Share

Chapter 22.10

Pinanuod ni Sam ang pagbagsak ni Vena sa harapan niya ngunit bago pa man ito bumagsak sa sahig ay mabilis naman na gumalaw si Andrei upang saluhin ito sa kamay nito. Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakatutok pa rin ang mga mata niya kung paano nito kinarga ang kaibigan niya at hindi niya din maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit siya pumayag sa gusto nito.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig ni Andrei.

“Salamat at pasensiya ka na talaga.” sabi nit at pagkatapos ay tumitig sa kaniyang mga mata. “Ipinapangako ko sayo na hinding- hindi ko na siya sasaktan pang muli.” paniniyak nito sa kaniya na ikinatango na lamang niya at pagkatapos ay sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan na nga itong makaalis.

Ilang minuto pa nga ang lumipas ay tuluyan na niyang narinig ang pag- andar ng kotse nito at alam niyang aalis na ang mga ito. Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Napasandal din siya sa kaniyang kinuupuan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status