Share

Chapter 95: The Tension

THIRD PERSON'S POV

“Sandali lamang . . . hindi ko maintindihan, may espiya sa ating hanay? At si Celeste iyon?” naguguluhang tanong ni Virgo.

Gaya nina Green, Scarlet, at Yazenth ay masakit din ito para sa kaniya na malamang siya ang espiya dahil may pinagsamahan din silang dalawa ni Celeste. Hindi siya lubos makapaniwala, at ayaw niya itong paniwalaan dahil kilala niya si Celeste. Hindi niya iyon magagawa sa kanila. Alam nitong isang mabigat na kasalan ang pagtataksil dahil kamatayan ang kapalit niyon.

Naluha si Scarlet habang tinititigan si Virgo. Pare-parehas sila ng nararamdaman ngayon, ngunit iyon ang katotohanan kahit pa man pagbalik-baliktaran nila ang mundo. Naiintindihan niya kung anuman ang gustong isipin at paniwalaan ni Virgo dahil ganoon din siya noong una niya itong malaman.

“Scarlet . . . Yazenth? Totoo ba ang sinasabi ni Green? Na si Celeste ay isang espiya?” Hindi niya mapigilan ang magtaas ng tinig nang magtanong siya.

“Tama ang iyong narinig, Virgo,” sagot naman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status