Share

Chapter 29

Natahimik lamang ako nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko maramdaman ang suporta niya sa binanggit niyang 'yon. Mayroon ba siyang problema na hindi niya sinasabi sa akin? Bakit hindi niya ito sa akin sabihin? Parang sinambit niya lang ang mga katagang 'yon para lang masabing mayroon siyang sagot sa aking mga katanungan.

Tumingin ako sa kanya at agad din akong umiwas ng tingin dahil ayaw kong gumawa ng kahit anong inaakala niyang ikibabahala ko. Ang iniisip ko lang naman ay bakit ganoon ang kanyang inaakto. Hindi ko maramdaman ang totoo niyang presensya, parang mayroong mali at alam ko na sobra nitong laki. Alam ko kapag mayroon siyang problema ay agad niya itong sinasabi sa 'kin, ngunit ngayon ay wala akong naririnig sa kanya na kahit ano.

Hindi ko na lamang 'yon pinansin at hindi na rin na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lamang na mayroong agam-agam sa akin dahil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status