anumang salita.

Napaawang ang bibig niya pero kaagad nakabawi.’’ah!may hinihintay ka?’’he suspected,’’wala’’sagot ko.

He chuckled,bakas ang pagkapahiya sa kanyang mukha.Napansin ko ang mahina niyang paghawak sakanyang batok.

‘’Mga kabataan talaga ngayon’’he whispered,akala ata niya hindi ko narinig.

‘’Anyway,may oorder ako,regular coffee’’ I said,baka siguro akala ni manong ay hindi ako mag oorder at nandito lang ako para tumambay .

Tumango siya ng bahagya tsaka ngumiti,umalis na siya para siguro kumuha ng order.

I don’t usually respect adults because they think high of themselves.Magkaroon ka lang ng kaunting punto sa isang argumento.Tatawagin ka na nilang walang respeto.Akala nila sila lang ang nakakaranas ng problema,sila lang nahihirapan at may karapatang masaktan.

Napatingin ulit ako sa bintana,bahagyang dinig ang ulan dito.June na kasi at panahon na ng puro bagyo.

‘’ito na ang order mo hija’’dahan dahan akong tumingin sa may matanda na may dala ng order ko,siya rin yung kanina.Kinuha ko lang aking order atsaka bumalik na sa pagtitig ng ulan,kita ko na hindi umalis si manong sa aking gilid

‘’hinihintay mong tumila yung ulan noh?’’hindi ko sinagot ang tanong niya,bagkus nag iba ang direksyon ng aking paningin at tinitigan kong mabuti ang kape.Napababa ang aking tingin sakanyang kamay na puro paltos ngunit tinaas ulit para titigan ang aking order na kape.

Black coffee?pinakatitigan ko ito,nilapit ko pa ang aking mata.

‘’ay sorry!HAHAHHAHAHA matanda na,makakalimutin.Nakalimutan kong malagyan ng gatas.’’he laughed,pero hindi ako natawa o nagbigay ng reaction.

May kinuha siya sakanyang chest pocket na maliit na lalagyan,gatas at dahang dahang binuhos sa kape.

‘’Ganito yung buhay parang kape,una madilim at maitim kaya mukhang hindi masarap,kaya lagyan mo ng gatas para lumiwanag..’’malumanay n’yang sabi,sa pagkakasabi niya ang lambot ng boses,His voice are soothing to the point it’s like an music to my ears,he smiled at me then tumalikod na,I glance at my coffee.Ang ganda ng pagkakatimpla ng kulay.

‘’Titigil din yang ulan,huwag kang mag-alala’’ he assured then leave,I don’t know but that time my heart just racing it’s heartbeat,bigla nalang dumagundong ang puso ko sa kaba at gusto ko nalang maiyak dahil sa wakas,pakiramdam ko may tanong makakaintindi saakin.

My mind was in the brink of it’s suicidal thoughs again but those words eventhough he don’t know what I’m experiencing through……..gave me comfort.

Then as I looked at the window again,the rain just slowly stopping kaya napatulala nalang ako.I sipped my coffee and unexpected smile was painted in my lips when the rainbow and sunshine suddenly come.

Hinanap ng mga mata ko ang lalaki,pareho kaming nakatingin sa langit.Nakangiti.

I’m just 18 years old when I felt those feelings,it is impossible?love ba talaga ‘yon?how come?maybe I’m crazy and can’t think well,but if those feelings is the one can make me happy then I’m glad to be crazy forever

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status