Share

003 - The Day His Life Turned 360

"Are you even aware that you're holding the book upside down? O baka talagang talent mong magbasa ng libro na nakabaliktad?"

            The lady just bit her lower lip in embarrassment.

            He shook his head in disbelief before crossing his arms across his chest. "Ano ba talaga ang ginagawa mo lagi rito sa shop ko sa ganitong oras?"

            "Sinabi ko na sa'yo ang dahilan—"

            "Hindi mo sinabi ang totoong dahilan."

            "Sinasabi mong nagsisinungaling ako?" Pilit nitong sinalubong ang mapanuri niyang mga mata. "Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"

            "I don't know, you tell me."

            The lady opened her mouth to say something, but later on, she closed it again and looked away.

            "Fine—kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoong dahilan kaya ka pumaparito sa shop ko ay aasahan kong ito na ang huling beses na makikita kita rito."

            Marahas na ibinalik ng babae ang tingin sa kaniya, at ang mga matang namumula kanina sa pag-iyak ay muling pinamunuan ng mga luha.

            "Unless bibili ka ng paninda sa shop na ito ay hindi ka na pwedeng tumambay pa rito," dagdag niya bago tumalikod.

            Doon niya nakita ang mga natitirang customers doon sa shop na nakamasid lang din sa kanila; ang mga mata ng mga ito'y nakasunod sa kaniya, tila nagulat sa naging akto niya sa dalaga.

            Nagpakawala siya ng matamis na ngiti saka magiliw na nagsalita, "Enjoy your coffee, ladies. I'll be in the kitchen if you need anything."

            Matapos iyon ay tinungo niya ang pinto saka binaliktad ang sign board na nakasabit doon upang ipaalam sa lahat na sarado na siya. He then walked back to the counter, gathered all the empty trays, and went to his working station.

            Pagdating niya roon ay ipinatong niya ang bitbit na mga trays sa ibabaw ng sink upang hugasan. He rolled his white T-shirt's sleeves up to his shoulders and put on his black headband. Ilang buwan na siyang hindi nagpapagupit ng buhok kaya umabot na iyon hanggang sa batok. Si Paige ang nagbigay sa kaniya ng headband na iyon upang hindi tumakip sa mga mata niya ang kaniyang buhok habang siya ay may ginagawa.

            Habang nililinis ang mga tray ay dalawang beses niyang narinig ang pagbukas-sara ng pinto ng shop; ibig sabihin ay dalawang mesa na ang okupado. Just one more—and he was hoping it wasn't the one occupied by that lady.

            Sampung minuto pa ang lumipas at natapos niya ang ginagawa. Lumabas siya ng working station upang silipin ang customers na naiwan sa shop, hoping against hope that it wasn't the person who he dreaded to see.

            Pero anong dismaya niya nang makitang ang dalagang kausap niya kanina ang natira roon.

            She was still sitting at the table, but this time, she was facing the door to his working station as if she was waiting for him to emerge any second.

            Humalukipkip siya at sumandal sa hamba ng pinto ng kitchen, at sa seryosong tinig ay,

            "D'you have anything to say?"

            "Thank you."

            That stunned him. Hindi iyon ang mga salitang inasahan niyang maririnig mula rito matapos ang mga sinabi niya rito kanina.

            "Salamat sa ilang araw na pagpayag mong tumambay ako rito kahit na naka-a-abala na ako sa'yo at sa mga customers ko. Salamat dahil pinagbigyan mo ako." Napayuko ito at kinutkot ang mga kuko. "Nahihiya na nga ako kaya nagtatago ako sa tuwing napapatingin ka sa direksyon ko, kunwari ay inaabala ko ang sarili ko sa pagbabasa dahil hindi ko alam kung papaanong sasalubungin ang mga mata mo."

            Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang dapat niyang isagot sa mga sinabi nito?

            "Pasensya ka na sa abala," dagdag pa ng dalaga bago tumayo at binitbit ang mga gamit. "Aalis na ako at hindi na babalik pa."

            Hindi na siya nagsalita pa at sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa marating nito ang pinto. There wasn't anything to say, anyway. She had started to creep him out, kaya mabuti nga sigurong umalis na ito at hindi na bumalik pa sa shop niya.

            Nang buksan ng babae ang pinto ng shop ay tumunog ang door chime, subalit natigilan ito –at ganoon din siya— nang sa pagbukas niyon ay sumalubong ang malakas at malamig na ihip ng hangin.

            Nagsalubong ang mga kilay niya at ibinaling ang pansin sa glass window kung saan malinaw niyang nakikita ang labas. Hindi niya kaagad napansin ang pag-iba ng kulay ng paligid. Sampung minuto lang siyang nasa loob ng kusina at sa paglabas niya'y nag-iba na ang panahon.

            Tunog ng sumarang pinto ang nagpabalik ng tingin niya roon—upang makita ang dalagang tuluyan nang lumabas. But at that time, the rain had started to pour down, which stopped the lady from crossing the road.

            Napatayo na lang ito sa harap ng shop niya, bagsak ang mga balikat kasunod ng bag na naka-sukbit sa isa. Ang suot nitong uniporme ay bahagya nang na-basa ng ulan, at ang mga librong hawak ay kusang kumawala sa isang kamay nito at bumagsak sa sementadong daanan.

            He groaned in his mind. Wala sa loob na humakbang siya patungo sa pinto saka binuksan iyon,

            "Hey, you."

            Nanlulumong humarap sa kaniya ang dalaga. Ang mga mata nito'y hilam na namang ng luha.

            "Get in," aniya bago muling tumalikod at bumalik sa counter.

            The lady stared at him through the glass door. Nanatili itong nakatayo roon sa labas; hindi makapaniwalang muli niya itong in-imbitahang pumasok.

            Nakikita niya mula sa kinatatayuan na halos kalahati ng katawan nito'y basang-basa na ng ulan. Ang may kahabaang buhok at ang palda ay bahagyang pinapalid ng hangin—at ang itim nitong bag na dumausdos sa braso nito'y unti-unting nag-iba ang kulay; ibig sabihin ay unti-unti na rin iyong nababasa.

            Lalo itong nagmukhang kaawa-awa sa paningin niya, kaya napabuntong-hininga siya at sinenyasan itong pumasok na.

            Kung totoo ang sinasabi nitong may asthma ito ay hindi ito dapat ng magpaulan. Baka magkasakit pa ito at lalong mamroblema sa pera. Ayaw niyang masisi ng mga magulang nito dahil lang pinabayaan niya ito at pinalabas ng shop sa ganoong panahon. 

            Ilang sandali pa'y nakita niya ang bantulot na pagkilos ng dalaga hanggang sa pumasok itong muli. Sandali itong huminto sa likod ng glass door upang yukuin ang tubig-ulan na tumulo sa tired floor mula sa basa nitong palda at sapatos.

            "Don't worry, ikaw rin ang maglalampaso niyan mamaya," he said before walking back to his working station. "Have a seat and wait for me, I'll get you a towel."

*

*

*

            "S—Salamat," payukong sabi ng dalaga nang ilapag niya sa mesa ang isang malaking puting towel, isang T-shirt, at isang tasa ng hot chocolate na madalas nitong i-order noong may pambayad pa ito.

            "Dry yourself up. Alam mo naman ang daan papuntang banyo, hindi ba? Use that shirt— hindi 'yan bago pero wala akong sakit sa balat o amoy sa katawan kaya pwede mong gamitin 'yan."

            "S—Salamat, pero... wala akong pambayad sa hot choco—"

            "Hindi ko rin inasahang magbabayad ka," balewala niyang sagot, "pero nabasa ng ulan ang halos kalahati ng katawan mo kaya kailangan mong mainitan. You used to be a 'paying' customer, so that's on the house."

            Tumalikod na siya at humakbang patungo sa counter. Tutal ay umuulan, hindi rin siya makatatambay sa rooftop. At kapag ganoon ang nangyayari ay madalas na nasa silid siya, o doon sa theater area na pinagawa niya sa second floor. Pero dahil may kasama siya roon sa shop ay napilitan siyang manatili roon.

            Naupo siya sa high stool at inisandal ang sarili sa pader. He had also prepared himself a cup of coffee, like the usual every time he's alone. Pero imbes na sigarilyo ang hawak niya sa kabilang kamay ay diyaryo. Nagkunwari siyang abala subalit ang totoo'y ino-obserbahan niya ang mga kilos ng dalagang kasama roon.

            The lady stood up with a hint of hesitation in her movements. Sa gilid ng kaniyang mga mata'y pansin niya ang panginginig ng mga kamay at binti nito, na hindi niya mawari kung tanda ng lamig o ng kaba.

            Why the hell would she get nervous, anyway?

            Ilang sandali pa, bitbit ang tuwalya at T-shirt niya'y dahan-dahan itong naglakad patungo sa restroom na nasa kabilang gilid ng shop at pumasok doon.

            He heaved a sigh and opened his newspaper to the sports page. He took the cup of coffee to his mouth and sipped a little as he read the news. Inabala niya ang sarili sa pagbabasa habang inaantabayanan ang muling paglabas ng babae.

            Natapos na niyang basahin ang isang buong page nang lumabas ang dalaga mula sa restroom, now wearing his white shirt. Nagmukha iyong oversized sa katawan ng dalaga. Sa ulo nito'y ang puting tuwalya niya.

            Itinuloy niya ang pagbabasa; nag-kunwaring abala at ayaw paistorbo. Pero ang totoo'y kanina pa palipat-lipat ang pansin niya sa binabasang article at sa glass window upang antabayanan ang panahon.

            By the looks of it, mukhang buong gabing bubuhos ang ulan dahil lalo pang dumilim ang paligid at ngayon ay may pagkidlat na ang langit. Naisip niyang pahiramin na lang ang dalaga ng payong kapag naubos na nito ang inuming ibinigay niya. 

            Well, yes. There is no other option but to lend her my umbrella.

            Sa mahabang sandali ay pareho silang tahimik doon sa shop.

            The lady had opened a book—it wasn't upside down this time, thank God—and started reading it as she slowly sipped her drink.

            Muli niyang sinulyapan ang panahon sa labas, at nang makita ang lalo pang paglakas ng hangin ay napabuntong-hininga siya at ibinalik na lang ang pansin sa hawak na diyaryo. He turned the page to the world news section. Binasa niya isa-isa ang mga artikulong nakalathala roon nang may mahuli ang kaniyang tingin.

            There was a black and white image on the newspaper that looked so eerie it made him clutch his cup and hold his breath.

            Larawan iyon na kuha sa bansa ng Afghanistan kung saan patuloy pa ring nagaganap ang gyera. Ayon sa artikulo ay ilang sundalong Amerikano na naman ang nagbuwis ng kanilang buhay habang nakikipaglaban para sa kalayaan at katahimikan. Maliban pa roon ay may mga sibilyang nadamay, at karamiha'y mga bata.

            Naramdaman niya ang pagtayuan ng mga balahibo sa batok niya. A vague memory came rushing as he stared at the black and white photo—a memory from his childhood.

            He remembered the frightening sound of guns and bombs from a nearby town. People were screaming as they were being dragged by the rebels, women were also taken, children were being shot down. Naalala niyang nasa isang madilim na lugar siya, mariing tinatakpan ang mga tenga upang hindi marinig ang mga nakatatakot na tunog sa paligid. Naalala niya ang sobrang pagkagutom at pagkauhaw—but he couldn't do anything. He couldn't go out from his hiding place.

            "Do not come out unless you heard me calling your name. Stay hidden—I will come back for you."

            Iyon ang mga salitang paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya tuwing naalala ang madilim na nakaraan. It came from someone dear to him. Someone who promised to take good care of him, and protect him.

            Which she did. She protected him... until the very end.

            Isang mahinang paghikbi ang nagpagising sa diwa niya at humila sa kaniya pabalik sa kasalukuyan.

            Mula sa newspaper ay nag-angat siya ng tingin at nilingon ang dalagang naka-upo sa paborito nitong pwesto. Noon lang niya naalalang naroon pala ito. 

            Nahuli niya ng tingin ang pag-takip nito sa bibig upang pigilan ang pag-iyak. Ibinaba nito ang libro at humarap sa glass window upang marahil ikubli sa kaniya ang pagluha nito.

            The heck?

            Pabagsak niyang ibinaba ang newspaper sa ibabaw ng counter at pasinghal na nagsalita, "What the hell is wrong with you, woman? Why do you always cry?"

            Lalong lumakas ang pag-iyak nito na ikinagulat niya. Natakot pa yata ito sa kaniya.

            Napabuntong-hininga siya saka tumayo at humakbang palapit dito. Nahinto siya sa harap nito at sinulyapan ang tasang wala nang laman, bago ini-lipat ang tingin sa librong itinaob nito sa ibabaw ng mesa.

            Public Finance in Theory and Practice.

            God damn it—ano ang nakaka-iyak sa accounting book?

            "Are you losing your mind or something?" he asked irritatedly. "Kung may problema ka ay magsabi ka ng diretso sa mga magulang mo o hindi kaya ay magsumbong ka sa pulis. I don't want to get involved, so hindi ko na itatanong kung ano ang pinagdadanan mo. Napapagod akong makita ka araw-araw na umiiyak."

            Hinablot niya ang tasa nito saka muling tumalikod. Napipikon siya sa madalas nitong pagluha—kung mayroon man siyang ayaw sa tao, iyon ay ang mga mahihina ang loob!

            Tuluy-tuloy na sana siyang papasok sa working station upang dalhin sa lababo ang tasa nito nang marinig niya itong nagsalita,

            "Wala akong bahay na mauuwian, at dahil malakas ang ulan ngayon ay hindi ako maaaring manatili sa shelter—siguradong maraming taong-kalye ngayon ang naroon at nakasilong."

            Napaharap siyang muli rito saka salubong ang mga kilay na nagtanong, "Nasaan ba ang pamilya mo?"

            "Namatay ang nanay ko noong ipinanganak ako, at ang tatay ko ay sumakabilang buhay na rin limang buwan na ang nakararaan."

            Sandali itong nahinto upang magpahid ng mga luha, pero kahit anong pahid ang gawin nito'y tuluy-tuloy lang iyon sa pagdaloy.

             "Matapos mamatay ni Tatay ay ibinenta ng kapatid niya ang lupaing kinatitirikan ng bahay namin, pinaalis ako at binigyan ng sapat na pera para lumipat dito sa bayan ng Montana. Isang sem na lang at magtatapos na ako, kaya imbes na gamitin ko ang pera ko sa dormitoryo o bedspace ay nakitira na lang ako sa shelter sa kabilang bayan. Doon ay maaaring magpalipas ng gabi ang mga taong walang tirahan tulad ko; may banig doon at kumot. Ang perang hawak ko ay sapat lang hanggang sa matapos ang semetre na ito."

            Muli itong yumuko at nagpatuloy sa pag-iyak, habang siya ay nanatiling nakatayo roon at pinagmamasdan ang walang-humpay nitong pagluha.

            "Gusto kong maghanap ng pansamantalang trabaho para kahit papaano ay may pera akong kitain, pero magastos din ang mga requirements, karamihan sa mga iyon ay kailangang bayaran o bilhin. Paano kung hindi rin ako matanggap? Gagastos ako sa wala?"

            "Bakit ka pinaalis ng tiyuhin mo? Bakit kailangang ibenta ang lupang kinatitirikan ng bahay niyo noon?" He didn't know why, but he got curious.

            Suminghot muna ito bago sumagot. "Galit sa akin ang tiyuhin ko dahil sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Tatay. Kung hindi raw sa pagpipilit kong mag-aaral sa kolehiyo ay hindi raw magpapakakuba sa trabaho si Tatay, hindi sana nagkasakit, at hindi maagang namatay."

            Muli itong humagulgol, at kahit na nabibingi na siya sa pag-iyak nito'y hindi niya ito magawang sitahin.

            He felt sorry for her. The past few months must have been tough for her... Kaya ito laging umiiyak sa sulok, kaya ito laging mukhang malungkot.

            "Tuwing alas-sinco ng hapon dumaraan ang truck ng gulay na libre kong sinasakyan pauwi sa kabilang bayan, at dahil pasado alas sinco na ngayon ay wala na akong masasakyan. Wala na rin akong mauuwian." Muli itong humagulgol ng malakas na tila batang inagawan ng laruan.

            At bago pa niya nahulaan ang sunod nitong gagawin ay itinaas na nito ang T-shirt na suot upang pahiran ang mga luha, dahilan upang tumambad sa kaniyang paningin ang tiyan nito at kalahati ng dibdib.

            Napahugot siya ng marahas na paghinga saka umiwas ng tingin.

            Why wasn't she wearing her bra for fuck's sake?!

            Subalit kaagad na nawala sa isip niya ang tungkol sa dibdib nito nang marinig ang malakas na pag-singa ng dalaga. Siningahan nito ang T-shirt niya!

            He grimaced in disgust. Hindi na niya babawiin ang damit na iyon!

            Humugot muna siya ng malalim na pahinga bago ito patagilid na sinulyapan.

            "Ano'ng plano mong gawin ngayon?"

            Muli itong suminga bago sumagot. "P—Pwede bang... ngayong gabi ay dito muna ako?"

            I fucking knew it.

            Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago ito muling hinarap. Naibaba na nito ang damit—salamat sa Diyos—at ang mukha'y magang-maga na sa pag-iyak.

            Matapos nitong ikwento sa kaniya ang klase ng buhay mayroon ito ngayon, magagawa pa ba niya itong paalisin sa ganoong oras, at sa ganoong sama ng panahon? Idagdag pa ang kaawa-awa nitong anyo...

            Ayaw niyang may kasamang ibang tao sa bahay niya, pero nasaan ang puso niya kung paaalisin niya ito habang bumabagyo sa labas?

            Kung nasa Montana lang sana si Paige ay ihahatid niya roon ang dalaga.

            Isang buntong-hininga pang muli ang pinakawalan niya. Kung minor ang dalagang ito ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ihatid ito sa presinto at bahala na ang women's desk na asikasuhin ito.

            "I'll decide what to do with you if you answer my question truthfully."

            Muli itong suminghot bago sunud-sunod na tumango.

            "How old are you?"

            "Beinte-uno."

            "Great. You sleep on the couch tonight. Pero bukas ng umaga, bago ko buksan ang shop ay kailangang naka-alis ka na. Naiintidihan mo?"

            "M—Maraming salamat, Quaro!" Nagliwanag ang mukha nito at biglang napatayo sa galak.

            Doon bumaba ang tingin niya sa puting T-shirt na pinahiram niya rito, at nang makita ang pinagsingahan nito'y muli siyang napa-ngiwi. Babawiin na sana niya ang tingin kung hindi lang siya napatitig sa dibdib nito. Hindi manipis ang T-shirt na suot nito, pero dahil sa lamig ay...

            Damn it.

            Umiwas siya ng tingin ay mabilis na tumalikod. Itinuloy niya ang paghakbang patungo sa working station, pero bago siya tuluyang pumasok doon ay muli siyang nagsalita.

            "Grab your stuff and follow me."

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status