Share

CHAPTER 40

THIRD PERSON'S POV

Napapalakpak na lang si Jacobe habang kumakanta ang dalaga. Kahit na hindi kagandahan ang boses nito ay tiniis niya. Si Aliya naman ay halos mapaos na sa kakakanta. Nakailang kanta na kasi ito kaya halata sa boses nito na mapapaos na.

Parang wala na sa sarili ang dalaga. Nilingon niya ang binata at nilapitan. Kinuha ang kamay nito at pinatayo. Ayaw man ay ginawa ni Jacobe ang nais nito.

Nagtatalon at napapaindak sila sa saliw ng musika. Ngayon ay lumalabas na ang kaninang pinipigil ni Jacobe. . .ang sumayaw na parang walang problema. Ang umindak na parang wala nang bukas. Kahit siya ay napapakanta na rin. Sinasabayan ang galaw ng dalaga.

Lumapit si Aliya sa mesa at doon nakita ang inuming alak ng binata. Nasa kalahati pa iyon. Agad na kinuha niya ito at nilagok. Napapikit siya nang malasahan ang mainit, mapait na medyo matamis at maanghang na inumin. Ngunit, hindi na niya iyon alintana dahil nilagok niyang muli ito. Ilang minuto lang nang makaramdam siya ng pagkahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status