"Talagang ibabalik natin ang nakaraan, gano'n ba?! Tigilan mo na! Nanloko ka na, eh! Pagod na ako! I'll terminate the contract, hindi ko na itutuloy 'to! Ano nga ba'ng pumasok sa aking isipan at talagang nag-okay pa ako rito? Manloloko!" malakas na malakas kong sigaw, gusto kong manakit, gusto kong magwala gusto kong isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kita ko sa ekspresyon niya ang pagsilay ng sakit, may parte sa akin na pinagsisihan na kaagad kung ano'ng sinabi ko. Parang nambalik sa akin kung ano 'yong mga sinabi at kung ano 'yong mga ginawa ko noon sa kanya. Parang nasaktan din ako sa nakikita kong ganito ang reaksyon ni Louis. Tahimik lang siya, sapat na sa akin 'yon para malaman kung ano nag nararamdaman niya. Hinahayaan ko lang ilabas nang ilabas kung ano ang mga sinasabi ko, walang tigil akong nagsasalita, tuluy-tuloy na magsalita nang magsalita sa mga nangyari at walang tigil ang aking pag-iyak. "Ano?! Talagang wala kang sasabihin diyan?!" sigaw ko dahil ang tahim
"Oo nga, narinig ko nga rin daw na pinaalis na ni sir Louis ang lahat ng connection niya kay Ms. Jeremiah. At talagang lahat daw ay nai-pulled out na ni sir Louis ang mga sponsorships at partnerships sa Santos at Sorreño. Ayon ang pagkakaalam ko matapos no'ng nangyari," mahinang bulong sabi ng isa sa mga staff dito. Mahina pero talagang rinig na rinig ko pa rin. Kalat na kalat nga na pinaalis na ni Louis ang babae, at kahit naging maginhawa ako ro'n ay hindi ko pa rin naman maiwasan na manghinayang dahil sigurado ako dahil din naman sa akin 'yon. Sayang din naman dahil malaki ang naging ambag niya simula't sapul para kay Louis, at mawawala na siya nang ganu'n-gano'n lang dahil lang sa isang 'tulad ko. Ayaw ko rin naman sanang umabot pa sa gano'n lebel dahil ayaw ko ng gulo, pero sumusobra na rin kasi... ayaw talaga ni Louis na mayroong umaapi sa akin at talagang gagawin niya ang lahat para ipaghiganti ako. Napabuntonghininga naman ako dahil tatlong araw na ang nakakaraan simula ang
"Maayos na ako ro'n kahit papaano, ayaw ko ring tumanda na may galit ako sa sarili kong pamilya. Kahit na iba na ang turingan namin ay kadugo ko pa rin sila, pero hindi na rin magiging 'tulad no'ng noon. Mas okay na ganito na lang din kami, civil na lang ang pakikitungo namin. Pero aaminin ko rin naman na may mga pagkakataong gusto ko rin sila makasama. "Ayaw ko na rin naman na sabihin na magkadugo kayo da't maayos, hindi naman gano'n palagi. Mas maayos na nga talagang pormal na lang ang lahat. Ganunpaman ay sapat na sa akin na kahit sa isang sandali ay muli ko silang nakita at nakausap," masaya kong kuwento kay Valentine sa nangyari ng pagkakataong nagkita kami ng magulang ko no'ng huling linggo. fourth week ko na sa Pinas at uuwi na rin ako, napabuntonghininga naman ako dahil unting araw na lang ay mamamaalam na rin ako. Medyo nakapag-isip-isip na rin naman na ako sa kung ano ang aking gagawin sa buhay, pero ayaw ko na rin muna itong pangunahan pa. Bumuntonghininga rin naman si Va
"Huling programa na namin ito ngayon at uuwi na rin ako pagkatapos nito. Ang nasa isip ko sana ay kahit dalawang araw na lang pa muna rito para saglit na magbakasyon at uuwi na rin ako pagkatapos no'n, gusto ko rin namang mag-enjoy habang narito na rin ako," mahinang bulong ko kay Amiel habang nili-lighter-an ko ang kandilang binili ko na nasa tabi ng nakaukit sa pangalan ni Amiel. Nang may apoy na ang kandila ay saka ko naman pinagpagan ang sementadong nakaukit na pangalan niya dahil may mga halamang naroon. Sinunod ko namang ayusin ang bulaklak at napangiti naman ako, humangin nang malakas kaya naman dinamdam ko ang hangin na sumalubong sa akin. Napapikit pa ako para talagang damang-dama ko ang preskong hangin. Buti na lang ay makulimlim ang panahon kaya naman hindi gano'n kainit, nagkuwento pa ako kung ano ang mga naganap sa buhay ko sa loob lang ng halos isang buwan na pagbabalik ko rito sa Pilipinas, no'ng matapos ng pagbisita ko sa kanya. Nakuwento ko na rin ang tungkol sa nan
"Huh? Puwede bang ipaliwanag mo muna sa akin kung ano'ng nangyayari? Akala ko ba ay may nangyayari kay Louis? Nasaan ba siya? Pinag-aalala niyo pa ako, lalo ka na! 'Yong mga sigaw-sigaw mo pa sa akin kanina, nag-aalala talaga ako nang sobra!" irita kong sabi sa kanya at siya naman ay nag-peace sign lang at tumawa. Napairap naman ko dahil kalokohan niya na naman ata kung anu-ano ang mga sinabi niya kanina. "Huwag ka nang maraming tanong at sinasabi basta ang malinaw ay narito ka na! Kapag sinabi ko sa 'yo, edi hindi na siya surprise, 'di ba? Okay 'yang pag-aalala mo, ibig sabihin lang no'n na sobra-sobra mong mahal si Louis, ayie!" Tinulak niya pa ako nang mahina at patuloy pa rin ang kasiyahan sa aking gilid, pero limited pa 'yong ilaw, may iba pang parte ng venue ay walang ilaw. "Well, ang galing ko na atang umarte at napaniwala kitang may nangyari nga sa mahal na mahal mo!" Tumawa naman siya nang malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "At saka huwag mo muna siyang hanapin,
"Bakit naman ako iiyak? Sino ba kayo?" narinig ko 'yon mula sa malapit na parte sa paligid ko kaya humarap ako kung saan-saan hanggang sa narinig kong muli ang boses ng matinis na babae. Nang makita ko na ay mayroong nakapalibot sa kanyang dalawang babae at mukhang inaasar siya nito. "Ano naman ngayon kung may bungal ngipin ko?! Eh, maganda pa rin naman ako. Eh, kayo ba?" dagdag pa ng babae, at hindi ko maiwasan na masiyahan dahil sa kung papaano siya magsalita.Maldita ito pero ramdam mo na tinatapangan niya lang ang kanyang boses para maipakitang matapang siya. Tinuruan ako ni Mommy na huwag akong makialam sa ginagawa ng ibang tao, pero naramdaman ko ngayon ay gulo naman ito at gusto kong maging maayos lang ang lahat ng ito kaya naman napagpasyahan ko na lapitan sila at awatin.Tinulak no'ng babae na inaasar 'yong babaeng tinatapangan ang kanyang sarili para hindi maapi, nag-alala naman ako kaagad kaya mabilis akong pumunta sa gawi nila. "Eh, bungal ka kasi! Ang pangit! At saka iiya
"Bro, what do you think? Punta ka na rin para pupunta na rin ako! Nakakatamad kasi baka mamaya ay wala akong kilala ro'n. Inimbita magulang ko sabay idadamay nila ako, eh, ayaw ko ngang dumalo roon," pagpipilit pa ng kaibigan kong si Hermes. Ilang beses niya na akong niyaya na um-attend ako ng isang kasal, isang kasal sa dami kong ginagawa. At sa tingin niya ba ay libre ako no'ng araw na 'yon? Hindi. Hindi na ako puwedeng gumawa pa ng ibang bagay dahil tambak ako ng daming gawain. "No," simple kong sagot sa kanya at natawa naman siya agad. "Ayan kasi! Lasing pa, inom pa, babae pa! Ano ka ngayon? Ang dami mong gagawin ngayon sa kumpanya niyo, tambak na tambak ka!" pang-aasar niya at saka siya tumawa nang malakas, sinamaan ko naman siya ng tingin. Palagi na lang sinasabi na kung sinu-sino ang babae ko, sila naman itong nagi-insist sa akin pero hindi ko tinutuloy hangga't walang consent nila. Ayaw ko rin namang gumawa ng gano'ng klaseng bagay lang ng walang permisyon ng babae at syemp
"Okay then, if that makes you feel okay. I'll do it, anything for you. Just name it, my love," sabi ko at kung ano ang gusto ng mahal ko ay gagawin ko. Nakakainis kasi 'yong nurse na 'yon kaya pinatanggal ko, i know that I acted so immatured pero hindi ko kasi mapigilan at 'yong mga tinginan no'ng lalaking 'yon. Kaya talagang galit na galit ako sa hospital at tinakot ko na kayang-kaya kong pabagsakin 'yon para lang matanggal nila 'yong nurse. Pero nalaman ng mahal ko, at sinabi niya na ngayon ang dapat kong gawin at mas alam niya. Kaya makikinig din ako sa kanya, wala, eh... under ako. Pagkatapos no'n ay balik na ulit kami sa kailangan naming gawin. Habang nagscro-scroll ako online at nakita ko na may mga alagang hayop ang iba't ibang celebrities at kahit papaano ay nakakuha ako ng idea na kumuha na rin ako ng isa, matagal ko na ring pangarap na mag-alaga ng mga hayop at nakakaginhawa siya kapag pag-uwi mo sa bahay na makikita sila na kasama ang Mommy nila, si Allison. Natawa naman