"Nang ganu'ng-gano'n lang? Nasayang ang halos na tatlong taon niyo? Hindi mo 'man lang ba itatanong ang dahilan sa likod nito?" hindi mapakaling tanong ni Valentine, pero nakapagdesisyon na ako. Dahil masyado nang nag-normalize sa kultura ng Pilipino ang pagche-cheat. Hindi na dapat hinahayaan pang ginaganito lang ako. Sa iba ay tinatanggap pa nila at binibigyan pa ng pangalawang pagkakataon ang lalaking nagkasala sa kanila. Desisyon nila 'yon at wala akong kailangan na sabihin pa tungkol doon, pero kung sa aking mangyari ay hindi ko papalagpasin pa ito. Hindi ko hahayaan ang aking sarili na makipaghalikan sa lalaking alam kong may iba naman din palang kahalikan. "Wala sa haba ng relasyon 'yon," mariin kong sabi. Dahil ayon palagi ang iniisip ng ibang tao na sila pa ang mas nanghihinayang dahil naiisip nila ang tagal na ng relasyon ng ibang tao, sabay hindi pa nagkakatuluyan. Magii-stay ka pa ba sa relasyong hindi ka na masaya? Hindi, 'di ba? Magii-stay ka pa ba sa relasyon alam mo
Nagising ako dahil kay Valentine, niyaya niya akong mag-jogging. Kailangan ko raw 'yon para ma-boost ko raw ang happy hormones ko sa katawan, kahit na ayaw ko dahil inaantok pa ako sa sobrang aga at tinatamad pa ako, gusto ko pang matulog. Wala na rin akong nagawa pa dahil mapilit ang babae. Pinahiram niya muna ako ng pang-jogging na suotan at saka na kami lumargang tumakbo. Kahit papaano ay naging maginhawa rin ang puso ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin, sa pagtagatak ng aking pawis, at saka sa mga kapaligirang iyong nakikita, at kahit saan ka lumingon ay magbibigyan mong pansin ang ganda ng kalikasan. Nakakamangha ring pagmasdan ang paghampas ng mga halaman, sumasayaw kasama ang hangin. I don't know, but it brought me peace and I was able to breathe for a moment. "Aray!" malakas kong sigaw dahil tinulak ako ni Valentine at saka mabilis siyang tumakbo, tumawa-tawa pa. "Humanda ka sa akin kapag ikaw nahabol kong babae ka!" sigaw ko para marinig niya ako mula sa malayo. Tinignan k
Humarap na muna siya sa mga kasamahan ko para mangumusta. Kaninang seryoso niyang tingin sa akin ay napalitan na ito ng tuwa't ligaya nang humarap na siya sa mga kasamahan ko. Nakaramdam kaagad ako ng kakaibang ibig no'n sabihin pero pinili ko na lang na manahimik at hindi na muna ako nag-overthink sa binigay niyang trato sa akin kanina. "Oh, that's bad... I think you really have to see your Doctor, Amiel," nakangiting, nag-aalala at sa pinakamatinis na sabi ni Ms. Jeremiah. Parang iba na ang nakikita ko sa kanya, habang kinakausap niya isa-isa ang mga kasamahan ko ay parang may napapansin akong kakaibang aura mula sa kanya. Natapos na niyang kausapin ang lahat at muli siyang pumunta sa harapan, sa medyo gilid ko at saka ngumiti sa kanila isa-isa at hindi niya 'man lang ako tinapunan ng tingin. Parang sinasadya niya. Ano'ng problema niya sa akin? "Hi! I've missed you all! Kung alam niyo lang, I've missed working woth all of you here. I've missed my girls team kaya naman naisipan ko
"I've suffered from depression, napansin niyo noon? Nawala ako saglit sa media dahil I've been through all of it, all by myself. I haven't had the courage to go to a Psychiatrist and drink some meds kasi ayaw kong paniwalaan na baliw ko, pero alam mo 'yon? Alam mo namang hindi ka baliw pero bakit kailangan mong uminom ng mga gano'n? And I hate that, it was one of the most challenging period of my life." Tinitigan ko lang siya at masasabi kong lahat ng sinabi niya ay totoo, 'yong mata niya na malapit na siyang maiyak. Nakatingin lang siya sa ibaba at ayaw niyang ipakita sa akin ang lagay niya no'ng tumalikod na siya. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya at pinunasan niya pa ang mata niya. Ang kaninang galit ko sa kanya ay napalitan na ng awa para sa kanya. Para lang sa pag-ibig ay ito na ang nangyari sa kanya? Tunay ngang nakakatakot umibig, pero ano pa nga ba ang magagawa natin? Kahit na ano pa 'man ang mangyari, doon at doon pa rin naman tayo babalik, ang magamahal. "How I
Nakita ko ang panlulumo ng kanyang mata, kung paano bumaba ang katawan niya dahil sa bigla, pagtitigilan, gulat, at takot. Nasaktan din ako bigla matapos kong sabihin ang mga katagang maghihiwalay na kami. Bumalik na naman ang sakit at hinagpis ng aking naramdaman nang maalala ko kung paano siya nagloko, kung anu-ano ang mga sinasabi ni Jeremiah sa akin. Ang hirap din sa puwesto ko dahil minsan ko na rin siyang minahal at mahal na mahal ko siya. Pero sa kabila no'n ay nanaig pa rin ang pagsisisi ko na sana hindi ko na muna sinabi 'yon, pero wala na. Nasambit ko na ang katagang 'yon, dito na ngang matutuldukan ang pagsasamahan naming dalawa. "W-what?" dahan-dahan at kinakabahang tanong niya, nag-init na ang gilid ng aking mata dahil sa sakit ding aking naramdaman sa nakikita ko ang itsura ni Louis, ang mahal ko. Mabilis niya akong niyakap at mahigpit na mahigpit niya akong niyakap. "N-no, d-don't this to me, love, what happened? N-no..." Nasasaktan ako sa mga salitang binabanggit ni
Tinignan namin mula sa bintana nila at ang lakas ng sigaw ni Louis dahil rinig na rinig namin siya rito. Kanina pa siya sumisigaw ng kung anu-ano at kahit inaawat na siya ng mga guard ni Valentine ay hindi pa rin ito nagpapatinag. Sigaw pa rin nang sigaw mula sa labas si Louis. Sinasabi niya na lumabas ako at saka kausapin ko siya nang maayos, napapapikit na lang ako nang mariin dahil sa sakit na sa bawat sinisigaw ng taong mahal mo ang pangalan mo para magkaayos kayo ay ibang klaseng lebel. "Come on now, love! Please... let's talk!" Huminga ako nang malalim at pinipigilan kong huwag na maiyak na naman muli. Nakatingin lang sa akin si Valentine, naghihintay ng kung ano ang gagawin ko at kung ano ang sasabihin ko. Tumayo na ako at saka buong-tapang lumabas na, haharapin ko siya. Mabilis akong lumabas ng bahay nila Valentine at 'yong mga katulong ni Valentine rito ay nag-aalala rin sa akin pero simple ko na lang silang nginitian. Nakakahiya sa kanila na gumawa pa ako ng ganitong ba
"Hi, my girls! Tara! Let's gather around and we'll talk about something!" sinubukan kong maging masaya ang tono ng pagkakasabi ko, nagawa ko naman, pero malamang kita sa mata ko ang lungkot dahil magang-maga ito. Kita ko rin sa mga mukha nila ang patanong dahil sa mga nangyari nitong mga araw na nangyari. Narito na ako sa studio namin at dito na rin ako mamamaalam sa kanila at saka ipapaalam ko na rin na akin nang natanggap ang imbitasyon sa akin ng Dior at inaasahan nila ako within 3 days, naroon na dapat ako no'n, nag-email kaagad sila sa akin, hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko sa kanila at talagang binibigyan nila ako ng extra special na communication. Basta malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanila ay nakahanap ako ng pagkakataon para i-expand at i-explore ang aking sarili. Kahit kinakabahan ako ay gusto ko rin ipaalam sa kanila ang patungkol dito para naman ay alam nila kung ano na ang mangyayari sa buhay ko. Ayaw ko rin namang umalis na wala silang alamsa nangyari sa akin.
"Tita!" malakas ko kaagad na sigaw sa kanya nang makita ko siya na nakaupo, umiiyak, katabi niya si Tito. "Tito!" Lumapit ako papalapit sa kanila at nagsimula nang mahulog ang aking mga luha dahil sa kung paano umiyak sila Tito't Tita. Niyakap nila ako nang nasa harapan na nila ako, niyakap ko rin sila pabalik. Naputol din ang yakapan naming tatlo at saka mabilis ko silang hinarap para magtanong sa kung ano'ng nangyari, pinunasan ko muna ang luha ko at saka nagsalita. "Ano po'ng nangyari, Tita? bakit po? Wala na po siya? Bakit po?" hindi mapakali at sunud-sunod na tanong ko, tuluy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Umiiling si Tita at hindi rin makapaniwala sa nangyari at hindi rin kinakaya ang nangyari. "Inaasahan na rin namin ito, pero hindi namin inaakala na mapapaaga ang araw na makarating 'to. Hindi ba sinabi sa inyo ni Amiel ang kondisyon niya? Panigurado ay hindi niya nga ito sinabi dahil ayaw niya. May sakit siya sa puso at bilang na lang ang araw niya na mabubuhay siya. Mayroon