Share

28 Brothers' Face-Off

“Fancy seeing you here, Brother.”

Nang-uuyam ang ngiting itinugon dito ni Garreth. “Mabuti naman at naisipan mo na ring lumabas sa pinagtataguan mong lungga.”

“At s’yempre, nandito rin kami.” singit ni Aubrey na nasa likod ni Garreth. Iyon nga lang ay walang pumansin dito. Hinatak ito ni Zachary paatras para hindi ito masali sa away ng magkapatid.

Halos kapareho ng bilang nina Garreth ang bilang ng kasamang tauhan ng kanyang kapatid. Wala naman siyang balak na paabutin sa dahas ang engkwentro nilang ito pero hindi siya sigurado kung pareho ba sila ng iniisip ng kapatid na ito sa ama. Masyado kasi itong nagpapadala sa emosyon at padalos-dalos sa mga kilos nito. Hindi nga niya akalaing makakaya nitong mamuno ng sarili nitong grupo.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status