Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa condo, hindi na nila binaba ang mga pinamili dahil dadalhin muna yun sa bahay nila Leina, nagCR muna si Leina kaya napilitan siyang pumasok sa kwarto nilang mag-asawa, ayaw niya sanang pumasok duon dahil naaalala niya ang nangyari, kung bakit sila nagkahiwalay ni MattSa sala naman ay tumingin si Minda sa anak na nakaupo sa sofa, nilapitan niya ito at tinabihan"Anak, sorry ulit""Alam mo Ma, okay na po yun, kung si Leina nga napatawad po kayo, ako pa kaya? Pero siguro kung wala si Leina at dun ko nalaman ang lahat, sorry din Ma, pero baka nagalit ako ng husto sayo""Alam ko, at masasabi ko anak ko, napakaswerte mo sa asawa mo""Sobra Ma, sobrang swerte ko talaga, hindi ko inexpect na mamahalin ko siya ng ganito, ganito katindi, alam mo Ma, nung kami pa ni Ria, alam kong gusto na ako ni Leina nuon, pero Ma, never siyang nagpapansin sa akin, hindi siya tulad ng ibang babae Ma, kaya mahal na mahal ko siya, mas mahal ko pa siya kesa sa buhay
Nag aayos si Minda sa kwarto nilang mag-asawa nang may tumawag sa kanya sa phone at hindi niya alam kung sino"Hello, sino to?" ani niya"Tita" ani ng may ari ng boses, parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang mabosesan ito"Ano pang kailangan mo?""Ano Tita? Pati ikaw tinraydor mo ako""Anong tinraydor ang pinagsasabi mo?""Akala ko magkakampi tayo, akala ko ba ako ang gusto mong manugang?""Ria, tanggapin mo na lang na hindi kayo ni Matt ang para sa isat isa, may mahal na siyang iba, at buti na lang""Ahh ganun? Lintik lang ang walang ganti, lahat kayo babalikan ko, wala akong ititira sa inyo" ani nito sabay off ng phone, nakaramdam ng kaba si Minda sa pagbabanta na yun ni Ria, hindi talaga ito titigil sa panggugulo sa kanila, hindi naman ganito ang pagkakakilala niya dito nuon, pero ibang iba na si Ria ngayon, o baka ganito talaga ito.Sa bahay naman nila Ria, naiiyak siya sa galit, akala niya may kakampi siya sa katauhan ni Minda, pero nakuha rin ni Leina ang loob nito, siya
Kinabukasan, nagpunta sina Ferdie at Minda sa bahay nila Leina, may dala silang pagkain para sa kanila, nagbihis naman ng maayos si Linda, pumasok si Leina sa pasok ng ina"Wow Ma, sayo nga ako nagmana ng kagandahan" ani ni Leina"Naman anak, andyan na ang mga biyenan mo?""Andyan na po sila Ma, ang daming dala""Kaya pala sabi nitong si Matteo, wag nang mag-abala sa pagkain, magsaing na lang daw ako""Oo nga Ma, o paano lika na, ang ganda ng Mama ko nakakainis" nakangiting ani ni Leina"Bwisit na to nainis pa" natatawang ani ni Linda sa anak"Lika na" at saka sila lumabas, tumayo naman sina Ferdie at Minda nang lumabas sina Leina at Linda, tinutulungan naman ni Nene si Matt mag ayos sa mesa"Balae" ani ni Ferdie"Good Evening B-Balae" ani ni LindaLumapit naman si Minda sa kanya at niyakap "Kamusta Balae?" ani ni Minda"Ayos lang, upo kayo upo" ani ni Linda"Mabuti nagkita kita na tayo bago pa kami makabalik sa Canada" ani ni Ferdie"Oo nga eh, masaya rin ako kasi nagkakilala na tayo
Lumipas pa ang mga buwan, magkakasama na sa condo sina Leina, Matt, Aling Linda at Nene, isang araw habang nag-aalmusal sila ay biglang sumakit ang tiyan ni Leina, kinuha ni Nene ang mga gamit nito, inalalayan naman siya ni Matt at Aling Linda"Nak, relax lang, relax lang, Diyos ko po" ani ni Aling Linda habang nasa elevator sila, halatang mas kinakabahan pa ito kesa kay Leina"Ma relax rin po kayo" ani ni Matt"Oo anak"Maya maya ay nasa parking na sila at dumiretso na sa ospital, nag lelabor na nga si Leina, nakakuha na sila ng room at pinalakad lakad muna si Leina ng Doktor, sinasabayan naman siya ni Matt sa paglalakad, mangiyak ngiyak na si Leina"Mahal, kayanin mo ha?" ani ni Matt, tumango naman si Leina "Andito lang ako, kami, kapag hindi mo na kaya ang sakit sabihin mo sa akin, ipapapainless na kita" "Kaya ko pa Mahal""Basta makakaraos ka din, maya maya makakalabas na sina Cruzita at Chabelita"Pilit na ngumiti si Leina "Mahal samahan mo ako sa delivery room please?""Oo Maha
Pinapasok ni Matt ang mga bisita sa loob ng unit at pinaupo sa sofa"Kamusta Sir?" ani ni Matt "Ano po ang balita?""Sir Ledesma, nakuha na po naman ang identity ng taong nagpadala ng video sa asawa niyo, Joel Ramos ang pangalan niya, may kilala po ba kayong Joel Ramos?""Isang Joel Ramos lang po ang kilala ko, yung dating officemate po namin""Lumalabas po kasi na ang IP Address na natrace natin ay ang postpaid account niya""Posible po ba talaga na siya ang may gawa?""Yan po kailangan nating malaman Sir, maaari rin kasing may nakiconnect lang sa kanya, isa po yan sa posibilidad, pero sa ngayon po siya ang primary suspect natin, actually Sir, yung ibang tauhan ko po ay pinuntahan na po siya at dadalhin na po siya sa opisina""Pwede po ba akong pumunta?""Sige Sir""Sandali, magpapaalam lang po ako sa asawa ko" ani ni Matt sabay tayo at pasok sa kwarto ng mga bata "Misis ko""O anong balita?""Kailangan ko pumunta sa NBI, kasi nalaman na nila kung kanino ang IP Address na ginamit sa
Lumipas pa ang mga araw, pero nawawala si Ria, hindi nila alam kung saan nito nagpunta, pero itinuloy pa rin ang kasong isinampa rito, dumating ang araw ng one month at binyag ng kambal, nasa simbahan na silang lahat, tuwang tuwa ang mga Ninong at Ninang sa kambal, malaman na kasi ang mga ito at bungisngis kahit isang buwan pa lang ang mga ito, habang nag aantay sila sa pari ay lumapit si Sarah kay Aldrin"Pssst, mukha ka namang pinagsakluban ng langit at lupa" ani ni Sarah"Pwede ba Sarah, wag ngayon, wag mo akong kulitin""Ang sungit mo naman, buti nga binabati kita""Pwes, hindi ko kailangan ang pagbati mo, pwede bang lumayo ka sa akin?""Eh di aalis" sabay tayo ni Sarah, at saka lumapit kay Leina, habang inaayos ang kambal sa mga stroller nito"O, anong nangyari sayo?""Yung kumpare mo ang sungit""Sinong kumpare?""Si Aldrin"Napangiti si Leina "Bakit? Inano ka ba niya?""Para nilapitan ko lang paano mukhang malungkot sininghalan ba naman ako""Baka may problema lang""Bahala siy
Lumipas pa ang mga araw, linggo, buwan at taon, tahimik na namuhay ang pamilya nina Matt at Leina kasama sina Linda at Nene, nakabalik na rin ng Pilipinas sina Ferdie at Minda, nagtayo si Matt ng isang Travelling Agency, ang C&C Travelling Agency, naging full time mom na rin si Leina kina Cruzita at Chabelita, isang araw sinundo na ni Leina ang mga anak galing school dala ang sariling sasakyan, mag-aapat na taon na ang mga ito"O go to Lala na, magbless kayo" ani ni Leina pagkapasok nila sa condo"Lala!" sigaw ng mga bata at lumapit sa Lola Linda nila na nasa kusina"Kamusta na ang mga apo ko?" ani ni Linda pagkatapos magmano ng mga bata sa kanya"Lala dami kaming stars o" ani ni Cruzita"Wow oo nga noh, ang tatalino talaga ng mga apo ni Lala ah""Lala hungry na ako, anong luto mo?" ani ni Chabelita"Nagluto si Lala ng Sinigang na Sugpo""Wow sarap"Natawa si Linda sa mga apo "Opo masarap to, ang mabuti pa punta na kayo sa mommy at magbihis na""Yes Lala" ani ng dalawa at bumalik na s
Nakauwi na sila hotel, borlogs ang kambal nila sa sobrang pagod, halos madaling araw na rin yun, nasa kwarto naman silang mag-asawa at nakahiga, kakatapos lang nilang maglabing-labing"Mahal, yung bata kanina" ani ni Leina"Mahal""Makinig ka muna Mahal, what I mean is, diba sabi mo pamilyar yung babae sayo?""Oo""San mo kaya nakilala yun?"Saglit na hindi nakakibo si Matt at biglang nanlaki ang mga mata "Shit" bigla siyang napaupo"Mahal, bakit? wag mo sabihing may anak ka sa labas""Sira! Si Kendra yun, kaibigan ni Ria""Kaibigan ni Ria? ""Oo""Eh bakit ganun? Sabi niya hindi ka niya kilala at saka anak niya kaya yung bata?""Hindi ko alam""Bakit akala nung bata ikaw ang Daddy niya? Asan kaya ang Daddy nung bata?""Ako rin Mahal, yang mga tanong mo, yan din ang tanong ko" at muling nahiga si Matt at humarap sa asawa sinilip nito ang dibdib nito "Isa pa Mahal, para masundan na si kambal" sabay halik sa leeg nito"Ay grabe Mahal, baby pa sila""Baby? Mahal, magpofour na sila at sak