Share

CHAPTER 38

ALIYA'S POV

"Ayan, mas magiging malusog na kayo dahil nadiligan ko na kayo," nakangiting wika ko habang kausap ang mga bulaklak na aking diniligan.

"Hi," bati ng isang boses ng babae. Nilingon ko ito.

Hindi siya pamilyar sa akin. Maganda ito, makinis at halatang mayaman. Nakasuot ito ng fitted pants at crop top. Maganda ang hugis ng katawan niya at mas matangkad siya sa akin. Mukha siyang isang modelo kung titingnan ang kabuuan niya.

"H-Hi," naiilang na bati ko.

"Puwede ko bang itanong kung nasaan ang amo mo?" nakangiting tanong niya sa akin.

Ano ang sabi niya? Amo ko? Nalilito ako sa tinutukoy nito.

Magsasalita pa sana ako nang isang pamilyar na boses ang aming narinig.

"Jen!" malakas na wika nito.

Pareho namin itong nilingon. May matatalim itong tingin na parang ilang sandali lang ay mangangagat na.

Lumapit ang babae kay Gavin at ito'y hinalikan sa pisngi.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong ni Gavin dito.

"Nakita ko ang kasambahay mo kaya lumapit ako rito para magtanong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status