Share

Chapter 58

"Talagang ibabalik natin ang nakaraan, gano'n ba?! Tigilan mo na! Nanloko ka na, eh! Pagod na ako! I'll terminate the contract, hindi ko na itutuloy 'to! Ano nga ba'ng pumasok sa aking isipan at talagang nag-okay pa ako rito? Manloloko!" malakas na malakas kong sigaw, gusto kong manakit, gusto kong magwala gusto kong isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Kita ko sa ekspresyon niya ang pagsilay ng sakit, may parte sa akin na pinagsisihan na kaagad kung ano'ng sinabi ko. Parang nambalik sa akin kung ano 'yong mga sinabi at kung ano 'yong mga ginawa ko noon sa kanya. Parang nasaktan din ako sa nakikita kong ganito ang reaksyon ni Louis.

Tahimik lang siya, sapat na sa akin 'yon para malaman kung ano nag nararamdaman niya. Hinahayaan ko lang ilabas nang ilabas kung ano ang mga sinasabi ko, walang tigil akong nagsasalita, tuluy-tuloy na magsalita nang magsalita sa mga nangyari at walang tigil ang aking pag-iyak. "Ano?! Talagang wala kang sasabihin diyan?!" sigaw ko dahil ang tahim
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status