Share

Kabanata 5

Senshi Academy

Clinic

Third Person

Huli na ang lahat nang dumating ang headmaster sa labanan sa pagitan ng grupo ni Allister at ni Hades na mula sa Devilor academy.

Nanonood lamang si headmaster mula sa malayo ngunit nakaalalay naman siya kung mawawala na sa balanse ang laban.

Ililigtas na sana niya si allister nang dumating ang bagong estudyante. Nagulat si headmaster sa nakita. Napakarami nitong pasa at sugat sa katawan. Magkaibang magkaiba noong una nilang pagkikita.

"Blaire.. ikaw ang.. the greatest enchant," bulong ni headmaster habang tutok na tutok na pinapanood ang laban nila Blaire at Hades. Nakita niya ang pinaghalo halo nitong mga elemento. Nanlaki ang mata niya nang marinig na sanay rin itong bumigkas ng spells.

Tuluyang nabasag si Hades. Napahinga ng maluwag si headmaster. Tuluyan nang nawala ang apat sa paningin niya dahil sa pagteteleport ni Blaire.

Ngayon tuloy ay nagtataka ang headmaster kung bakit pinipilit ng dalaga na umalis sa kaniyang paaralan. Sinasabi pa nitong traydor ang sarili. Kung ganoon, bakit? Anong meron sa dark forest? Sino ang mga magulang ng batang iyon? Bakit siya naging ganoon kalakas?

Headmaster

Agad akong sumunod kila Codem, Elizer, Apollo at Blaire. Teka, bakit apat lang sila? Nasaan nga pala sina Lander at Keila? Napabuga ako ng hangin. Ang dami ko na ngang iniisip, dumadagdag pa ang dalawang iyon.

"Headmaster.." speaking of. Napalingon ako nang tawagin ako ni Lander. Pagod na pagod ang kaniyang itsura. "Nasaan na sila pinuno? Nauna na kami dito sa clinic dahil may nangyari kay Keila," mahinang aniya. Agad na binundol ng kaba ang puso ko.

"W-what happened to my niece?"

Tama, pamangkin ko siya. Malaki ang utang na loob ko sa kapatid ko na mama niya kaya inilagay ko siya sa top five dahil na rin sa hiling niya ngunit pagdating ng levelling ay ipinapangako kong magiging pantay ang lahat. Ngayon pa lang ay mukhang naiisip ko na kung sino ang karapat

dapat

na mapasali sa top five.

Bumuntong hininga si lander at umiwas ng tingin. Bago pa siya makasagot ay may lumapit sa aming healer. "Greetings, Lander and headmaster. I'm the head of healers, Bea." pagpapakilala ni healer Bea. "We did everything to recover Keila's eyes but unfortunately, malakas ang poison na tumusok sa mata niya. Lahat ng parte ng mata niya ay hindi na kayang iresolba pa. Naalis na namin ang mga poision but.."

"B-but?" nanghihinang tanong ko.

"She's now blind, headmaster."

I stiffed. Hindi makapaniwala. Parang noong nakaraan lang ay iniirapan pa ako ng batang iyon.

"Is there no other way?" tanong ni Lander.

"There is.. but.." nagkaroon kami ng pag asa ngunit tila ayaw sabihin ng healer. "It is forbidden for us to change our organs since it was given to us by our gods and goddesses,"

Bumagsak ang balikat ko. Right. How can I forget about that?

I slightly bowed my head, "Thank you, healer Bea." Tuluyan nang umalis si Bea.

"Sorry, hm. I failed to--" I cut him off.

"Don't be sorry, Lander. Kahit wala ako doon kanina, I know you did your best." pagpapagaan ko ng loob sa kaniya.

"Nasaan na po ba ang iba?" tanong niya.

"Right. I'll visit them." tango ko sa kaniya. Naglakad na ako papunta sa second floor. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Healer Xee, nasaan ang tatlong prinsepe at yung babaeng gold ang buhok?" I was referring to prince Allister Apollo Archer, prince of fire kingdom. Prince Codem of water kingdom. Prince Elizer of air kingdom and Blaire A,qear the golden haired girl.

"Follow me, hm and Lander." pag aya ni healer Xee.

Habang naglalakad kami ay kinukulbit ako ni Lander, "Hm, bakit kasama si Blaire?" tanong niya.

"Long story, Lander."

I think I wasn't on the right position to talk about it.

Nang makarating kami sa kwarto nila ay naabutan ko silang mga mahihimbing na natutulog. Wala na ang mga sugat nila, pati na ang kawawang blaire na kanina'y parang binugbog ng sampung kamay.

"How are they?"

"They're currently recovering and restoring their energy, hm. Especially miss Blaire."

Ilang minuto pa ang tinagal namin sa kwarto nila bago namin mapagpasyahan na bisitahin naman ang pamangkin ko. Si Lander ang nangunguna sa aming paglalakad nang bigla naming nakasalubong ang estudyanteng pamilyar sa akin.

"Mawalang galang na po, hm. Alam niyo po ba kung nasaan si Blaire? Roommate niya po ako at kaibigan," ani ng estudyante na nakahospital gown. Kumunot ang noo ko.

"What happened to you?" tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin, "Don't make me repeat myself, kid." kunwari ay pananakot ko sa kaniya.

Nagsimula ang kaniyang panginginig, "H-Hindi ko po alam.. ang alam ko ay binubugbog kami nila Bruno hanggang sa mawalan na lang po ako ng malay. H-hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito. What if they're still turtoring her?" umiiyak niyang aniya.

Hinawakan ko ang balikat niya, "She's in room 27. She's stable now. Don't worry, I'll punish those three." mahinahon kong pagpapakalma sa kaniya. Unti unti naman siyang kumalma tsaka nagpaalam sa akin at mabilis na tumakbo sa daang dinaanan namin kanina.

"Thank you, HM!" rinig ko pang sigaw niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto si Lander sa room 10. Tahimik kaming pumasok ngunit nagulat kami nang wala si Keila sa kaniyang kama.

Lander started to panic, "Where is she?!" frustrated na aniya. Nakakunot ang kaniyang noo habang hawak hawak ang buhok.

We suddenly heard someone, crying-- no- sobbing. Mabilis naming binuksan ang pinto sa cr at nakita namin ang nakaupong si Keila habang hawak hawak ang kaniyang mukha.

"I- I can't see! I can't see!" she hysterically shouted.

Mabilis siyang dinaluhan ni Lander, "Shhh,"

Ako naman ay naaawang nakatingin sa pamangkin ko. If only I could do something. If only..

"My niece.." tawag ko sa kaniya. Mas lalo siyang humagulgol.

"Tito, ayoko ng ganito! Ang dilim! Ang dilim dilim!"

Dinaluhan ko rin siya ng isang yakap. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin hanggang sa mawalan na rin siya ng lakas at tuluyang nakatulog.

Hindi ko alam kung paano nakapasok dito ang dark enchant na yon nang siya lang mag isa. Ngunit ngayo'y patay na siya. I clearly want a revenge ngunit magiging selfish ako kung gagawin ko iyon. Maaaring mas maraming estudyante ang masaktan or worse, mamatay. For now, kailangan ni Keila ng masasandalan na makakapagpakalma sa kaniya.

This is kinda selfish ngunit siya lang ang alam kong makakapagpakalma kay Keila.

Si Apollo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status