Share

Rain of Nostalgia
Rain of Nostalgia
Author: ASHRIT

CHAPTER ONE

                          The breezing wind of June is coming, new school year, new memories to treasure and new experience to be wielded……all of them are getting tired of me. Everything seems to be tiring.Sabagay,lahat naman ng bagay na ginagawa natin ay nakakapagod,lalo na ang mga pauli ulit.

                         Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad,kahit na masakit na ang mga paa ko.Hindi ako tumitigil sa paglalakad. Gusto kong maglakad at maghirap.Siguro kasi kapag ganito,either sumuko ka at tumigil o magpatuloy pero nakakapagod .Naka ayon sa dalawa ang pagpipilian.

Kaagad na nanliwanag ang ang mata ko ng makita ang school,alam kong late na ako pero tuloy

tuloy lang.Naalala ko ang taong nagsabi saakin noon na ganito raw talaga ang buhay,parang ngayon,sa pagpunta ko sa school.may nauuna,may nahuhuli,at mayroon namang ayaw pumasok.

                         Parang sa buhay,may nauuna,may nahuhuli,at iilang mga taong ayaw pumasok sa mundo ng reyalidad.

‘’late ka nanaman,buenafe.’’ kaagad akong napayuko at nag sorry sa prof ko.Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa.Siguro sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad ng taong nagpabago ng buhay ko.

Umupo na ako saaking pwesto,last year ko na pala sa college.tignan mo nga naman,nakayanan ko.Parang kalian lang,hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko.Last three years .Litong lito ako sa buhay.Gusto ko nalang ang sumuko at tumigil.

Tama,tumigil

At nagpapasalamat ako sakanya,sa taong tumulak saakin.

Sa pagtulak na ‘yon,kahit na masakit,Atleast nakahakbang ako .Naka abante ako

Umusad ako,habang siya ay naiwan sa likod,katulad ng pag talikod sakanya ng panahon .

‘’Hoy, hyiena!kanina pa kita tinatawag,ang lalim nanaman ng iniisip mo.’’Kaagad akong napabalik sa ulirat dahil sa boses ng katabi ko,hindi ko namalayan ang oras.Wala akong

napakinggan sa klase.Napabaling ako ng tingin sa ulan sa labas.

‘’feeling ko,binibigyan mo nanamn ng meaning yung mga bagay bagay HAHAHA,ulan lang ‘yan uy’’Tawa niya at mahinang hampas saaking balikat.

Sa mga sandaling iyon tila may napakinggan akong boses.

Boses ko,at boses ng lalaki na ‘yon.

‘’Ang ganda ng ulan noh?tignan mo sa labas!HAHAH’’nagulat ako ng bigla niya akong hatakin palabas ng restaurant ,bago iyon ay kinuha niya ang payong sa tabi ngunit hindi niya naman binuksan.

‘’siguro para sa ibang tao,normal lang yung ulan pero para saakin hindi,yung ulan na ‘yan paalala saating mga tao kung papaano yung buhay.’’

‘’buhay?’’ Tanong ko sabay kunot ng aking noo.nagulat ako ng bigla niyang hawakan aking kamay

‘’oo, Buhay’’

‘’oo,buhay.tara!’’napahiyaw ako ng maramdaman ang malamig na dampi ng ulan saaking balat,mahina ko siyang hinampas sa braso.

‘’nababasa tayo,ang tanda mo na pero para ka pa ring bata.35 years old’’

‘’siguro nga,kaya nga eto payong.’’binuksan niya ang payong atsaka itinutok saakin,napatingala ako sakanya.

‘’kapag may payong tayo,hindi tayo mababasa tama ba?pero kapag walang payong mababasa tayo.iisa lang ang payong nating dalawa,paano kung gusto kong pumunta sa direskyon na iyon pero ikaw sa ibang direksyon mo gustong pumunta?Anong gagawin mo?’’

‘’sasamahan kita’’maikli kong sagot.

‘’pero hindi ka makakapunta sa destinasyon na gusto mong puntahan.’’

‘’parang sa buhay lang,minsan sa buhay natin may bagyong dararating,puro ulan.Hindi natin alam kung makakausad pa ba tayo o hindi na.Pero,may isang payong na darating satin,at may punto na kailangan mong iwan ang payong na iyon,hayaan mong mabasa ka.Masaktan ka para makapunta ka sa destinasyon mo.Kumbaga,sometimes we must leave the shelter,took the risk of the rain,move forward and hope the rainbow to shine’’

‘’Hyienaaaaaa’’kaagad akong napabalikwas sa pagkakaupo,natanggal ang tingin ko sa bintana.I

witnessed the gloomy looked of Gina.

‘’Ano bang nangyayari sa’yo?b-bat ka umiiyak?’’kaagad kong hinawakan ang pisngi ko at nagulat ako na lumuluha na pala ito.

‘’ang weird mo naman,tinitignan mo lang yung ulan,naiiyak kana’’ she joked,siguro nga para sa ibang tao ulan lang ‘yan but not for me.

‘’ah?huwag mo nalang akong pansinin,bakit mo nga pala ako tinatawag?’’ I asked,she smiled first.

‘’may meeting sa literature club,hinihintay na tayo doon.’’she informed,kaagad akong napatayo at sumunod nalang sakanya.

I miss him so hard.

Maraming estudyante sa hallway,ang iba naglalandian,yung iba nagtitiktok pa,ang iba naman nagrereview.Pero may nakaagaw ng isang atensyon ko.As a self-proclaimed writer Alam ko.

May nadaanan kaming isang babae at lalaki,nakasalamin si girl.Magkausap silang dalawa ni boy and YES!unang tingin palang,I think they’re bestfriends that fell in love with each other.

‘’Gina’’ I called,kaagad na lumingon ang kaibigan.

‘’kilala mo yang dalawa na ‘yon?’’ I asked, while slowly pointing to the two feared and uncouraged lovers . Gina slightly nodded.’’ yes,kaklase ko sila both sa isang subject why?’’

‘’are they bestfriends?’’

Nanliit ang mga mata niya at kasabay noon ang tingin ng pagkamangha saakin.

‘’my god! Hyiena don’t tell me nahulaan mo? I mean. yes, they’re BFF pero halatang want nila isa’t isa. but afraid to take the risk, sadly.kaya ayan,’’she cleared,kaagad akong napangiti ng pilit.I can see myself to them, last 3 years ago….I’m also afraid to take the risk.

Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad dalawa ni gina hanggang marating ang maliit at saktong office namin,literature club or sa writers.

Hindi talaga ako isang writer,at wala rin akong hilig sa pagbabasa noon,but thanks to him.I’m able to see the sun again. I want to rewrite our story.

PADAYON ang name club namin.

Like it says TO MOVE FORWARD

‘’pinaplan na pala ang pagpupublish ng novel’’bulong saakin ni jean,kaagad na nanlaki ang mga mata ko.

‘’NOVEL?!’’ I asked, I got embarrassed ng nakatingin na pala sakin ang mga nasa room including our adviser. I immediately said sorry. Kada sem isang novel mula sa isa saamin ang may chance na ipublish ang kanyang libro at kami ang magbibigay ng idea sakanya.

Halos nanahimik lang ako sa meeting habang pinag uusapan ang novel na ipupublish.‘’Sino ang susulat?’’ our adviser asked,kaagad akong nagtaas ng kamay and pointed Gina.‘’ma’am,si Gina po.I do believe in her perspective and way of writing,hindi masasayang ang funds.kung

siya ang susulat ng susunod na nobela natin.’’ matapang kong saad.

‘’AAAAAHHHH?uy huwag nakakahiya atsaka isa pa,mas magaling ka saakin Hyiena!’’ I chuckled In her nervous tone.’’hindi pwedeng ako,napublish na ang novel ko last year diba?’’sagot ko.

I asked, mas lalong nabalot ng frustration ang mukha niya.

‘’iyon na nga eh!Ultimate sale ka yang nobela mo!Ultimo mga hindi mahilig magbasa,binasa yung tragic novel mo!Nag eexpect sila ngayon satin!Tapos ako susunod saiyo?’’

Ginulo gulo niya na ang kanyang buhok lalo na ng sumang ayon saakin ang iba naming club mates.I smiled

‘’okay,Gina.ikaw na ang magsusulat.mag brain storming muna kayo diyan tungkol sa plot and all.May aasikasuhin lang ako.’’ pagpaalam ni ma’am kaagad kaming nagsitanguan at nagpaalam sakanya.Ang iba ay binabati na si Gina,ako naman ay inayos na sila para umpisahan ang meeting.

‘’ok lang yan Gina,sana all nga eh.’’

‘’mahirap naman kasi talagang talunin yung libro ni hyiena’’

‘’Partida,wala tayong tulong sakanya’’

‘’Yung main characters, better if adults na sila to handle maturity?’’

‘’Maganda rin yung enemies to lovers’’

‘’cliché’’

‘’hmmm,bestfriends kaya sila?’’I suggested,natahimik ang lahat ng ako na ang nagsalita.

‘’h-h-mm hyiena cliché na kasi ‘yon’’nahihiyang sabi ni Gina. Kaagad naman sumagi sa isip ko ang nakita kong uncourage lovers kanina.

‘’edi,bigyan nalang natin ng plot twist?’’

‘’Ano?in the end mag coconfess yung isa sakanila kapag one of them is about to die?’’Sabat ng isang third year,nakataas pa ang kilay at galit na galit.Napabuntong hininga ako,hindi ko rin alam ang sasagot ko.Totoo naman na cliché nga iyon pero kailangan kung may hukay,mas palalimin ang hukay sabi nga nila.

‘’No.they didn’t confess to each other. They didn’t take the risk’’sagot ko sabay tingin sa bintana kung saan umuulan.

‘’Eh ano pang kwento doon?’’tanong ng isa naming kasamahan sa club.‘’Nag confess si girl but the boy took her down kasi alam n’yang they can’t lose both friendship and relationship, then they have to part their ways. They leave each other’s shelter to move forward. Years nagkita sila, but the boy already lying in his grave, and iyon, all their life is regret.Puno ng pag sisisi kung Bakit ganito ganyan.Sana mabalik ko ‘tong time na ito ganyan.In the end, their life being together was all about lessons. The theme is, took risks no matter what. At least kahit na magregret ka, nag try ka.’’

Mahaba kong sabi na ikinagulat nila,ang ilan ay kitang kita ang kanilang paglunok at mata ng

pagkamangha.Napangiti lang ako.Pagkatapos ko sa school ay namalayan ko nalang ang aking sarili na naglalakad,papunta sa may highway.Hindi nagtagal ay nakita ko na ang isang maliit na coffee shop sa harapan ng isang psyclinic.

NOSTALGIA CAFÉ

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan,ngunit hindi katulad noon,wala na ang taong bumabati saakin ngayon.

‘’oh,Hyiena.Napadalaw ka?’’ kaagad akong napangiti ang boses ni ma’am Rhian.

‘’okay lang po, ma’am. kayo?si Danica?’’

‘’Ano kaba,ate nalang.atsaka nasa school pa si Dani,Umupo ka muna.’’ She offered na kaagad kong tinanggihan.’’aalis rin po ako,bumisita lang rito sa coffee shop.’’ Sagot ko atsaka inilibot ang aking paningin,kaunti ang tao ngayong araw ngunit wala pa rring pagbabago ito three years ago na.Ang maliit na book shelves na sandamakmak na libro ,nandon pa rin.Ngunit,ang lalaking palagiang nakatayo doon

ay wala na.

‘’Pupuntahan ko po siya’’ dahan dahan kong paalam,ngumiti siya saakin ng payak at may halong lungkot.

‘’Gusto niyo po bang sumama?’’ dagdag na tanong ko na,kaagad siyang umiiling- iling.

‘’Binibisita rin naman namin siya,ngayon.Ikaw na muna ang pumunta,siguradong gusto ka niyang makita.’’ Mabait na sambit niya na ikinalambot ng aking puso,tumango ako atsaka ngumiti sabay paalam.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala tumila ang ulan,hindi ko napansin.Hindi ko rin namalayan na sinasayaw na nang hangin ang aking buhok rito sa sementeryo.Mabilisan kong hinanap ang kanyang pangalan sa mga bato.At napangiti ako ng matagpuan ko siya.

‘’kamusta? Mr.Emir?’’I smiled then sat on the grass.

‘’ Tama ka,titila rin ang ulan’’ sambit ko,kasabay agresibong paghalik ng hangin saaking balat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status