Share

Chapter 45

Chantria

Sa mga susunod na ilang oras ay tahimik lang kaming dalawa. Tumataas na ang sikat ng araw at ramdam ko na rin ang init at pagod pero wala pa rin kaming nakikitang pagkain o maiinom.

Hindi lang ako nagsasalita pero nagsisimula na akong mag-alala. Kung hindi malalagyan ng kahit ano ang mga tiyan namin ay mas mahihirapan kaming matapos ang course. Parang na-jinx ko pa nga yata talaga dahil pahirap nang pahirap ang course na daraanan namin.

May nakita kami kaninang mas maayos at madaling daan pero hindi iyon ang tinuturo ng mapa. Kaya kahit nag-aalangan ay kailangan naming sundin kung ano ang nasa mapa kung ayaw naming maligaw. Hindi nga kami naligaw pero humirap naman ang bawat course.

May mga nakahandang activities sa gitna ng bundok kaya alam naming nasa tamang daan pa kami. May ilan sa mga ‘yon ang kailangang akyatin ang mga puno dahil hindi kami makakatawid sa parte ng lupa na puro putik.

May maliit na palatubigan din doon kaya doon kami nakainom ng tubig kahit papaano. Ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status