Mariing napamasahe si Garreth sa kanyang noo dahil sa yamot kay Aubrey. Muli niyang naitanong sa sarili kung bakit niya naging kaibigan si Aubrey– pinakamatalik pa nga– gayong kadalasan ay hindi niya masakyan nang ayos ang mga nagiging trip nito. Hindi nga niya mawari kung paanong hindi ito nauubusan ng ideya sa mga kakaibang pakulo nito.
Tulad ngayon.
“Aubrey,” may inis sa kanyang tinig na hindi alintana ng kausap niya sa kabilang linya, “hindi ko alam kung saan mo nakuha ang balitang iyan pero nasisiguro ko sa’yo na wala iyang katotohanan. If I’m already a father, I’d know.”
Napahagalpak ng tawa si Aubrey. Para bang nakarinig ito ng isang joke na ito lamang ang nakakaintindi ng punchline. Nailayo ni Garreth ang cellphone niya sa kanyang tainga halos matul
Wala sa mga balak ni Aubrey na bumisita sa Little Sunflower Preschool Center kalahating oras bago ang nakatakdang oras ng labasan ng Kinder class pero hindi niya napigilan ang matinding kuryosidad na higit pang makilala ang 90% niyang sigurado na mga anak ng kanyang matalik na kaibigan.Marami naman na siyang ibang mga kamag-anak, kapamilya, mga kaibigan, at mga kakilala na mayroon na ring mga kani-kaniyang anak. Dinaluhan pa nga niya ang ilan sa mga binyag ng mga ito, pero karamihan sa tunay na mga malalapit sa kanya ay katulad din niyang hindi pa nagsasawa sa bachelor lifestyle kung kaya’t bihira lamang siyang makasalamuha ng mga bata.Ang tanging karanasan niya lamang sa mga ito ay ang panoorin sila at magkomento ng “Cute”, “Kamukha mo”, “Manang-mana sa ina/ama”, at ilan pang mga ganoong katulad na salita, at kung mi
“Papa Bear is very fat~ very fat~” Hindi mapigilan ni Raze na mapakanta habang isinusuot ang bear ears headband at bear paw gloves para makumpleto ang costume niya para sa music class group performance nilang tatlong magkakapatid.Pinaghandaan nila itong mabuti. Ilang beses pa silang nagpraktis sa tulong ng Mama nila. At ang Tita Georgia naman nila ang siyang nagprepara ng kanilang costume na gagamitin.Si Anjie na siyang pinakamatanda ng ilang oras sa kanilang tatlo ay siya namang tinutulungan ang pinakabunso nilang si Cas na maisuot din nang maayos ang mga sarili nitong bears paw gloves. Nakaantabay sa kanila ang isa sa dalawang classroom assistants ng section nila upang masigurong hindi nila kailangan ng tulong. Nang makita nitong tapos na sila ay malumanay itong nagtanong, “Are you guys ready? Not fe
Kahit na may designated driver na siyang maghahatid-sundo sa mga anak niya sa kanilang pagpasok sa eskwelahan, ugali pa rin ni Ellaine na sorpresahin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsundo sa kanila pagkatapos ng kanilang klase upang ilabas sila para kumain o manood ng sine o ano pang puwedeng pagkaabalahan nila nang sama-sama.Nang araw na iyon ay day off ng dalawang nanny ng mga bata kaya siya ang nakatokang sumundo sa mga ito na hindi naman problema sa kanya dahil flexible naman ang oras niya.Nasa loob siya ng nakaparadang kotse sa tapat ng preschool center kasama ang driver at tahimik na naghihintay sa paglabas ng triplets ngunit sa hindi malamang dahilan ay naisipan niyang puntahan ang mga ito sa loob ng kanilang school upang doon mismo sunduin.Nagpaalam siya sa driver at saka ipinakita ang isang ID sa nagbab
Daig pa ni Ellaine ang binuhusan ng isang timba ng nagyeyelong tubig habang unti-unti siyang pinangingibabawan ng panic na ibayo niyang pinipigil. She has already found peace and happiness. She has adapted to a life she was completely unprepared for and overcame the difficulties that her previous situation brought upon her.Mahaba ang limang taon… but at the same time, it was also very short. Hindi pa sapat ang tagal niyon. Wala pa ngang limang taong gulang ang mga bata. Halos nagsisimula pa lamang sila sa kanilang buhay para lamang maging chess pieces ng isang hindi nakikitang puwersang nagpapalakad sa mundong iyon para lang masunod ang itinakda nitong kasaysayan.Now more than ever, mas lalong hindi niya nais na masangkot sa bagyong idudulot ng main plotline. She wants none of it.Nagtiim ang kanyang bagang
Nakatayo si Matteo sa harap ng floor-to-ceiling na bintana ng hotel suite na siyang meeting place nila ng isang crime syndicate head na nag-imbita sa kanya upang mag-usap at subukang magkasundo sa isang negosyo na maaaring pagsaluhan ng kanilang dalawang grupo.Medyo public at madalas dayuhin ng mga tao ang venue na napili ng crime syndicate head kaysa sa kanyang nakasanayan. Kabilang ito sa isang commercial at entertainment zone kung kaya’t kumpol-kumpol ang mga grupo ng tao na nagkalat sa lugal. Masyado tuloy maraming mga mata ang nakakita sa kanyang pagdating. Makapal nga ang mukha niya pero mariing itinatak ng ama sa kanyang isipan ang kahalagahan ng pag-iingat at ng paniniguro na walang maiiwang witness kung gagawa siya ng medyo hindi legal at naaayon sa batas.Medyo na-turn off tuloy siyang gawing isang business partner ang nag-imbita sa kanya dahil
Tumaas ang dalawang kilay ni Matteo nang mabasa ang laman ng impormasyong dumating sa kanya mula sa isang private investigator na nirekomenda sa kanya ni Mr. Shawn. Hindi niya akalaing may advanced intelligence personnel sa ilalim nito. Hula niya ay may koneksyon ito sa isang information broker.Muli niyang pinasadahan ng tingin ang dokumentong naglalaman ng inpormasyong siyang nagpabigla sa kanya. Napahalakhak siya nang malakas. Hindi maiwasang mapatda ng mga tauhan niyang nakarinig niyon. Hindi nila mawari kung ano ang dahilan ng kasiyahang iyon ng kanilang pinuno. Sa pagkakakilala nila rito, hinuha nila ay may pinaplano na naman itong hindi maganda para sa nakatatandang kapatid nito.At hindi sila nagkakamali.Ang kislap sa mga mata ni Matteo ay nagpapahiwatig ng kanyang labis na kasabikan na maisahang muli ang k
“Garreth! Congratulations! Ama ka na~”Hindi sineryoso ni Garreth ang sinabi ni Aubrey. Nadala na siya sa mga naging biro at pranks nito sa kanya sa tagal ng kanilang pagkakaibigan. Isa pa, sa tuwing naglalatag ito ng mga ganoong pakulo para sa kanya o sa iba pa nilang mga kaibigan, ay sobrang isang daang porsyentong invested ito. Kumpleto pa pati ang mga props at mga aktor na gaganap.Aubrey is a known prankster.Naalala ni Garreth nang minsang inupahan pa nito ang isang buong section na makisakay sa trip niya para lamang manalo sa isang prank war. Pati nga professor nila ay nagawa nitong mapasakay. Wala rito kahit malaki ang nagastos nito sa pagbabayad ng “talent fee”. Kaya naman medyo hindi siya naniniwala kay Aubrey kapag medyo malabo
Lihim na nakahinga si Garreth nang maluwag nang matapos na ang conference meeting ng iba’t ibang departamento ng kanilang kumpanya. Ibayo ang pagkayamot na nadarama niya sa ilang mga empleyado nilang nasa matataas na posisyon. Para saan pa ang malaki niyang pinapasahod sa mga ito kung hindi naman nila nagagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho?Kasunod niya ang kanyang assistant nang makabalik siya sa kanyang opisina. Nasulyapan niya ang oras sa wristwatch na kanyang suot, pati na rin ang salansan ng mga dokumento sa ibabaw ng kanyang office desk na kailangan pa niyang tapusin. Mukhang kailangan na naman niya uling mag-overtime.What’s new? Gayon naman nang gayon ang bumubuo sa araw-araw niya.Pagtutuunan na sana niya nang pansin ang tambak na trabaho ngunit inabisuhan siya ng kanyang assi