Share

CHAPTER 39

THIRD PERSON'S POV

"Busy ka ba, Jacobe?" tanong ni Aliya rito.

"Hindi naman. Ang trabaho ko lang naman ay bantayan ka," sagot ng binata.

"Jacobe," bulong ni Aliya. Lumapit ito sa lalaki at inilapit ang bibig sa tainga nito. "Makakaalis ba tayo ngayon dito? I mean, may pupuntahan kasi sana ako," sambit nito.

"Makakaalis naman. Sasabihan ko lang ang mga kasamahan ko na aalis na muna tayo. Para sa oras na maghanap si pinsan ay alam nila," wika ni Jacobe.

"Sigurado ka na ba diyan? Baka mamaya ay magalit si Gavin sa ating dalawa." Nagbubulungan lang sila dahil baka marinig ng iba.

"Siyanga pala, bakit ba tayo nagbubulungan?" nagtatakang tanong ni Jacobe rito. Bahagyang lumayo ang dalaga sa kaniya.

"Oo nga naman. Bakit kaya?" nagtatakang sambit nito.

Naisip kasi nila na magpapaalam din naman sila sa mga ito kaya bakit pa sila nagbubulungan.

Pinuntahan na nga ni Jacobe sina Erol, Elmer at iba pa. Ipinaalam niya rito na aalis muna sila saglit ni Aliya. Sisiguraduhin niyang safe ang kaibigan. N
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status