Share

Chapter 40

Chantria

Para na namang binudburan ng asin si Lorreine nang makarating kami sa mall. Siya lang itong sobrang excited sa pag-shopping namin ngayong araw.

Well, excited rin naman ako pero hindi ganito ka-excited. Para na kasi siyang batang dinala sa amusement park kung makatalon sa gitna. May ilan pang napapatingin sa kaniya at natatawa kaya hindi ko rin maiwasang hindi mahiya sa kanila. Para kaming may dalang pre-school student sa mall.

“Anong una nating bibilhin?” tanong ni Louella.

“Ey!” apila ni Lorreine. “Hindi dapat pinaplano ‘yang mga ganiyan. Kung anong unang shop ang madaanan natin ay roon tayo pupunta.”

Napabuntonghininga ako. “Mukhang makakailang ikot tayo sa mall ngayong araw.” Napatingin ako kay Iwatani na tahimik lang na nakasunod sa ‘min. “Okay lang ba sa ‘yo?”

Tumango siya. “Ayos lang ako rito. Mag-enjoy lang kayo.”

“Dapat mag-enjoy ka rin!” bulalas ni Lorreine sabay kapit sa braso nito. “Ikaw ang unang-una nating bibilhin ng mga damit at kailangang dalhin sa camp. You n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status