Share

“SI CELSO AT PLANO”

“MAGANDA, at mukhang masarap,” bulong ni Celso kasabay ang pasilay ng isang mapanganib na ngisi sa kanyang mga labi.

Ang totoo, miss na miss na niya si Lena. At mula nang mabalitaan niya ang tungkol sa pag-uwi ni Marius dito sa lugar nila kasama ang mag-ina nito, agad siyang nagkaroon ng pag-asa.

Naisip kasi niya na marahil, o baka naman kapag naipagbigay alam niya kay Lena ang tungkol rito, baka umuwi na ito. Pero nagkamali siya.

Hinanap niya si Lena sa Maynila gamit ang address na nahingi niya sa tiyahin nitong si Lourdes. Hindi naging madali para sa kanya na hingin iyon sa matanda. Pero matapos ang mahaba-habang pakiusapan at pangungumbinsi ay napagtagumpayan rin niya iyon.

Pinuntahan niya ang address na may halong pananabik dahil makikita na niya sa wakas ang babaaeng mahigit isang taon na rin niyang hindi nasisilayan. At habang nasa byahe siya, ang nasa isipan niya ang ang matinding pagnanasang nararamdaman niya para kay Lena.

Bilang anak ng Kapitan ng kanilang barangay ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status