Share

Chapter 45.3

Alam kong nalalapit na ang pagwawakas ng aking buhay, ganunpaman, gusto kong mabasa mo ito nang masaya... gusto ko ay mababasa mo ito ng may saya sa iyong puso. Hindi bagay sa 'yo ang umiyak, kaya tahan na... sige ka! Baka hindi maging cute ang anak niyo ni Louis. Huwag kang ano riyan, 'no ka ba naman! At saka ayusin niyo na ang nangyari sa inyo ni Louis, ah! Ayaw kong magkaaway kayo, hmp!

Natawa naman ako nang mahina dahil sa sinabi ni Amiel, kahit na sa daang sulat na lang ay ramdam na ramdam ko pa rin siya sa aking tabi. Kasalukuyan ko nang binabasa ang huling mensahe ni Amiel, sinusubukan ko namang huwag maiyak pero hindi ko talaga kaya... ang sakit isiping wala na nga nang tuluyan si Amiel.

Ngayon... gusto ko ay gawin mo lang ang mga bagay na kung saan ka masaya, piliin mo 'yong palaging nagpapangiti sa 'yo, kung saan mo gustong puntahan, kung ano'ng gusto mong gawin sa buhay mo, at kung sinasabi ng iyong puso ay ito ang tahakin mo. Piliin mo 'yon at walang ibang magsasabi no'n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status