Share

Chapter Ten

        "INAY ester!" wika ni Isabella ng Marating niya ang ospital. "Ano po ang ginagawa ninyo rito, ang buong akala ko ay umuwi na kayo sa bahay kaya 'di ako nag-alala. Saan po ba kayo nanggaling at nakarating kayo sa lugar na ito?" Nag-aalalang tanog ni Isabella sa matanda. 

        Nanatili lamang itong tahimik, kaya hindi na ito kinulit pa nang dalaga. Hindi nagtagal, nai-uwi rin ni Isabella si aling Ester ng araw na iyon, kaya ng makarating sila sa bahay nito, muli itong tinanong nang dalaga.

        "Inay Ester, alam ko po na nag-aalala kayo kay Evren, pero hindi na kayo dapat pang mag-alala, dahil ginagawa ko po ang lahat para sa kaniya. Mayroon na tayong abugado na maaring makatulong sa atin. Magtiwala kayo, makakalaya din si Evren at mapapatunayan na wala siyang kasalanan." Aniya ni Isabella habang hawak ang kamay ng matanda, ngumiti lang ito at yumakap sa kaniya.

        "Salamat, hija. wala na akong ibang tao na maaaring asahan bukod sa iyo. Napakaswerte talaga ni Evren dahil nakilala ka niya." Anito habang hawak ang pisngi ng dalaga. "Huwag mo siyang pababayaan, hayaan mong ikaw ang maging lakas niya upang makayanan ang bawat pagsubok na kaniyang m

araranasan." anito saka tumayo at nagtungo sa silid nito. 

        Nakatingin lang si Isabella sa matanda habang naglalakad ito palayo sa kaniya, ngunit sinundan niya ito at inalalayan na makapasok sa silid at maingat na inalalayang makahiga sa kama. Nang makahiga ito, agad itong nagpasalamat sa kaniya.

        "Salamat, ang mabuti pa ay umuwi ka na at magpahinga, Alam ko na napagod ka din sa pag- asikaso sa akin at kay Evren." wika nito na may ngiti sa mga labi.

        "Wala pong anuman, Inay. Darating ang araw na magiging isang pamilya tayo, kaya hindi ko kayo pababayaan." malambing na aniya nito sa matanda. Kaya naman kinumutan na niya ito at hinayaan na itong makatulog at makapagpahinga. 

        Maingat siyang lumabas ng silid at lumabas nang bahay. nagdesisyon na siyang umuwi upang makapaligo at makatulog. bukas na ang paglilitis ukol sa kaso ni Evren, kailangan niyang maghanda. Kaya naman naligo na muna siya bago siya natulog. 

 KINABUKASAN... 

        Maaga pa lang ay gising na si Isabella, kaya naman nag-asikaso na siya ng kaniyang sarili upang pumunta sa kulungan upang dalawing muli si Evren bago ang oras ng Hearing. Nagluto siya nang masarap na agahan para sa kaniyang kasintahan. 

        Matapos makapagluto ay agad niya itong inilagay sa mga lagayan at inilagay sa isang paper bag. Matapos nuon ay inasikaso naman niya ang kaniyang sarili. 

        Isang oras din ang lumipas, Handa na siyang umalis ng makita siya ng kaniyang mama. Kaya agad itong nagtanong sa kaniya.

        "Saan ang punta mo, Hija?" tanong nito na may bakas ng pag-aalala sa kaniya. kaya lumapit siya rito at binati muna bago sinagot ang tanong nito.

        "Good morning, Mama! maaga kong pupuntahan si Evren sa kulungan, nais ko muna siyang dalawin bago ang Hearing." paliwanag niya sa kaniyang ina. tumango naman ito at niyakap siya.

        "Mag-iingat ka, Hija. Gamitin mo na ang sasakyan ko para naman Agad kang makarating doon." Wika nito habang iniaabot sa kaniya ang susi ng sasakyan. Natuwa naman si Isabella sa alok ng kaniyang Ina, kaya napayakap siya rito ng mahigpit.

        "Salamat, Mama." saka siya humalik dito sa pisngi at nagmamadaling lumabas ng bahay. Isinakay niya ang kaniyang dalang paper bag na may mga laman na pagkain para sa kaniyang kasintahan at saka siya nagtungo sa driverseat. Binuhay niya ang makina at saka pinaandar ito. 

        Dahil naka kotse siya, mabilis lang siyang nakarating sa kulungan, matapos i-park ang sasakyan, mabilis siyang bumaba  bitbit ang mga dalang pagkain, nang makapasok siya sa loob, pinaghintay siyang saglit sa isang lamesa. Ilang minuto lang ang lumipas nakita na niya si Evren na lumalabas mula sa selda nito. Nakita nitong tumingin ito sa kaniya at agad na sumilay ang matatamis na ngiti ng kasitahan kaya kumaway siya rito. 

        Nang makalabas at makalapit sa kaniya ay agad silang nagyakap, saka siya hinalikan nito sa mga labi. Matapos nuon ay ngumiti siya rito.

        "Akala ko mamaya pa ang punta mo," wika ni Evren kay Isabella.

        "Gusto ko kasing dalawin ka bago ang hearing mo. Siguradong hindi ka na naman makakakain, Dahil mag-aalala ka na naman sa mga mangyayari mamaya. Ginagawa ni attorney ang lahat para matulungan ka sa kaso mo." Saad ni Isabella Kay Evren.

        "Sana nga, pero kahapon, nakatanggap ako nang tawag mula sa kaniya." Anito na may bakas ng pag-aalala sa mukha. Agad naman itong napansin ni Isabella, kaya tinanong niya ito.

        "Bakit, anong sinabi niya sa iyo?" seryosong wika niya rito habang hawak ang mga kamay nito.

        "Nagpunta ang mga pulis sa planta, hinalukat nila ang mga personal kong gamit, at may nakita sila roon." Agad na bumakas ang galit sa mukha ng binata. "Hindi ko alam kung paano iyon napunta doon, pero sinisiguro ko sa iyo hindi akin ang mga gamit na iyon!" aniya ni Evren sa kasintahan.

        "Bakit ano ba ang mga iyon?" muling tanong ni Isabella kay Evren.

        "Mga ebidensya, mga gamit na may bahid ng mga dugo ni Mister Martinez!" Bulalas ni Evren. Napapahilamos na siya ng kaniyang mukha dahil sa inis na nararamdaman. "Ipina-test na nila ang mga gamit at nakumpirma na ang mga dugo na naroon ay kay boss, nalaman ko din na may nagtip sa mga pulis na naroon ang mga gamit. Isabella, nasisiguro ko na isa sa mga kasamahan ko sa trabaho ang gumawa noon, marahil ay naiinggit ito dahil sa pagiging malapit ko sa matanda." 

         "Sa tingin mo sino naman sa kanila ang may kagagawan nito?" Aniya ng dalaga. 

        "Ayokong magbintang, Isabella. Hahayaan ko na lang na ang diyos ang magparusa sa kaniya." Wika ni Evren kay Isabella. Kaya naman nagyakap silang dalawa. 

        Ilang saglit pa ay inaya na ni Isabella si Evren na kumain. Kaya naman nag- agahan sila habang nagku-kuwentuhan. Hindi na binanggit ni Isabella ang nangyari sa ina nito dahil alam ng dalaga na lalo itong mag-aalala. Ayaw na niyang idagdag pa ito sa mga problema. Kaya naman sinarili na lamang niya ang pangyayari.

        Matapos ang kanilang agahan ay nagpaalam na si Isabella kay Evren. Iniwan na niya rito ang mga pagkain na hindi nila naubos. 

        "Kainin mo para mamaya, ayoko pa naman na nagugutom ka." Nakangiting wika nito kay Evren. Agad naman itong nagpasalamat sa kaniya at muling yumakap.

        NASA loob na sila ng hukuman, tahimik ang lahat habang tinatanong ng isang abugado ang misis nang boss ni Evren.

        "Ano po ba sa palagay ninyo ang tunay na dahilan ng nasasakdal, kung bakit niya nagawa iyon sa iyong asawa?" anito sa ginang. 

        "Hindi ko nga po maintindihan sa kaniya, lahat ng kabutihan ay ginawa naming mag-asawa sa kaniya"

        "Kung ganoon, sa tingin ninyo ay kayang gawin iyon ng nasasakdal ang karumal dumal na pagpatay sa iyong asawa?" muling tanong ng abugado kay Mrs. Martinez.

        "Opo, dahil nais niyang siya na ang mag may-ari ng negosyo ng aking asawa!" Anito na may kalakip na galit.

        "Paano po ninyo ito nasabi, maaari po ba ninyong sabihin sa amin ng malinaw." wika ng abugado sa ginang.

        "Opo, Isang gabi seryoso akong kinausap ng aking mister sa aming silid. Sinabi niya na napapagod na siya sa kaniyang trabaho. kaya napag-isip niya na marahil ay oras na upang ipamahala na sa iba ang kaniyang negosyo, sa taong kaniyang pinagkakatiwalaan. kaya sinagot ko siya, kung sigurado siya sa desisyon niyang iyon. tinanong ko siya kung sino ang nais niyang mamahala. Sinabi niya na nais niyang si Evren ang nais niya ipalit sa kaniya, dahil marami na itong alam sa pasikot sikot sa kaniyang negosyo, kilala na din nito ang lahat ng mga kasosyo at mga retailers. Magaling siya sa pakikipag negosasyon. Kaya mabilis niyang nakuha ang interes ng aking asawa. pumayag ako dahil nakikita kong mabuti siyang tao." tila naiiyak na ito habang kinukuwento ang lahat. "Isang Gabi nagpaalam siya sa akin na pupunta siya ng planta dahil mayroon daw siyang gagawin. kaya pinayagan ko siya kahit gabi na. Nakahiga ako sa kama ng mayroong tumawag sa akin, isang lalaki sinabi nito na papatayin niya ako pati ang aking asawa. tinanong ko kung sino siya pero pinatay nito kaagad ang tawag. kinabukasan nalaman ko na lang na patay na ang asawa ko," saad nito habang umiiyak.

        Magkasalikop ang mga kamay ni Evren habang nakikinig lang sa mga pahayag ng Ginang. Alam niya na totoo lahat ang sinasabi nito. pero ang patayin ang taong naging mabuti sa kaniya ay hindi niya kayang gawin. marunong siyang tumanaw ng utang na loob, kaya ginagawa niya ang lahat para mabayaran ang kabutihan ng mag-asawa sa kaniya. 

            Matapos ang tanungan, ibinigay na nila ang schedule ng susunod na paglilitis, kaya naman nag uwian na ang lahat ng naroon. Si Evren naman ay ibabalik na sa kaniyang kulungan, ngunit bago pa ito makalabas ay hinarang muna ito ni Isabella at niyakap ang kasintahan. 

        "Matatapos din ang lahat ng ito, Evren." malambing nitong wika at saka tumango lang ang binata. Naglakad na ito kasabay ang maga pulis na umaalalay sa kaniya.

        DUMAAN ang maraming palilitis, padami na nang padami ang lumalabas na testigo laban kay Evren, hindi niya kilala ang mga iyon ni hindi nga niya kilala ang mga taong nagdidiin sa kaniya sa kaso. marahil ay mga nabayaran upang mas lalo itong madiin sa kaso. Samantalang sila ay walang ibang makuhang tetestigo upang mapatunayan na siya ay inosente, bukod tanging si Isabella lang ang nag-iisang tumestigo sa kaniya na siya ay inosente. ngunit hindi sapat ang mga sinabi nito. 

        Matapos ang maraming paglilitis, oras na ng paghuhukom. dumating na ang araw na sisintensyahan na si Evren. kahit kinakabahan alam ni Evren na hindi sila mananalo, dahil sa dami ng mga ebidensya at mga testigo na hinarap ng kabilang kampo. 

        "Ikaw, Evren Morales ay hinahatulang guilty sa pagpatay kay Reynaldo Martinez." wika ng isang babae sa harap ng korte.

        Umiiyak naman si Isabella habang naririnig ang paghatol sa kasintahan, nanginginig na ang kaniyang mga kamay dahil nais na niyang humagulgol. 

        Matapos ibigay ang hatol, agad na inilabas si Evren sa loob ng korte, nakita niyang humahagulgol na ng iyak si Isabella pati na rin ang kaniyang ina. Wala na siyang magagawa, kung ito ang kaniyang kapalaran matapos ang lahat ng paghihirap niya. tatanggapin na lamang niya dahil kapag lumaban pa siya, siguradong doble ang magiging balik nito sa kaniya. 

        Dinala siya sa isang provincial jail kung saan naroon ang mga matitinik na kriminal. 

        Habang ipinapasok siya sa loob ay sinusundan siya ng tingin ng mga preso na naroon. kaya napapikit siya at nagdasal

        "kayo na po ang bahala sa akin, protektahan po ninyo ako!" usal dasal ni evren.

          

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawa Naman SI Evren baka SI Andrew Ang may sala
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status