Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang kanyang pisngi sa labis na kahihiyang kanyang natanggap mula kay Beau. She can’t believe she faced him na may laway sa gilid ng labi! Sinong hindi makakaramdam ng hiya roon.Narinig niya ang paghuni ng ibon mula sa labas ng nakabukas na bintana. She frowned and realized… mag-uumaga na pala. Naubos niya ang oras kakaisip kung ano pang klaseng kahihiyan ang ibibigay at ipapakita niya kay Beau ngayon.Tumayo na siya at naglakad palapit sa bintana. She took a deep breath and bit her lower lip. Madilim pa rin ang kalangitan at kitang-kita niya pa ang mga bituin sa kalangitan na kumikinang. Mapait siyang ngumiti. The sight of those twinkling stars brought her back to her past where she and Brille used to look at them and admire their beauty.Wala sa sarili siyang napatingin sa kanyang daliri kung saan nakalagay ang kanyang wedding ring. Everything reminds her of Brille. Malaki ang wedding ring na kanyang suot, at mukhang mas mamahalin kaysa sa promise
Hindi na mabilang ni Emory kung ilang beses na siyang tumili habang nakadiin ang mukha sa unan. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang bawat haplos nito sa kanya. Hindi niya tuloy mawari kung bakit sobrang bilis magresponde ng katawan niya kay Beau.‘What the hell is happening to me?’ mahinang tanong niya sa sa sarili.She’s not like this with Brille. Yung tipong isang haplos lang sa kanya ay nadadarang na siya. This is not good. But then, hindi ba’t mag-asawa na sila? They’re already married. Hindi naman siguro masama kung gawin nila ang bagay na ‘yon, ‘di ba?But why does it feel like she’s cheating on Brille? Dapat nga ay hindi siya makaramdam ng ganito. This should be normal dahil mag-asawa na sila. Who the hell cares kung kapatid ito ni Brille? Hindi nga siya naisip ni Brille nang mga panahong humawak ito sa katawan ni Jessica.And then suddenly, a voice inside my head is telling her this is a perfect way to get revenge. But then… she doesn’t do r
Wala sa sarili niyang hinawakan ang kanyang labi at biglang naalala ang nangyari kanina. Beau kissed her on the lips to save her life! Pero ang tanong niya, paanong naabutan pa siya ni Beau? Halos isang oras na siya sa loob ng banyo ngunit hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ilalim ng tubig.Nang mapansin niyang tuyo na ang kanyang buhok ay saka pa lamang siya tumayo at humugot ng malalim na hininga. Tumingin siya sa pambisig na relo at agad na humugot ng malalim na hininga. Tumingin muna siya sa vanity mirror at pinasadahan ng tingin ang sarili. Nakasuot na siya ngayon ng isang kulay lilac dress na hanggang ilalim ng tuhod ang haba ngunit hapit na hapit ito sa kanyang beywang.Weird, though. Halos lahat ng damit na nasa closet at kasukat niya talaga. Pwera lang sa mga sandals at sapatos na medyo malaki kaysa sa kanyang sukat.Nang makuntento na siya sa kanyang suot ay lumabas na siya ng silid. Masyado nang nakakahiya kay Beau kapag nagpapahintay pa siya. Kaya naman diretso lan
Tinignan ni Emory ang thermometer at humugot ng malalim na hininga. Five hours pa bago sila lumapag at mataas pa rin ang lagnat ng binata. Limited lang ang mga gamot nila rito sa loob ng eroplano dahil hindi raw ito masyadong ginagamit ni Beau.She looked at the man who is now peacefully sleeping on the bed. Matapos nitong kumain kanina ay agad niya itong pinainom ng gamot. Hindi naman kasing tigas ni Beau si Brille. Madali lang itong pasunurin. O hindi kaya ay marahil nagpapabebe pa sa kanya si Brille.Umupo siya sa sofa at tumingin sa binata. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya sa pag-uwi sa Pilipinas. Alam niyang maraming magbabago sa kanilang pagbalik sa Pinas at hindi pa siya handa.Emory bit her lower lip and checked the time on her wrist. Tumayo siya at nilapitan si Beau. Tulog na tulog ito at mukhang ilang araw itong walang pahinga. Umupo siya sa kama at hinawakan ang noo nito. Agad siyang napangiwi nang mapansin niyang mainit pa rin ito.“Ano ba kasi ang ginawa
Pagdating ng eroplanong kanilang sinakyan, sinundo sila ng chauffeur ni Beau at hinatid sila patungo sa malaking bahay kung saan sila titira ni Beau. He even offered na ihatid siya nito patungo sa kanyang mga magulang para bisitahin ito ngunit humindi siya. She wanted to rest from that very long flight.“I’m always not here,” saad ni Beau pagkarating nila ng sala. “You’re always on your own. You can invite your mother or your brother here. But don't let anyone get in without my permission.”She nodded. “Bukod kay Elijah, wala naman na akong kaibigan.”Matapos ng usapan nila kanina sa eroplano ay kahit papano’y napapanatag ang ang loob niya rito. He didn’t say sorry, though. But his words made her feel better. Mukhang hindi sanay si Beau humingi ng tawad sa ibang tao.“I see,” he replied. “When are you going to visit your mother?”“Mamaya siguro,” sagot niya. “Uuwi rin ako ng bahay para kunin ang mga damit ko roon.”“Okay,” saad nito.“Ikaw?” wala sa sarili niyang tanong. “Ayos ka na b
Pagdating niya sa bahay ng kanyang mga magulang ay hindi niya maihakbang ang mga paa papasok ng kanilang gate. Nagdadalawang isip siya sa hindi malamang dahilan. Muli siyang nag-angat ng tingin sa kabuoan ng kanilang bahay at mariing kinagat ang ibabang labi. She took a very deep breath.Bakit ganito ang nararamdaman niya? This house used to be her home but now it feels like she’s visiting an old house of hers. Ito ba ang aftermath ng marriage? Yung tipong gusto mo nang bumukod? O sadyang nasanay lang siya sa naging tirahan nila sa Italy?Pero saglit lang naman siya roon, ‘di ba?“Ate?”Wala sa sarili siyang napatingin sa nagsalita at bumungad sa kanya si Elijah. Naka-pajama pa ito at sando. Nakakunot ang noo nito at mukhang kakagising lang. Pinilit ni Emory ang sarili na ngumiti sa kapatid. Agad namang lumapit sa kanya ang binata at pinasadahan siya ng tingin.“Anyare? Bakit parang biyernes santo mukha mo?” tanong nito sa kanya.Inirapan niya ang kapatid. “Na sa loob pa ba si Lolo?”
“Emory, please. Nakikiusap ako sa ‘yo. Take me back. Kaya kong sustentuhan ang anak namin ni Jessica.” Yumuko ito at humawak sa kanyang kamay. “Hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin, Emi.”“Brille, stop.” Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. “Hindi na tayo pwede. We… we can’t be together now.”“Emory, please…”“Emory.”Wala sa sariling nag-angat ng tingin si Emory at nakita ang lalaking nakatayo sa kanilang gate. Ang mapungay nitong mga mata ay nakatingin sa kanya. Magulo ang buhok nito at hindi panakakabit ang tatlong butones ng button up shirt nito.Lumingon din rito si Brille at alam ni Emory ang susunod na eskandalong mangyayari.“Kuya? What are you doing here?”Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Why does it feel like Brille caught her cheating on the act? At saka, bakit ba siya kinakabahan? Beau is her husband… on paper. At dapat ma-aware si Brille para tumigil na ito.“To fetch my wife,” malamig nitong sambit at naglakad palapit sa kany
Katulad ni Emory, maasikaso rin ang ina nito. Nagluto pa talaga ito ng soup para sa kanya at para makainom siya ng gamot. And he’s not used to this. Masyadong welcoming ang pamilya ng dalaga at hindi siya sanay. Kahit pamilya niya ay hindi ganito sa kanya.“Kumain ka anng marami,” sambit ng mommy ni Emory at ngumiti sa kanya. “Iinom ka pa ng gamot.”He just nodded his head and smiled. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat sabihin. For the very first time in his life, nakaramdam siya ng overwhelm. Lalo na sa kung paano siya asikasuhin ni Emory.She added another dish on his plate and he can’t complain that he’s full because her parents are around. Ang tangi niya na lang nagagawa ay ang pilit na ngumiti. Nagpatuloy lamang sila sa pagkain.Maingay ang kapatid ni Emory habang kumakain. Marami itong dalang kwento ngunit sa tuwing napapatingin ito sa kanya ay sinasamaan lang siya nito ng tingin. And he totally understands that. Brille is a jerk and this guy is just trying to protect he