Share

Chapter Eleven

HALOS dalawang linggo nang nakakulong si Evren, madalas din siyang dalawin ni Isabella. Kaya kahit paano ay hindi siya ganoon nalulungkot. 

           Isang araw, muling dumalaw ang kaniyang kasintahan. Ngunit malungkot ito ng sila'y magkita. Namamaga ang mga mata ni Isabella na tila kaga-galing lang sa pag-iyak. Kaya nag-aalala nagmadali siyang lumapit dito at niyakap ito. “Anong nangyari?” tanong niya rito, “sabihin mo, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Evren habang nakatingin sa mga mata ng kasintahan. 

       "E-evren," wika nito at tila nagbabanta na naman bumagsak ang mga luha sa mata. "S-si Inay E-ester, evren..." Anito, na tuluyan ng dumaloy sa pisngi ang mga luha. 

        "Hindi kita maintindihan, Isabella. Linawin mo anong nangyari kay inay?" Kinakabahan na si Evren dahil sa nagiging reaksyon ng kaniyang kasintahan.

        "Wala na siya Evren, wala na si Inay Ester, kaninang umaga pumunta ako sa bahay niyo, ipagluluto ko sana s'ya, pagpasok ko sa bahay n'yo 'di ko siya naabutan sa kusina o sa salas, kaya naisip ko na baka nasa kuwarto pa ito at natutulog, Nang puntahan ko siya roon, nakita kong nakahiga pa rin siya, kaya nilapitan ko at marahan kong ginising. Pero naka-ilang tapik na ako sa kaniya hindi pa din siya dumidilat. Kinabahan na ako, Kaya pinulsuhan ko siya kaagad, pero wala na akong nararamdaman na pagtibok. Tumawag ako kaagad sa ospital kaya habang naghihitay ng ambulansya, chineck ko lahat sa kaniya sinubukan ko pa siyang i-revive, pero mukhang huli na. Pagdating sa ospital, idineklara na ng doktor na dead on arrival na siya." Mahabang salaysay ni Isabella, nang marinig iyon ni Evren tila nanlambot siya at napayuko na lang sa may upuan, nilapitan siya ni Isabella upang yakapin. 

       "I'm sorry, Evren." hingi niya ng paumanhin sa kasintahan. 

        "Huwag kang humingi ng sorry, Mahal. Alam ko naman na ginawa mo ang lahat. Salamat at nariyan ka, ikaw na muna ang bahala kay Inay." Saad ni Evren sa kasintahan habang nakahawak sa kamay nito.

        "Kakausapin ko si Attorney, sasabihin ko na magrequest siya ng pansamantalang paglabas mo rito upang madalaw mo si inay Ester." Anito, hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng kasintahan at nagwika. 

        "Mahal, tandaan mo na narito lang ako, mahal na mahal kita. Gusto kong magpakatatag ka lalo na sa ganitong sitwasyon.” paalala ng dalaga, Tumango lang si Evren sa kaniya at muli silang nagyakap.

         Nagtagal pa si Isabella upang siguraduhin na maayos na ang pakiramdam ng kasintahan. Nagpaalam na siya rito ng matapos na ang oras ng dalaw. Mahigpit na nagyakap ang dalawa. Hinawakan ni Evren ang magkabilang pisngi ng kasintahan at nagwika. "Ikaw na ang bahala sa lahat, Mahal ko." Nakangiting wika niya rito, kahit mababakas pa rin ang lungkot sa mata. Matamis na ngumiti si Isabella at banayad na hinalikan ang kasintahan sa labi. 

       "Lalabas na ako, babalitaan kita kapag naisa-ayos ko na ang lahat pupunta muna ako kay attorney bago umuwi." Saad ni Isabella. 

       "Mag-iingat ka, Mahal ko," ani Evren bago maglakad palayo ang kasintahan. Bumalik na si Evren sa kaniyang selda, pagpasok niya roon, doon niya ibinuhos ang lahat ng kaniyang hinanankit. Wala siyang paki-alam kung nakikita siya ng kaniyang mga kakosa. Nang may lumapit at tinanong siya.

       "Pare, anong nangyari, kanina ng lumabas ka nakangiti ka pa, ngayon umiiyak ka, masama bang balitang dala ang bisita mo?" Tanong nito sa kaniya habang nakahawak sa kaniyang balikat.

      "Namatay na ang nanay ko, marahil ay hindi niya natanggap ang nangyari sa akin. Ang sakit lang pare, buong buhay ko ibinuhos ko na sa pag-aalaga at pagtatrabaho para sa nanay ko, dahil nais kong humaba ang buhay niya, pero wala rin. Lahat ng hirap at pagod ko nauwi sa wala. Ang kasintahan ko na lang ang nag-iisang tao sa buhay ko. Nag-iipon ako para sa kasal naming dalawa. Pero mukhang malabo na itong mangyari. Nakulong ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa, minanipula nila ang lahat ng ebidensya. Wala akong magawa, siguradong kapag lumaban ako, lalo lang nila akong ididiin. Palibhasa, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya wala akong masyadong alam sa mga ganitong bagay." Mahabang saad ni Evren. 

       "Magpakatatag ka lang, Evren." Anito sa kaniya at marahan na tinapik ang kaniyang balikat. 

LABING-ANIM na taon ang lumipas....

    

    Tatlomput-anim na taong gulang na si Evren, nag matured na ang kaniyang itsura, marami na rin siyang naging kaibigan sa loob ng kulungan. Sa tagal na niyang nasa loob ay nasanay na rin siya sa pamumuhay sa loob ng kulungan. Tahimik siyang nakahiga nang marinig nilabang pagbukas ng kanilang selda. 

    "Sige pasok," wika ng isang pulis sa bagong saltang preso, matanda na ito, ngunit maganda pa din ang pangangatawan. Tumingin dito si Evren ngunit agad din siyang nagbawi, dahil ang kaniyang isip ay nasa ibang lugar. 

        Nagtaka siya ng isang lalaki ang tumayo sa kaniyang harapan. kaya tumingala siya rito upang makita kung sino ito. Nang makita niya kung sino, nagulat na lang siya na ito ang matandang bagong salta. 

        "Hey there, it seems that your sad so i got worried, do you have a problem?" anito sa kaniya. ngunit lalong nangunot ang noo ni Evren sa mga sinabi nito. 

        "Pasensya na hindi kita naintindihan, mabuti pang lumayo ka na at huwag mo na lang akong pansinin." Ani Evren dito, ngunit sa halip na umalis naupo ito sa kaniyang tabi. 

        "Hijo, hindi maganda na sinasarili ang problema lalo na kapag nasa ganitong lugar ka, nakikita kong malungkot ka at malalim ang iyong iniisip, maaari mo itong ibahagi sa akin upang maibsan ang nararamdaman mong lungkot." nag-aalalang wika nito sa binata. Nangunot ang noo ni Evren dahil sa sinabi nito, kaya mabilis siyang naupo mula sa kaniyang pagkakahiga at himarap sa matanda. "Bakit naman ako magsasabi sa iyo? Samantalang bago ka lang dito?” matapang na wika ni Evren sa matanda, ngunit tila hindi ito natinag sa katapangan ng binata. 

    “Dumaan na ako sa ganiyang kalungkutan, nang mamatay ang mag-ina ko sa isang aksidente, ilang taon din akong nagluksa hanggang isang araw naisip ko na kailangan ko rin alagaan ang aking sarili, kung hindi malulungkot ang mga taong nagmahal sa akin,” nakangiting saad nito sa binata. Nakita nitong tumahimik si evren at tinapik sa balikat. Kaya naman naupo ng maayos si Evren at saka nagsalita. 

       "Namatay ang nanay, at wala akong nagawa para sa kaniya. hindi ko maasikaso ang burol niya at ang nag-iisang tao lang na nagmamalasakit sa akin ay ang kasintahan ko. wala na akong kamag-anak. ang tatay ko naman iniwan na niya kami noong bata pa lang ako, kaya ako na ang bumubuhay sa amin ng nanay ko, hindi na kasi siya makapagtrabaho dahil simula ng sumama sa ibang babae si itay, nag-umpisa na rin magkasakit si Inay." pagku-kwento ni Evren sa matanda.

     "E, paano ang pag-aaral mo, hindi mo ba naisip na mas matutulungan mo sana siya kung nakapagtapos ka ng pag-aaral at makakakuha ka ng magandang trabaho." anito, ngunit umiling si Evren dito,

     "Ang mahalaga sa akin ng mga panahon na iyon ay ang kumita ng pera, para matustusan ang pangangailangan ni Inay, gamot, pagkain. kaya nagpasalamat ako ng makakuha ako ng magandang trabaho, pero dumating yung araw na ito, ikinulong ako dahil sa kasalan na hindi ko naman ginawa." aniya, habang ang mga palad ay nasa kaniyang mukha. hinawakan siya nito sa balikat at bahagyang tinapik ito.

       "Ngayon ang anibersaryo ng pagkamatay niya at hindi ko man lang madalaw ang kaniyang puntod, kaya mas lalo akong nalulungkot kapag dumarating ang araw na ito." aniya ni Evren. 

       "Mayroon ka pa bang iniisip bukod sa nanay mo, yung Girlfriend mo, kumusta naman siya? dinadalaw ka pa ba rito?" malumanay nitong tanong sa binata.

       "Ikinasal na siya, sinabi sa akin ng abugado na ninong niya, magmula noon hindi na siya dumadalaw dito, masakit pero kailangan kong tanggapin," malungkot na wika ni Evren.

     “Mukhang magkakasundo naman tayo, ako nga pala si Ronaldo Del Fierro. Nag-iisa na sa buhay katulad mo.”  

      tumingin dito si evren at nagtanong, "hindi mo ba naisip na mag-asawang muli?" aniya, umiling ito at nagsalita, "Sobrang mahal ko ang asawa at anak ko, kaya hindi ko sila kayang palitan sa puso ko," nakangiting wika nito sa kaniya. "we have the same fate, in different situation. pero ako, ginawa kong mag-move on para sa sarili ko, alam kong hindi matutuwa ang mag-ina ko kung magmumukha akong miserable, kaya ginawa kong iahon ang sarili ko," mahabang saad nito sa kaniya. 

       "Paano ka naman napunta rito?" tanong ni evren sa matanda. natawa lang ang matanda sa kaniyang tanog at sinagot niya ito.

       "Isa akong sikat na negosyante, angat ako sa lahat. pero may mga tao na nais akong siraan, kaya gumawa sila ng paraan upang makulong ako, pero hindi ako magtatagal rito, paglabas ko rito pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa akin." galit na wika nito, ngunit agad din nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. ngumiti ito sa kaniya at muling nagsalita.

      "Hanggat narito ako, tuturuan kita, lahat ng alam ko ituturo ko sa iyo, ayus ba sa iyon? kung gusto mo lang naman, kung ayaw mo walang problema sa akin." alok nito sa kaniya. kaya naman malapad na ngumiti si Evren at tumango rito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya Ang matamdamg iyon?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status