Share

Chapter 6

ISABELLA:

NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang mga ingay sa labas. Pupungas-pungas pa akong napabangon sa kama ko dahil nabulabog na ang tulog ko. Ang bigat-bigat pa ng ulo ko dahil kulang na kulang pa ako sa tulog. Napatingin ako sa relo ko at pasado alasotso pa lang ng umaga. Dalawang oras pa lang ang tulog ko mula sa magdamag kong pagtatrabaho sa fast-food.

Sapo ang ulo na dumungaw ako sa bintana nitong silid ko. Nakita ko naman ang mga kapitbahay namin na nagkakagulong nag-uunahan na nagtungo sa labasan.

"Kuya, anong meron?!" sigaw ko sa mga lalakeng nagtatakbuhan.

"Oh, Bella! Halika na, nasa labasan ang abogado ng may-ari nitong lupa at gusto daw tayong makausap," sagot ng isa na ikinagising ng diwa ko ng tuluyan.

"Ho?! Sige po! Maghihilamos lang ako!"

Kaagad akong bumaba ng hagdanan at nagtungo ng lababo para makapag hilamos. Sabog-sabog pa ang buhok kong pinusod ko ng ponytail ko. Lumabas na ako ng bahay na napasunod sa mga kapitbahay kong bakas ang pag-aalala.

Napapalunok ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status