Hindi na mabilang ni Emory kung ilang beses na siyang humugot ng malalim na hininga. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na siyang paulit-ulit na sumulyap sa wall clock ng kanilang sala.She fidgeted her hand as she kept glancing on the envelope placed above the center table. Hinihintay niyang makauwi si Beau dahil ngayon na niya balak sabihin dito ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. She couldn’t wait any longer. Ang sabi nga nila, the earlier, the better.Emory glanced at the wall clock once again and checked her phone. Hindi rin tumatawag si Beau. It’s half past eleven, malapit nang maghating gabi. At magmula kanina ay hindi pa ito nakakauwi. Nag-aalala na rin siya para rito.“Hija…”Wala sa sarili siyang lumingon sa nagsalita at nakita si Manang Tere na palapit sa kanya. May dala itong isang baso ng gatas na mukhang itinimpla nito para lang talaga sa kanya. Hilaw siyang ngumiti sa ginang.“Manang,” she greeted. “Gising pa po kayo?”Ngumiti ito sa kanya at inabot sa kanya an
Tahimik na tinahak ni Emory ang tahimik na kalsada ng Denmark. Sobrang tahimik at nakakakalma ng puro at isipan. Hindi niya lubos akalaing makakaramdam siya ng ganitong kaginhawaan dahil lang sa kanyang pag-alis.Sometimes, running away is the most effective thing to do when everything feels like falling apart. And looking back, she can’t feel any regrets or what ifs. Ang tanging what if niya lang ay ‘what if nanatili siya?’. For sure, she will suffer and so as her kids.Alam niyang sa oras na malaman ni Beau ang tungkol sa mga bata ay magagalit ito. Minsan na ring sabihin ni Beau na handa siyang panagutan kung sakalin mang may mabuo sa kanilang mga ginagawa ngunit… kailangan niyang umalis.She was ready to tell him about her pregnancy, but he just surprised her with a divorce paper. Kahit na gusto niyang sabihin kay Beau ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, she just can’t.Pagkarating niya sa kanilang condo ay agad siyang pumarada sa parking lot. Kinuha niya ang purse na nasa shotgun
Hinaplos niya ang mukha ng anak niyang mahimbing ang tulog sa kanyang tabi. Blue is the most unpredictable kid among the three. Minsan lang ito nagiging clingy sa kanya at minsan lang ito umaaktong bata. Most of the time, ito ang kasangga ng nanny nila sa pagsisita sa dalawa pa nitong kapatid na si Emerald at Beckett.While Beckett on the other hand is the most silent one. Hindi niya alam kung bakit laging sinasabi ni Gem at Blue na maingay si Beckett gayong hindi naman ito masyadong nagsasalita kapag na sa paligid siya.Minsan nga ay naiisip niyang… hindi kaya ay ayaw sa kanya ni Beckett? But that kid is very sweet to her. Sobrang malambing ito sa kanya kahit hindi ito nagsasalita. Malayong-malayo kay Gem na lagi siyang iniirapan lalo na’t hindi nito nakukuha ang gusto nito.She has an attitude and she already knows where Gem got that.Naputol lamang ang kanyang pagmomonologo nang marinig niya ang vibration ng kanyang phone sa ibabaw ng nightstand. Wala sa sarili niya itong nilingon
Tahimik niyang pinapanood ang mga batang naglalaro. Or more correct way to say, si Emerald na naglalaro. Si Beckett at Blue ay tahimik lang sa gilid na gumagawa ng sand castle habang si Gem ay busy sa pagtatapon ng tubig sa dagat. Nakabantay naman ang nanny nito kaya panatag ang loob niyang hayaan ang mga batang naglalaro.She took her kids out for a beach break. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing stressed siya at gusto niyang makita ang mga anak niyang masayang nagtatampisaw sa tubig. Humugot siya ng malalim na hininga at kinuha ang phone para kunan ito ng litrato.Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang mga anak na aalis siya. Minsan kasi ay dinadala niya ang mga ito lalo na kapag na sa ibang bansa sila katulad na lang ng sa Italya o ‘di kaya ay sa ibang bansa ng Europa.But now… hindi niya pwedeng basta-basta na lang na dalhin ang mga anak niya sa Pinas. She ran away and hid them for too long. Ayaw niyang mabuko dahil lang sa ayaw niyang malayo sa kanyang m
He took a very deep breath as he started flipping the pages of the folder he was holding. Ilang araw na siyang walang tulog dahil sa pagkakaroon ng problema ng kanilang mga planta. Panay ang pag-iigting ng kanyang panga habang nagbabasa.A knock on his door disturbed him. Kunot-noo siyang nag-angat ng tingin dito. Hindi pa man nakakadalawang minute ay pumasok na sa loob ang babaeng dahilan kung bakit ilang araw na siyang hindi umuuwi.“So you’re here,” saad ng dalaga. “Wala ka bang bahay, Beau?”Tinitigan niya ito. Violet Monteverde… his first love. Ang babaeng pinangukan niyang papakasalan niya noon. But now, he couldn’t. Iniiwasan niyang umuwi sa kanilang bahay dahil ayaw niyang mapiga sa mga katanungan ni Violet.Everything just reminds him of Emory. And that is the top reason why he’s not coming home. Araw-araw siyang nagsisisi sa kanyang ginawa noon.“Beau, bakit ba kasi hindi ka umuuwi? You don’t even answer my calls. I called your secretary but she doesn’t answer as well,” samb
She took a very deep breath as she roamed her eyes all over the place. Umiihip ang malamig na hangin at nakaramdama siya ng kaunting panginginig. It feels so good to be back. Na matapos ng ilang taon niyang paglisan ay muli siyang babalik sa bansa kung saan siya sinilang.Tumingin siya sa kanyang pambisig na relo at alas dos pa lang ng hapon ngayon sa Denmark. And because she’s in the Philippines right now, gabi na rito. Mas nauuna kasi ng anim na oras ang Pinas kaysa sa Denmark. Nakalimutan niyang i-set ang kanyang wrist watch kanina sa airport bago siya bumyahe patungong Pinas.Napatingin siya sa humawak sa kanyang kamay at nakita si Blue. Nag-angat siya ng tingin at nakita si Selim na buhat-buhat si Gem at si Beckett na sinusundan lang ng kanilang yaya. Hindi niya nabanggit sa mga bata ang tungkol sa kanilang Lolo rito sa Pinas. She wanted to surprise them. Akala kasi ng mga ito at work lang ang dahilan ng kanilang pagpunta.“Mama,” sambit ni Blue habang nagsisimula silang maglakad
Paulit-ulit na tinignan ni Emory ang kanyang phone screen habang iniisip ang sinabi ng kaibigang si Lyla kagabi. Who is Violet? Parang narinig na niya ang pangalang ‘yon ngunit hindi niya matandaan kung saan.“Er du på vej på arbejde?” kaswal na tanogn sa kanya ng kaibigang si Selim. [translation: Are you off to work?]She looked at the mirror and forced a smile. “No. I’m heading to my grandfather.”“Oh?” sambit nito. “Do you want me to come with you?”“No,” agad niyang sagot at bumaling dito. “Vær sød at passe børnene, mens jeg er væk. Jeg kommer tilbage, så hurtigt jeg kan.” [translation: Please look after the kids while I'm gone. I'll be back as fast as I can.]Nang tumango si Selim ay agad siyang yumakap dito para magpaalam. She went to her kids and kissed their forehead one by one. Humirit pa ng yakap ang makulit niyang batang babae na pinagbigyan niya naman.“Mama, glem ikke min livret!” nakangiting turan nito. [trans: Don’t forget my favorite food!]She nodded her head and smil
“I can’t believe you’re really home,” sambit ng kanyang chikadorang kapatid habang nagmamaneho.Mahina siyang natawa rito. “I have some business to deal with here. Dadaanan ko lang si Lolo. Aalis din ako kaagad.”Mula sa pagngiti ay agad na ngumuso ito na para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. She looked at her brother and saw how his shoulders fell. Mahina siyang napailing.“Akala ko pa naman mananatili ka rito,” he said. “I was planning to introduce you someone.”Tumaas ang kanyang kilay at tumingin sa kapatid. “You have a girlfriend now?”Umiwas sa kanya ng tingin ang kapatid at tumingin ito sa kalsada sa kanilang harapan. Pinanliitan niya naman ito ng mga mata at pinanood kung paano magbago ang ekspresyon nito sa mukha at napalunok.“Anong girlfriend pinagsasabi mo, Ate? Di ko pa nga siya napapakilala sa ‘yo,” sambit nito na panay ang pag-iiwas ng tingin.She chuckled at that. Muli niyang tinitigan ang kanyang kapatid. Oo nga pala, tumatanda na ang kanyang kapatid. So