Tumigil si Ellaine sa pagtakbo nang makitang walang humahabol sa kanya. Medyo hindi komportable ang kanyang mga paa sa suot na heels na hindi masyadong akma ang sukat sa kanya. Napatingin siya sa mga iyon.
Ibinigay sa kanya ni Martin ang nakakahong pares na iyon bago sila makarating sa private lounge bar. Maliban sa hindi saktong sukat, ang kulay nito ay bagay ipareha sa kanyang suot na evening dress.
Kumplikado ang kanyang nararamdaman.
Alam niyang nanggaling iyon sa Villain. Napansin pala nito na wala siyang suot na panyapak. Hindi naman magkukusa si Martin kung hindi ito ang nag-utos dito.
Napabuntong-hininga siya. Magaling ang pagkakadisenyo ng Author sa personality nito dahil kahit na ito pa ang main antagonist sa nobela ay may mga simpleng kabutihan pa
“Something that I can do? Or something that you want me to do, while you stay at the side and reap the benefits.”“Do you… know?” hindi siguradong tanong ni Lexie kay Ellaine.“Know what?” maang-maangan nitong balik-tanong.Mainitin ang ulo ni Lexie at hindi marunong magtimpi.Nairita siya dahil sa pagpapa-mysterious effect ni Ellaine. Noon pa man ay hindi na niya ito gusto. Sigurado siyang hindi na nito naaalala ang kanilang kabataan, pero schoolmates na sila noong sila’y nasa elementary pa lamang.Ellaine used to be known as their school&rs
Ayan na naman ang salitang iyan na una niyang narinig mula kay Edgar– responsibilidad.Responsibilidad niya.Puro sila sabi ng sabi na tungkulin niyang tuparin ang kanyang responsibilidad sa pamilya nila pero sila mismo ay hindi naman nagawa nang maayos ang responsibilidad nila sa Original Owner.“Ano ang gusto mong gawin ko, Dad?” diretsahang tanong ni Ellaine sa ama.“We… want you to get to know a few people– to develop reliable contacts. Makatutulong din naman ito sa’yo when you become an artist. That’s what you wanted right? Knowing a lot of connections will help you sell your works better, reach a wider audience.”“Develop reliable contacts? Iyon lang?&rd
Mabigat ang kanyang mga katawan nang muling imulat ni Ellaine ang mga mata. Sa una ay malabo pa ang kanyang paningin ngunit unti-unti ring luminaw iyon. Puting kisame ang bumungad sa kanya.Kumunot ang kanyang noo, nagtataka kung nasaan siya. Ang huli niyang naaalala ay nasa backseat siya kasama ni Georgia habang pauwi sila sa apartment nito. Pagkatapos ay nawalan siya ng malay.At ngayon nga ay…Iginala niya ang paningin sa buong silid na kinalalagyan niya. Puti ang tangi niyang nakikita.‘Nasa ospital ba ako?’ tanong niya sa sarili.Kumirot ang bandang pulso ng kaliwa niyang kamay nang tangkain niyang bumangon sa kinahihigaang kama.
Ramdam ni Ellaine ang lihim na panghuhusga ng OB nang tanungin niya ito kung puwede ba niyang ipa-abort ang batang dinadala niya. Kahit si Georgia na nasa tabi niya ay napasinghap sa tanong niyang iyon.Nakalimutan niyang nasa panahon pala siya kung saan ang pagpatay ng isang kabubuo pa lamang na fetus ay itinuturing na isang malaking kasalanan.Pero higit doon ang nakikita niya sa mga mata ng doktor sa tuwing tumititig ito sa kanya. Kung tingnan siya nito ay para bang isa siyang pakawalang babae na mahilig makipaglandian sa kung kani-kaninong lalaki, at ngayong nagbunga ay hindi kayang panagutan kaya pinipili na lamang tumakas.Lihim na napabuntong-hininga si Ellaine at hinayaan na lamang ang gayon. Propesyunal pa rin naman overall ang pakikitungo nito sa kanya at maayosd pa rin ang trabaho.
Paano kung siya na nga ang Female Lead?Umikot ang mga mata ni Ellaine sa naisip. Na-iilusyon na naman siya. Hindi niya kayang sumugal para lamang sa maliit na posibilidad na iyon.Hindi sinasadyang nahimas niya ang tiyan, wala siyang kamalay-malay na nailagay na pala niya ang kamay sa ibabaw niyon. Flat pa ang banda roon. Nabiyayaan ng hindi tabaing katawan ang Original Owner kaya’t kahit na anong lakas niyang kumain ay hindi tumataba ang kanyang katawan.Habang bata pa siya ay sisiguraduhin niyang matitikman at makakain nniya ang maraming masasarap na pagkain dahil baka kapag umedad na siya ng 25 ay magbago na ang metabolism rate niya.Napaisip siya kung mananaba siya sa ilang buwan niya ng pagbubuntis. Ngayon kasi na nakararana
Ayos lang naman daw ang kanyang lagay, sabi ng doktor. Although ibinilin rin nito nang ilang beses, hindi lang sa kanya, kundi pati na rin kay Georgia, na mag-ingat.Nakauwi rin naman sila nang maayos. Pagdating nila ay nakahanda na ang hapag. Walang gana si Ellaine subalit pinilit niyang kumain kahit ilang subo man lang para kahit papaano ay magkaroon siya ng lakas. Pagkakain ay nagpaalam siya kay Georgia na magpapahinga na.Na-miss niya ang silid niya. Mahigit isang linggo niya rin iyong hindi nakita dahil sa pananatili sa ospital nang ilang araw, kasama pa yung tatlong araw niyang pagpapalipas sa bahay ng ama niya.Pagod na pagod siya. Gusto niyang magpahinga, matulog nang matagal.Nang ibabagsak na niya ang katawan sa kama ay napatigil siya nang maalang may laman na
“Unless… mapagbibigyan mo ang munti kong kahilingan.” patuloy ni Ellaine na tila kausap pa rin ang kawalan.Hindi siya naniniwala sa coincidences. Everything is connected. May sistema ang universe na wala pang kahit sino man ang nakaka-figure out. Kaya may hinala siyang may dahilan rin ang pagdating niya sa mundong iyon. May papel siyang kailangang gampanan. Hindi nga lang niya alam kung ano iyon.Wala naman mag-aaksaya ng maraming enerhiya at mag-aabalang pumunit ng barrier ng time and space sa pagitang ng dalawang dimensyon, ng dalawang mundo para makalusot ang kanyang kaluluwa nang dahil lang sa wala.Wala siyang delusions of grandeur para isiping siya na nga ang Female Lead na siyang iikutan ng napakaraming guwapo at makapangyarihang mga lalaki. At isa pa, hindi siya mahilig sa ganoong setup.
Hindi nakawala ang bendang ginawa niya sa kanyang kaliwang kamay. Nagdahilan lang siya nang tanungin nito kung saan nanggaling ang sugat. Halatang hindi nito naniwala subalit tulad ng dati ay hindi na ito nagtanong pa.Ngunit sinabi nitong may pag-uusapan sila kaya dumiretso sila sa maliit na home office ni Georgia.Pinaupo siya nito sa isa velvet armchair at may kinuha sa isa sa mga drawers sa ilalim ng kanyang office desk. Isa iyong sealed manila envelope.Napataas ang kilay ni Ellaine nang makita iyon. Mukha kasing mahalaga at medyo “official” ang pag-uusapan nila ng pinsan.Naupo si Georgia sa katabing single armchair at pagkatapos ay iabot sa kanya ang manila envelope at sinenyasan siyang buksan iyon. Tumalima si Ellaine. Nakapa niyang mga dokumento ang