Share

Chapter 16

Hininto ni Claude ang sasakyan malayo kaunti sa apartment ni Rosie. Ngingiti niyang nilingon ang dalagang inaalis ang kanyang seatbelt. Kaya nang maramdaman ito ni Rosie, tinignan niya pabalik ang binatang hindi maalis alis ang malawak niyang pagkakangiti.

"Mapupunit na 'yang labi mo sa kakangiti." Puna ni Rosie bago tuluyang alisin ang kanyang seatbelt.

Inalis ni Claude ang kanyang seatbelt at lumapit sa dalagang hinintay ang susunod nitong gagawin. Napasandal si Rosie sa upuan nang halikan siya nito't marahang kagatin ang pang-ibabang labi ng dalaga. Papalalimin pa sana nito ang halik nilang dalawa nang maputol ito sa pagtunog ng telepono ni Rosie.

"Claude..." tawag ni Rosie sa pagitan ng kanilang halikan. Nilapat nito ang kanyang kamay sa dibdib ng lalaki upang ilayo.

Kahit labag sa loob ni Claude na tumigil, lumayo siya sa pagtulak na iyon ng dalaga. Tumikhim pa siya at pinanood na kunin ni Rosie ang kanyang telepono sa bag nitong nasa bac
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status