Share

Kabanata 3

Senshi Academy

@Dorm Z

Hellicade Morningstar's point of view.

"GOOD MORNING, AQEAR!" masigla ko siyang niyugyog sa paa niya. "Hoy, gising na! 7:30 na!"

Agad siyang napabalikwas ng bangon at tumingin sa orasan. Nakapeace sign akong ngumiti sa kaniya nang samaan niya ako ng tingin. Alas 6:00 a.m. pa lang kasi!

"Sorry na. First time ko kasing may kasama pumasok kaya mag gayak ka na diyan." lumambot naman ang ekspresyon niya tsaka walang sali-salitang dumiretso sa cr. Nakangiting sinundan ko siya ng tingin. Ang cute kaya niya! Magulo ang kulay gold niyang buhok. Nakabusangot ang mapula niyang labi at napipikit pa ang singkit niyang mata. Napansin ko ring gold ang mata niya. Sa unang tingin ay akala mo brown, pero pag natitigan mo ay gold pala. Napansin ko yun kagabi nung nagkatitigan kami. Eheee, kilig ako, as a friend.

Nag iisip ako ngayon kung saan ba kami kakain. Tatakbo ba ako uli o sa cafeteria kami kakain? Nasa ganoong pag iisip ako nang lumabas siya ng cr. Napanganga ako, "Ang ganda.."

"Ng?"

Napabalik ako sa wisyo nang tanungin niya ako, "A-Ang ganda ng araw ngayon 'no?" palusot ko pa habang tinitingnan ang labas. Napasapo naman ako sa noo dahil nakasara pa pala ang bintana.

Bagay na bagay sa kaniya ang gold at black naming uniform!

Tulala akong pumasok sa cr. Tsaka ko lang napagtanto, saan nga pala kami kakain at.. nasaan ang mga damit ko?!

Blaire's point of view.

Napailing na lang ako dahil umagang umaga ay napakalakas ng tama ng lalaking iyon. Tamad kong sinusuklay ang aking buhok gamit ang kamay ko. Wala naman kasi akong ibang gamit kundi ang mga uniform ko at ibang mga pambahay na bigay ng academy.

"Aqear!" napatigil ako sa pagsusuklay nang tawagin niya ako.

"Oh?" tamad kong sagot sa kaniya.

"Paabot naman sa closet ko yung brief ko tapos uniform. Salamat!" casual niyang utos habang ako naman ay halos pumutok ang ugat ko sa pagkapula. Talagang sa akin niya pa niya yun inutos?!

Wala akong nagawa kundi tumayo at halungkatin ang gamit niya. Hindi na ako pumili pa. Nandidiri kong hinawakan ang brief niya tsaka binalot sa loob ng uniform. Napahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay natapos rin.

"Open the door!" utos ko sa kaniya. He opened the door slightly tsaka nilabas ang kamay niya. Binigay ko naman ito sa kaniya.

"Thanks!"

Napairap ako tsaka hinanda ang mga dadalhin ko. May binigay rin ang academy na bag. May mga gamit ito sa loob na tinamad na akong tingnan pa.

"Ready?" aniya paglabas. "Sana walang mag tilian mamaya dahil sa atin. Alam mo ba tuwing papasok ako, sus, araw araw lahat ng mga estudyante natatakot sa akin. Umiiwas kaagad sila sa daan ko. Grabe, ganoon na ba talaga ako kalakas?"

Nakafacepalm akong tumingin sa kaniya, "Pag mamaya hindi mo napatunayan yan, lalampasuhin kita." pananakot ko sa kaniya. Agad naman siyang napanguso.

8 pa ang pasok namin at 7:00 pa lang ay nandito na kami sa cafeteria. Para daw iwas kami sa mga estudyante. Kanina ay kinausap niya pa ang isang halaman kung nasa cafeteria na ba sila Bruno. Sabi naman ng halaman, wala pa raw.

Nang tuluyan kaming makapasok sa malaking cafeteria, ramdam na ramdam ko ang pagtulos ni Hell sa kaniyang kinatatayuan kaya nauna na akong naglakad sa kaniya. Not minding their murmurs, whispers and chikahan.

"Sino yung kasama ni weak?"

"Who knows? Baka isa ring weak."

Napangisi ako. Pagpasok ko sa top five ay talagang lalapnusin ko ang mga bibig nito e.

"Tss, panget!"

Tss, insecure!

Tuluyan na akong nakahanap ng pwesto. Pinili ko ay yung nasa pinakagilid ng cafeteria, good for two people.

Nang makaupo kaming dalawa ay pansin ko ang pagpapawis ng noo niya. "Natatae ka ba?" tanong ko.

"A-Ano ka ba, hindi no! Mainit kaya." aniya. Ramdam kong kinakabahan siya.

"Don't worry. I won't ever let them touch you." pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.

"Order lang ako." ako na ang naunang tumayo dahil ramdam ko ang pagkauneasy niya. Habang nakapila ay paulit ulit ang pagtingin ko sa kaniya. Nakabantay kung sakaling may estudyanteng kakantiin siya.

"Miss?" tawag sa akin ng nagtitinda.

"Two salad, two mac and cheese, two bottled water, four rice, four slices of pizza, two order of adobo and friend chicken. That's all."

"Name please?" tanong niya.

"Blaire."

Pagkatapos mailista lahat ay iminuwestra niya ang kamay sa area kung saan may nakasulat na 'claim here.' Agad akong pumunta room.

Ilang pangalan pa ang nabanggit bago matawag ang pangalan ko, "Miss blaire?"

Nakatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante na hindi ko na binigyan pansin. Nang makuha ang order ay may isang lalaking tumayo at tinulungan ako. I shook my head to decline his offer pero makulit siya at tinulungan pa rin akong kunin ang isang tray. Tsk.

"Follow me." wala na akong nagawa. Ginusto niya yan 'e. Nang makarating ako sa table namin ay nanlalaki ang mga matang nakatingin si Hell sa likuran ko. I shrugged. Is he one of the bully?

"Here. Thanks." pagpapasalamat ko na lang kahit labag sa kalooban ko. Hindi na rin nagsalita ang lalaki at tahimik na umalis.

"Siguradong naturn off ang isang yun dahil ako ang kasama mo." nakayukong aniya.

"I don't care about his turn off and on. Ano ako, switch?" I sarcastically said before eating my food.

Sabay kaming tahimik na kumakain nang bumukas ng malakas ang pinto sa cafeteria. Hindi ko pinansin iyon dahil baka may siraulo lang pero napaangat ang tingin ko nang may magsalita sa gilid namin.

"Look who's here.." malalim ang boses na ani ng isang lalaki. Pandak ang isang 'to at puro sugat ang katawan. Malaki ang katawan niya tapos maliit yung tiyan. Tangina. Sino ba yun? Si jimmy broder? Basta.

Sa likod niya ay tatlong lalaki na may nakalingkis na ghorls sa kanilang kamay. Napatingin si pandak sa akin. Lumiwanag naman ang mukha niya.

"Come with me at gagawin kitang prinsesa ko," nahihibang niyang aniya.

"Huwag mo siyang idamay dito, Bruno!" saway ni Hell. Ahh, ito pala si Bruno. Isa sa nambubully sa kaniya. Akala ko pandak ang name niya 'e.

Nanlilisik na tumingin si pandak kay Hell, "Wag ka makisabat dito kung ayaw mong mabugbog!" pananakot niya pa.

Nagsisimula na kaming makahakot ng atensyon. Lahat sila ay chinicheer si Bruno. I hissed. Sino ba 'to?

"Miss, ako lang naman ang top six sa buong academy. Kayang kaya kitang protektahan hindi tulad nitong kasama---"

"Ayoko, panget." pagpuputol ko sa kaniya.

Rinig ko ang mga tawanan ng estudyante. Kita ko naman ang paglabas ng litid sa leeg ni pandak.

"Ganyan naman kayong mga babae! Gwapo lang hanap niyo!" napasapo ako sa noo. Sadboi amp.

"Okay nang mabroken sa gwapo kaysa sa pangit, diba?"

Rinig ko ang pagsang ayon ng mga kababaihan na nandito sa cafeteria.

Napapahiyang umalis ang grupo ni Bruno, "Babalikan kita. Lalo ka na!" turo niya kay Hell.

Napairap na lang ako at tumingin kay Hell na nakatingin rin sa akin. I gave him my assuring smile, "You'll be safe."

Hellicade's point of view.

Nakakanginig talaga kanina si Bruno! Akala ko ay ihahambalos na naman niya ako ng isang daang beses sa matigas na lamesa. Oo, naranasan ko na yun. Super strength kasi ang ability nun at electric naman sub-element kaya sobrang sakit!

Guminhawa naman ako nang ngitian ako ni Aqear. Something about her really calms me at nakakalungkot dahil alam kong wala ako sa kalingkingan niya.

You are out of my league~

Papunta kami ngayon sa classroom nang makasabay namin ang top five. Nahigit ko ang hininga ko. Pero don't worry, never naman nila akong binully.

Nang mapatingin sila sa amin ay agad akong yumuko ng bahagya,"G-goodmorning, top five." pagtingin ko sa apat na lalaki ay nakanganga ang mga ito ng bahagya. Isa lang ang tinitingnan nila. Ako? Mali. Si Keila? Maling mali. Si Aqear? Tamang tama! Teka, si Aqear?!

Napatingin naman ako kay Aqear na diretsong nakatingin sa akin. Napalunok ako. Hindi niya manlang binigyang pansin ang top five dahil sa akin siya nakatingin. Oh my god, mama!

"So ehem, how are you my bestfriend?" nakangiting tumabi si Prince Elizer kay Aqear na ikinasimula ng pagbubulong bulungan ng mga senshi (students). Ako naman ay napanganga, bestfriend?!

"Fine." maikling sagot ni Aqear na ikinasimangot ni Prince Elizer.

Ramdam ko ang pagkakaout of place kaya binagalan ko ang lakad para sila ang magkakasabay, "Why are you so slow, Hell?" napatingin ako sa harapan nang tawagin ako ni Aqear. Nakatigil siya kaya napatigil rin ang top five. Nahihiya akong sumabay sa kanila.

"Hello Cade," bati sa akin ni Prince Lander. Awkward akong ngumiti sa kaniya.

Nang makatapat kami sa class Z ay unang pumasok si Prince Apollo na kanina pa tahimik at madilim ang aura.

We gasped in unison, "Pinuno!" tawag ng top five sa kaniya. May natapong green na likido na kumalat sa buong uniform niya. O to the G to the M, ay mali! O to the M to the G pala! It was supposed to be mine! Galing sa pinakamamahal kong mga fans. Note that wonderful sarcasm of mine.

"Who the fVck did this fVck?" si fVck ay este sino nga ba? Sino nga ba ang the fVck na gumawa ng this fVck?

Tahimik ang buong seksyon Z. Nagulat ang lahat nang mawala ang green liquid sa uniform ni pinuno, "Now, chill the fuck up, Allister." ani ni Aqear na ikinanganga namin. Did she just called him his first name?!

Mas lalo akong- I mean kaming napanganga nang unti unting kumalma si pinuno!

Ayoko naaaaa!

Isa itong himala!

@Class Z.

Blaire's point of view.

Tahimik akong lumakad para umupo sa pinakalikurang parte ng classroom. Nabasa ko kanina sa pinto ang nakasulat na class Z so basically, we're the lowest section pero sabi ko nga, maaari pa itong magbago depende sa ipapakita mo sa levelling. I'm so excited for that.

Nainis rin ako kanina dahil alam kong para kay Hell- wait, where is he?

Tumingin ako sa harap at kita ko ang masamang tingin ni Allister kay Hell. Nanginginig naman ang huli.

"Hell," tawag ko sa kaniya. Inginuso ko ang katabi kong bakante na upuan. Nang makaupo siya sa tabi ko ay saktong tumunog ang bell at pumasok ang nasa mid 40's na lalaki. He look so tall, manly and very professional. I hope that he is.

"What are the top five doing here?" tanong nito sa limang nakatayo sa harapan. Tumikhim naman si Elizer, "Announcement, sir!" Tumango lamang ang lalaki at gumilid, "Go on."

"Ehem!" Lander.

"Kyaaaahhhhhh!"

"Landerrr apakan mo ako ako pa magsosorry!"

"Elizerrrrr!"

"Codemmmmm basain mo ako!"

"Apollo kuryentihin mo ako!"

Wish granted, agad na nangisay ang isang senshi nang patamaan siya ng kidlat ni Allister. Napailing ako. Hot headed.

Natahimik ang mga senshi nang mangyari iyon. Tulala naman ang senshi na nakuryente na ngayo'y tumigil na sa pangingisay.

"Announcement, senshis, the headmaster wants us to told you that from this day, one subject per day na lang ang lahat. This is called the preparation. Headmaster wants us to prepare ourselves for the upcoming levelling next month, July 1st.

This is the new schedule for all the senshi.

(8AM-10AM)

Monday: History

Tuesday: Spells/Potion

Wednesday: Combination

Thursday: Riddles

Friday: Physical Exercise

Saturday: All training

Sunday: free day.

11AM for preparation.

12:00 to 1:00 PM- Lunch

1:00 to 6:00 PM- Training.

I hope you all take note of this announcement and good luck for upcoming levelling, Lander Grim Zaxis speaking, vice president of student council. Thank you."

Nagpaalam na sila na tinanguan ng lalaki sa gilid. Hindi ko pa alam ang pangalan niya.

Nang makaalis ang top five ay siyang punta nito sa harapan. He proudly stood in front of us, "Good morning, senshi. As for today, we will tackle riddles since the schedule changed this day. I'm Gab Meriddle, call me master gab." mahinahon niyang pagpapakilala habang tinititigan kami isa isa. Hindi naman ako nagpatalo sa staring contest nang mapadako ang tingin niya sa akin. Sa huli, siya ang unang umiwas. I guess I won.

"I want you to introduce yourselves in front. Your name, element or sub, if none then say your ability, and your favorite riddle that has a deep meaning for you. Shall we start?"

Maraming naexcite na mga kasama ko. Sabay sabay silang tumango. Ang iba nama'y sumagot ng, "Yes master!"

Unang tinuro ni master gab ay ang nasa harapan. Excited nilang inihayag ang kani-kanilang paboritong riddle na minsan ay nagpapakunot sa noo ko dahil ang iba sa kanila ay talagang.. nonsense. Tulad na lang nito,

"Good morning, nice to meet you all. I'm Zyrus Tameo Zacharian Zucy! I'm flower manipulator. Ability? None! My favorite riddle is, 'How was it possible that every single person in a trainus crash died, but two people survived?'" nakangising aniya. Napaisip naman ang mga senshi na kasamahan ko. Trainus is a long vehicle in the air that can ride 50 enchants.

"They used their wings!" wrong.

"They are immortal?" err, wrong.

"They have wind ability!" nope.

Maya maya rin ay sumagot si Zyrus sa sarili niyang riddle, "Mali kayo! How was it possible that every single person in a trainus crash died, but two people survived? The answer is, the two survivors were married!" then he laughed out loud and now he's dead. Kidding.

Natapos ang lahat at kami na lang ni Hell ang natitira. Agad siyang tumayo at pumunta sa harapan. May narinig pa akong mga nag-boo kaya napakuyom ako ng kamao.

He awkwardly smiled with trembling hands, "I-I'm Hellicade Lacizer. I can c-communicate with plants and animals. Riddle is.. I'm weak, but I'm strong. I have no powers, but I'm powerful. What am I?"

"A loser!"

"Weak, not strong!"

He stared at me intently as if he could only see me. Slowly, his smile showed, "I'm weak, but I'm strong. I have no powers, but I'm powerful. What am I? Feelings."

"Feelings."

"Feelings."

"Feelings."

Paulit ulit itong nag echo sa utak ko.

Hindi ko napansing nakatulala na pala ako kaya nang kalabitin niya ako ay pabigla akong tumayo. Resulta ng pagbubunggo ng mga ulo namin, "S-Sorry!" paumanhin ko sa kaniya.

Namumula akong pumunta sa harapan. Tahimik ang mga senshi na nakatitig sa akin. Binura ko ang anumang emosyon na makikita sa akin.

Ano nga palang pangalan ko? Napangiwi ako.

Ah!

"Blaire Aqear. Fire. Healing. What has a bank but no money? Answer? I don't know." nakatulala ang mga senshi nang dumaan ako sa harapan nila para bumalik sa upuan ko. I shrugged. Hindi ko naman talaga alam ang sagot. E, sa wala akong masabi 'e.

"What a very meaningful riddle you have there, miss Aqear." master Gab sarcastically said.

"Thanks." I answered back.

Ilang minuto pa ang nilaan nila sa pag aaral ng mga riddle nang tumunog ang bell.

"That's all for today. I hope you learned something new today." aniya bago tuluyang lumabas.

"Where to?" tanong ko kay Hell pagkatapos niya mag ayos. Wala naman akong inayos dahil hindi ko naman nagalaw ang bag ko. Ano nga bang laman ng bag ko? Nevermind.

"Let's change our clothes. Sa dorm. Bakit? Are you going somewhere? Sama ako!" umiling ako sa kaniya para sabihing wala.

Habang naglalakad ay akala ko mapayapa na ang buhay ko ngunit may humarang na tatlong pandak. Ano nga ulit pangalan nito?

"Ang lakas ng loob niyong dumaan dito, ano?" maangas na tanong ng nasa gitna. Napairap ako. Malamang, daan 'to e.

"Daan to 'e." narinig kong bulong ni Hell. Napatingin sa kaniya si pandak one, nanlilisik ang mga mata at umuusok ang ilong.

"Aba't sumasagot ka pa?!"

Diba nagtanong siya?

"Leave." utos ko sa kaniya. Nagulat ako nang hawakan ng dalawang pandak si Hell.

"Wag Bruno! Tama na! Ayoko!" naghyhysterical na pagmamakaawa ni hell kahit wala pang ginagawa sa kaniya. He looked so traumatized, kitang kita ang takot sa kaniyang mga mata.

Dahil sa sobrang pagkafocus ko sa kaniya ay hindi ko napansin ang pagturok ng isang bagay sa akin na nakapag pahina sa kalooban ko. 

"Sweetdreams," narinig ko pang bulong ni pandak bago ako tuluyang makatulog. Sanhi nito ay ang ala-alang laging bumabangungot sa akin. 

"Ateee!" sigaw ni Kim. Kitang kita ko ang paglalatigo ni Baron sa kaniya. Mas nawalan ako ng control nang nakita kong pinipilit nilang pinapakain kay Kim ang dark ball na makakapagpalit anyo sa kaniya.

"No! No!" umiiyak kong pakiusap nang tuluyan nila itong maipasok kay Kim. Nawalan ng malay si Kim. Unti unting umiitim ang kuko niya. Pati na ang kulay brown niyang buhok. Tila nawalan ako ng lakas. She's.. she's now a dark enchant.

"I'm sorry, Kim. Ate failed again to save someone. I'm sorry, Hell."

They'll pay for this.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status