Share

Chapter 45.1

"Hi, my girls! Tara! Let's gather around and we'll talk about something!" sinubukan kong maging masaya ang tono ng pagkakasabi ko, nagawa ko naman, pero malamang kita sa mata ko ang lungkot dahil magang-maga ito. Kita ko rin sa mga mukha nila ang patanong dahil sa mga nangyari nitong mga araw na nangyari.

Narito na ako sa studio namin at dito na rin ako mamamaalam sa kanila at saka ipapaalam ko na rin na akin nang natanggap ang imbitasyon sa akin ng Dior at inaasahan nila ako within 3 days, naroon na dapat ako no'n, nag-email kaagad sila sa akin, hindi ko alam kung ano'ng ginawa ko sa kanila at talagang binibigyan nila ako ng extra special na communication. Basta malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanila ay nakahanap ako ng pagkakataon para i-expand at i-explore ang aking sarili.

Kahit kinakabahan ako ay gusto ko rin ipaalam sa kanila ang patungkol dito para naman ay alam nila kung ano na ang mangyayari sa buhay ko. Ayaw ko rin namang umalis na wala silang alamsa nangyari sa akin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status