Share

004 - Ruined Routine

            "Anong oras ka bumabangon para pumasok?'

            Mula sa pag-aayos ng mga gamit ay nag-angat ng tingin ang dalaga. Naka-salampak ito sa carpet ng theater room sa second floor kung saan naroon ang malaking La-Z-Boy couch na maaari nitong tulugan sa gabing iyon.

            Nasa sahig din sa harapan nito ang ilang mga libro, ilang mga damit, maliit na transparent pouch kung saan nakasilid ang mga toiletries nito, wallet, at lumang model ng cellphone.

            That explains her heavy-looking, huge bag...

            "Gumigising ako ng alas sinco para maunang maligo sa publc toilet ng shelter at para antabayan ang delivery truck na dadaan sa bayan para ideliver ang mga stock ng bigas dito sa Montana."

            Tumango siya at inilapag ang bagong pares ng putting T-shirt at sleeping pants sa ibabaw ng couch.

            "I never used those pants, but the T-shirt isn't new anymore. Sa iyo na iyan, change your clothes before you sleep."

            Akma na sana siyang tatalikod upang bumalik sa ikatlong palapag kung saan naroon ang silid niya nang magsalita ang dalaga.

            "Salamat, tatanawin kong utang na loob ito, Q—Quaro..."

            Nahinto siya at muli itong nilingon. "Come to think of it... Hindi ko pa alam ang pangalan mo."

            "Ako si Kirsten."

            "Kirsten?"

            Tumango ang dalaga saka ngumiti; tila inasahan na nitong uulitin niyang banggitin ang pangalan nito. And for that split second, he thought she was cute—no actually, dahil nawala na ang pamamaga ng mga mata at ilong nito, at hindi na rin napuno ng luha ang mukha nito'y doon lang niya natitigan ng maayos ang anyo ng dalagang kaharap.

            She was actually... pretty.

            Not the head-turner type of pretty, but pretty nonetheless.

            She had light brown almond-shaped eyes, a semi-upturned nose, and full, pouty lips which he thought were her best asset, dahil ang mga labi nito kaagad ang unang mapapansin sa mukha nito. She had Filipina skin—morena. And her height was average; kung tama ang tantiya niya ay nasa five feet, four inches lang ito.

            She had average features and yet, there was something different about her that he couldn't explain. Something... mysterious. Parang... may apoy.

            And she looked smart, too. Nakikita niya sa mga mata nitong hindi ito madaling maloko—but she was also guillable, dahil bakit ito magpapalipas ng gabi sa bahay ng lalaking hindi naman nito lubusang kilala? Naisip niyang baka matalino lang sa loob ng klase, pero walang kaalam-alam sa takbo ng mundo.

            Or maybe, she was indeed smart, just too trusting.

            Hmm. Interesting.

            "You have a unique name, who gave it to you?"

            Muli itong ngumiti. "Dapat ay Kristine ang pangalan ko, kaya lang ay nagkamali ng spelling si Tatay noong ini-rehistro niya ako, kaya..." Sinundan nito iyon ng pagkibit-balikat.

            Sandali siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito, hanggang sa kusang umangat ang sulok ng mga labi niya sa isang pagngiti.

            Damn it, that was funny.

            Nanlaki ang mga mata ni Kirsten nang makita siyang ngumiti, kasunod ng pamumula ng magkabila nitong mga pisngi.

            Ang interes na bumangon sa dibdib niya kani-kanina lang ay bigla ring nalusaw.

            He liked the attention girls were giving him, but he hated it if they gape at him like idiots. Katulad ng babaeng nasa harapan niya ngayon.

            Inalis niya ang ngiti sa mga labi saka muling nagseryoso. "I'll see you in the morning."

            Tumalikod na siya at tinungo ang hagdan patungo sa third floor kung saan ang kabuuan niyon ay silid niya at sariling banyo.

            "Goodnight, Quaro."

            Hindi na siya lumingon pa at tuluy-tuloy nang umakyat.

*

*

*

            Alas cuatro ng madaling araw nang tumunog ang alarm niya. Iyon ang oras na kailangan na niyang bumangon upang ihanda ang mga produktong ititinda sa shop sa araw na iyon.

            Manu-mano niyang mamasahin ang dough ng para sa bawat klase ng tinapay na ititinda niya sa araw na iyon. May malaking mixer siya roon na ginagamit lang niya kapag sa tingin niya'y maga-gahol siya sa oras. He had two big bakery convection ovens where he cooked all his bread and muffins, hindi pa kasama ang personal oven niya sa kusina.

            Alas sais pasado siya natatapos sa pagbe-bake at may oras pa siyang maglinis ng shop at ng working station niya. Matapos niyang maglinis ay saka niya ilalabas ang mga tinapay at ilalagay sa mga salaming estante at shelves.

            By that time, he would also start brewing his coffee and prepare everything that he needed for the day. Pagdating ng alas siete ay saka siya nagbubukas.

            Iyon na ang routine niya kada umaga, kada araw. Ang iba marahil ay mauumay at maghahanap ng panibagong gagawin, but that's not the case for him. He was enjoying his everyday routine in the past eight years—he couldn't ask for more.

            Nang bumangon siya sa kama ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Paglabas niya roon ay nakabihis na siya't handa na sa araw na iyon.

            Maingat siyang humakbang pababa sa hagdan dahil ayaw niyang magising ang 'bisitang' nasa second floor, subalit nang tuluyan niyang marating iyon at makitang wala na roong tao ay nagsalubong ang mga kilay niya.

            Mabilis niyang itinuloy ang pagbaba sa first floor kung saan ang personal kitchen niya ang kaagad na bubungad. Pero hindi pa man siya tuluyang nakabababa ay may naaamoy na siyang... nasusunog!

            Halos talunin niya ang natitirang tatlong baitang sa labis na pagkabahala.

            Sa ibaba ay nakita niya ang kulay abong usok na kumalat na halos sa buong kusina. Ang exhaust fan ay siguradong hindi nabuksan kaya nangyari iyon; sa ibabaw ng nakabukas na stove ay nakapatong ang non-stick pan kung saan nagmumula ang usok. At sa harap niyon ay nakatayo si Kirsten hawak-hawak sa kamay ang sandok; ang pwesto nito'y tila nakikipag-espadahan sa kawaling nasusunog.

            "What the hell is going on?!" Mabilis siyang lumapit at pinatay ang stove, saka hinablot ang handle ng frying pan at kung papaano na lang nihagis sa makalat na lababo. Binuksan niya ang gripo at itinapat ang umuusok na frying pan upang patayin ng tubig ang nangangalit na init.

            Nang suyurin niya ng tingin ang lababo ay para siyang nanghina. It was messy—nagkalat kung saan ang ilang pirasong biniyak na itlog, ang kutsilyo at wisk ay marumi at nakapatong lang ng kung papaano sa sink, katabi ang ilang mga mangkok. May balat ng sibuyas at carrot din doon na hindi niya alam kung saan ginamit, at ilan pang mga basurang hindi niya kayang tingnan.

            He wasn't a germophobe, but he definitely didn't want a dirty space! He was a perfectionist and he'd like things to be in order—hindi ganito!

            Marahas niyang hinarap si Kirsten na napa-igtad sabay yakap sa hawak na statulla na parang matutulungan ito ng bagay na iyon.

            "Who told you that you can mess with my kitchen?" He was pissed and he didn't even want to hide it from her.

            Klaro niyang nakita ang mariin nitong paglunok—why not, she did it exaggeratedly.

            "G—Gusto ko sanang ipaghanda ka ng almusal—"

            "Mukha ba akong nangangailangan ng katulong na maghahanda sa akin ng almusal?"

            "G—Gusto ko lang sanang bumawi sa tulong mo—"

            "Eh, 'di sana ay ginawa mo na rin ng tama!"

            Napa-atras ito, ang mga mata'y unti-unting pinamunuan ng luha, at ang bibig ay nag-umpisang manginig.

            "For fuck's sake, don't you dare shed a tear again—pagod na akong makita kang umiiyak!"

            "Kung ganoon ay h'wag mo akong sigawan!"

            Natigilan siya sa bigla ring pagtaas nito ng tinig. He didn't expect that—he didn't even know she was capable of doing that. Hindi niya inasahang ganoon ka-lakas ang boses nito. Simula nang makausap niya ito'y kay hina lagi ng tinig, laging pabulong. Laging mahiyain. But this time... she was fierce.

            Ito ba ang apoy na nakita niya sa mga mata nito kagabi?

            Si Kirsten, nang rumehistro sa isip ang sinabi at ginawa, ay napa-tikhim at umiwas ng tingin.

            Sa mahabang sandali ay namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa; siya ay hindi pa rin makapagsalita sanhi ng pagkagulat, habang ito naman tila nagsisi sa ginawa.

            Nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito sa kaba o inis—hindi niya mawari. Ang morena nitong pisngi ay namula, sa pagkapahiya o galit, who knows? But one things for sure; she knew he didn't like what she did.

            Ano ang karapatan nitong magtaas ng tinig matapos ang ginawa nitong pagkakalat sa bahay niya?

            "I want you to leave. Now," he said in controlled rage. Kapag hindi pa umalis ang dalaga sa harapan niya sa loob ng limang segundo ay baka ano pa ang masabi niyang masasakit na salita rito.

            "No, please. Teka lang."

            Muli siyang natigilan nang lumapit ito sa kaniya at biglang hinawakan ang mga kamay niya. Tears burned her eyes now, and her lips started to tremble.

            "Babayaran ko ang labing anim na itlog na nasunog ko—"

            "Labing anim? That's half of the fucking tray..." Nanlalaki ang mga mata niya sa pagkamangha. "What did you do to my eggs?!"

            Hindi kaagad nakasagot ang dalaga; at sa panggilalas niya lalo ay bigla itong yumuko at tumingin sa pagitan ng kaniyang mga binti.

            Bago pa niya napigilan ang sarili ay marahas niyang tinabig ang mga kamay nito kasunod ang  pagtulak niya palayo rito.

            "Are you nuts?" he asked in a horrified tone.

            "M—Malamang... Tingin mo ba sa akin ay itlog din?"

            His forehead furrowed in confusion. Hindi niya kayang sakyan ang mga sinasabi at ginagawa nito, at kanina pa siya naiirita! Pakiramdam niya'y naipon ang lahat ng dugo sa ulo niya at anumang sandali ay sasabog na iyon.

            At sigurado siyang napansin iyon ng dalaga, dahil muli itong lumapit at nagmakaawa,

            "Please, Quaro. H'wag mo muna akong paalisin sa bahay mo. Tulad ng sinabi ko kanina ay babayaran ko ang mga nasunog kong itlog mo—I mean, itlog ng bibe, o ng manok—"

            "Just call them eggs, for fuck's sake!"

            "Yes, your eggs! Babayaran ko ang lahat ng iyon, kasama na ang dalawang carrots at dalawang sibuyas." Napayuko ito hinawakan ang nanginginig na kamay na may hawak ng spatulla. "P—Pati ang butter na ginamit ko sa pagprito ng itlog at isang cup ng harina na kinuha ko doon sa cabinet—"

            "Pinakealaman mo rin ang pantry sa working station ko?" Lalong nag-init ang ulo niya.

            "K—Kumuha lang ako ng kaunting harina doon..."

            Sinapo niya ang ulo sa pagkamangha at sinulyapan ang frying pan na ibinato niya sa lababo. Dahil nawala na ang usok ay malinaw na niyang nakikita kung ano ang naroon.

            Tila lalo siyang nanghina sa nakikita ng kaniyang mga mata.

            Hindi niya magawang ilarawan ang bagay na nasa frying pan, malibang sigurado siya na may itlog iyon at harina dahil um-umbok. Nagmukha iyong sunog na bibingka—an ugly looking burnt bibingka.

            Ibinalik niya ang tingin kay Kirsten na nakangiwi ring sinulyapan ang sunog na pagkaing ngayon ay nakalutang na sa tubig.

            "What were you trying to cook?" At least he wanted to know, bago niya ito palayasin.

            Muli siya nitong hinarap. "Gusto kong maghanda sana ng omelette, kaya lang ay carrots at sibuyas lang ang nasa fridge, kaya iyon lang ang ipinangsahog ko. Nilagyan ko ng kaunting gatas at harina para kahit papaano ay umalsa. N—Naging pancake yata ang kinalabasan..."

            Hinagod niya ang sentido. Sumasakit ang ulo niya at mukhang kailangan niyang bumalik sa higaan kung ayaw niyang tuluyan siyang magkasakit.

            "Hindi ko rin na-tantiya iyong butter, naparami ang lagay ko..."

            "Nakapag-luto ka na ba ng sinasabi mong omelette dati?" Pinilit niyang maging kalmado bago pa siya tuluyang sumabog. Wala siyang interes na pabayaran dito ang mga nagamit nito, alam niyang nagtitipid ito para sa pag-aaral. Ang gusto lang niyang mangyari ay tuluyan na itong umalis doon sa pamamahay niya.

            But why the hell do I keep asking her these questions?

            "Oo naman, nakapagluto na ako niyan—"

            "Then why the hell did you mess up?" At dahil pasinghal na naman siyang nagsalita ay napa-atras na naman si Kirsten mula sa kinatatayuan.

            Muli itong napangiwi. "H—Hindi ako marunong gumamit ng stove... Uling lang ang ginagamit namin bahay dati, at... first time kong gumamit ng butter, kaya—"

            "Oh, God." Dalawang kamay na ang ginamit niyang pang-sapo sa ulo sa pagkakataong iyon.

            Okay, he had reached his limit.

            "Get out."

            "Q—Quaro, nakikiusap ako na—"

            "I said, get out!"

            "Please—handa akong maging katulong, labandera, assistant, o delivery lady, hayaan mo lang akong makitira rito nang libre!" Sinundan iyon ni Kirsten ng pagluhod sa sahig paharap sa kaniya na muli niyang ikina-gulat.

            Hindi niya inasahan iyon. Hindi niya kailangan ang pagmamakaawa nito.

            Ang huling taong lumuhod sa kaniyang harapan ay si Paige—two weeks ago, while his pants were down on his knees. At ganoong klase ng pagluhod lang ang gusto niya.

            Not this.

            "Tumayo ka r'yan at umalis ka na—"

            "Handa akong magtrabaho sa'yo ng libre, kailangan ko lang talaga ng matutuluyan hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Ikaw ang unang taong tumulong sa akin sa bayang ito, Quaro, at ikaw lang ang malalapitan ko ngayon—please."

            "I don't need a servant—and looking at what you did just now, lalong ayaw ko ng palpak na katulong. So stop the drama and leave my place."

            "Please, tatanawin kong malaking utang na loob kung pagbibigyan mo akong tumuloy pansamantala rito sa bahay mo. Kahit hindi na doon sa malamig na theater room, kahit doon na lang sa shop, okay na akong maglatag ng banig. In return, I can run errands for you. I will even clean the tables, and map the floor—at least iyon, kaya ko 'yon gawin nang hindi pumapalpak. Just please... please..."

            Magkadikit ang mga palad nito habang nakaluhod sa harap niya; tila debotong humihingi ng himala. Pero hindi ang paghingi nito ng himala ang nagpatigalgal sa kaniya kung hindi ang paraan ng pananalita nito. Malibang nag-iba na ang tono nito kompara kahapon, ay nagsalita rin ito sa Ingles. Which he realized she did for the first time. And she said it fluently.

            Who is this woman, really?

            Matagal niya itong pinagmasdan habang nanatili itong nakaluhod sa harapan niya't nakatingala sa kaniya. Something about her was bothering him. May iba rito... tila may itinatago.

            Sinasabi na nga ba niya—misteryoso ang babaeng ito!

            "Something changed about you overnight." Humalukikip sya. "Hindi ka na mahiyain ngayon, at ang paraan ng pananalita mo ay hindi katulad kahapon..."

            "Tapos na ako sa quiet and reserved phase—sa pagkakataong ito'y nasa desperate phase na ako. Please, Quaro, hindi ako tatayo sa pagkakasalamak dito hanggang sa hindi mo ako napagbibigyan."

            Quiet and reserved phase? Desperate phase? What is she talking about?

             "Kapag nasa loob ako ng shop ay pakiramdama ko, ligtas ako," dagdag ni Kirsten. "Kaya imbes na sa labas ako tumambay habang naghihintay sa truck ay pumapasok ako rito. Hindi totoong may asthma ako, pero mabilis mairita ang balat ko sa alikabok kaya bawal pa rin akong manatili ng matagal sa kalsada. At ikaw lang ang alam kong maaaring tumulong sa akin sa bayang ito, Quaro. Napatunayan kong hindi ka masamang tao, kaya please..."

            "Do I look like someone who keeps stray cats?"

            Nanlaki ang mga mata nito, at huli na para bawiin niya ang sinabi dahil nakita niya ang biglang pagbago ng ekspresyon nito sa mukha. Mula sa pagmamakaawa ay napalitan iyon ng pagka-dismaya.

            Yumuko si Kirsten at sa malungkot na tinig ay, "Matigas din pala ang puso mo..."

            Oh, the drama.

            "Kung matigas ang puso ko'y sa kalsada ka sana natulog kagabi. Now, stop the drama and leave—marami pa akong gagawin." Akma na sana siyang tatalikod nang muli nitong hawakan ang kamay niya at lalo pang lumapit sa kaniya.

            "Please..." balik-pagmamakaawa nito.

            Her face was too close to the danger zone it got him worried. Mabilis siyang umiwas ng tingin—may kung anong imahe ang pumapasok sa utak niya sa mga sandali iyon, at kung hindi siya iiwas ng tingin ay baka ipahiya siya ng sarili niyang katawan.

            "No—I need you to leave now." Binawi niya ang kamay mula rito. "And clean up your mess before you go; that's the least you can do for a free lodge last night."

            Tuluyan na siyang tumalikod at nagtungo sa working station niya.

            Damn the lady for ruining his day. Pakiramdam niya ngayon ay pagod na pagod siya at nawalan na ng ganang gumawa ng mga tinapay niya. Iritable ang pakiramdam niya; at imbes na buksan ang shop ay parang mas gusto na lang niyang manatili roon sa roof top, uminom na kape at manigarilyo.

            Yeah, he'd probably do that. Siguro'y magsasara na muna siya sa araw na iyon, tutal ay hindi dumating ang delivery ng harina kahapon dahil sa lakas ng ulan. Kahit may sapat pa siyang ingredients ay nawalan na rin siya ng gana. He didn't want to bake when he wasn't in his best mood.

            For the first time in eight years, his routine was ruined. All thanks to that woman.

             Curse that Kirsten!

TO BE CONTINUED...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status