“Bilang isang kababatang henerasyon, ito ay ikinagagalak ko. Pagdating ko sa Harbor City, paniguradong kokontakin kita, Mr. Law,” sabay sagot at ngiti ni Jasper. Tuwid na pamamaraan na sinabi ni Zachary, “Kapag nagpunta ka at hindi mo ako hinanap, kukuha ako ng tao upang kidnapin ka para dalhin ka sakin. Isa pa, nangako na kikita ka ng pera para sa atin.”Pagkatapos ng maginoong batian, tumayo na si Jasper upang umalis. Sa sandaling lumabas siya sa kwarto ni Zachary, nakasalubong niya si Henry at Anna. “Letse, bakit ko ba nakasalubong itong Mainlander?”Nang makita ni Henry si Jasper, nagdilim ang mukha nito at gustong tumalikod upang umalis. “Saglit.”Ang salita ni Anna ang nagpahinto sa mga paa ni Henry na parang ipinako sa sahig. “Ilang beses ko bang kailangan sabihin na respetuhin mo ang mga taong galing sa Mainland lalo na nandito tayo? Madali silang magalit pag tinatawag silang Mainlander, hindi mo ba alam iyon?” Sermon ni Anna. Walang pasensya na sumagot si Henry,
Kung sabagay, noong panahon na iyon na nagsisimula siya magkaroon ng problema sa labas at hindi niya ito binalak sabihin sa kanyang mga magulang, ang kanyang kapatid ang laging nandiyan upang tulungan siya sa mga ganong bagay. Minsan, naiisip niya kung ito ba ay ang kanyang nakakatandang ate o siya ang mas batang kapatid. …Lahat sa probinsya ay kumpleto na, at ngayon, kung ano ang naiwan ay ibibigay na lamang sa mga tauhan niya para asikasuhin. Syempre, si Dawson ang magaayos ng lahat ng ito. Dahil dito, binalik na ni Jasper si Wendy sa syudad. Natagalan din sila bago sila nakabalik. Sa oras na pumasok si Jasper at Wendy sa pinto, naririnig nila ang nanay ni Jasper, si Sally, na pinapagalitan sila. “Kahit na kayo ay abala, kailangan niyo magpahinga at kumain maigi. Saan ba kayo dalawa nagpunta nitong nakaraang mga araw? Nakita ko ang mga ilaw ng iyong kapitbahay ay patay din sa gabi. Hindi ko din kayo nakitang dalawa.”“Kami ay nasa probinsya nitong mga nakaraang araw. Kam
"Sabihin mo sa akin, nakikinig ako. Ipaalam mo sa akin kung ano ang nangyayari," sabi ni Jasper habang ito ay umuupo. Kinuskos ni John ang kanyang mukha at nagsimulang sabihin kay Jasper kung ano ang nangyari sa kanya ng oras na iyon. Unti-unti, naintindihan ni Jasper kung ano ang nangyayari.Ang gulo na napasukan ni John ay may kinalaman sa kanya. Bagaman, nanalo ng malaking pera si Jasper pagkatapos ng pagtatalo nila ni Hugh sa Royce Villa, hindi hahayaan ni Hugh na makakaligtas siya ng ganun ganon na lang. Subalit, pagkatapos ng insidente, kung wala si Jasper sa probinsya ito naman ay nasa Cavern City, kung kaya si Hugh ay hindi makakuha ng pagkakataon upang mag higanti sa kanya. Kung kaya, si Hugh, na natalo ng 50 milyong dolyar, binuhos ang galit at ang paghihiganti kay John, ang pinaka malapit kay Jasper. Kahit na kabilang din si John sa grupo, sa pagdating sa dulo, siya ay presidente lamang ng Commercial Bank's district branch. Siya ay nakaasa pa din sa kanyang sahod
“Ikaw ba…” blankong tumingin si John kay Jasper na para bang alam niya kung ano ang iniisip nito. “Hehe, sa tingin mo ba ang isang katulad ni Hugh ay may malinis na karanasan?” kakaiba ang ngiti ni Jasper. Pagkatapos, sila ay pumunta sa Securities Commission. Ang rason kung bakit sila pumunta doon, sila lamang at ang presidente ng Securities Commission ang nakakaalam!…Sumunod na araw sa opisina ni John.Dalawang bata na kakatapak pa lang sa lipunan ay nanginginig sa takot. Halatang ito ang unang beses nila opisina ng presidente at gumawa ng pribadong bagay para sa presidente. Letse, sila ay pinapaboran na ng presidente...“Naalala mo na ngayon?”Pormal ang ekspresyon ni John. “Ang account at target shares ay nabigay na sa inyong dalawa. Pag nagsimula na ang trading mamayang hapon, pumasok na kayo at agad niyong pukpukin ang market. Pukpukin niyo ng mababa hanggang kaya niyo.”Nagmamadaling tumango ang dalawa. “‘Wag kang mag alala, sir. Napakadali nito, kaya magagawa nam
Ngunit, si Jasper ay hindi natakot. Lumakad siya diretso sa pribadong kwarto ng hindi lumilingon sa paligid. Sa likod ni Jasper, namumutla ang mukha ni John. Panay ang lunok nito ng kanyang laway at hindi na sinubukan tumingin sa mga masasamang loob sa gilid. Nang makarating sila sa pinto ng pribadong kwarto, si John, na gusto ng tumakbo paalis sa koridor, ang nagkusa ng hawakan ang doorknob.May tumampal, isa sa mga lalake na mukhang pinuno ng mga masasamang loob ang tumampal sa kamay ni John upang alisin ito. “Sabi ni Mr. Lewis na kailangan mo lumuhod at gumapang papasok ng kwarto kung gusto mo makapasok!” Ang pinuno nila ay may buhok sa semi kalbo at nakikita ang malalaswang tignan na mga tatu sa kanyang buong braso. Ngumisi ito at ang mga mata nito ay puno ng masamang tingin. Nanginginig si John sa galit. Subalit, hindi na ito nag tangka pang magsalita, kaya tumingin na lamang siya kay Jasper. Tumingin si John sa pinuno ng mga masasamang loob at nilakasan ang kanyang
Gulp. Iyon ang tunog ng mahirap na paglunok ni John ng kanyang laway. Sa puntong iyon, puno ng tensyon ang kapiligiran ng pribadong kwarto. Ang pakiramdam ng lahat ay para silang nakadikit maigi sa kanilang pwesto. Walang nagbalak mag salita ng kahit na ano. Talagang takot si John. Siya ay natatakot na tuluyang magalit ng sobra si Hugh at gumawa ng wala sa katwiran na bagay. Ang lugar na iyon ay puno ng tao ni Hugh, at kung ito ay tuluyan masiraan ng bait, walang makaka siguro kung ano ang maaring mangyari sa kanila ni Jasper. “Heh!” Nang ang lahat ay pinipigilan ang kanilang paghinga at walang nagbalak bumuga ng paghinga palabas, may ginawang tunog si Hugh mula sa kanyang lalamunan. Ito ay parang isang tawa, pero dahil ito ay masyadong maigsi at walang bahala, walang nakaramdam ng ibig sabihin nito. “Jasper, walang nagtangkang maging bastos sa harapan ko. Samantala, ikaw ay talagang ginalit ako.” Habang sinasabi niya ito, pumirmi ng titig si Hugh kay Jasp
“Ikaw ba ang rason kung bakit bumagsak ang Zoni sampung minuto matapos magsimula ang trading?”Ang galit na pag sigaw ni Hugh ang naging rason kung bakit nag bago ang ekspresyon lahat. “Zoni? Kung saan ang dealer nito ay ang Lantern Capital at ang may pinakamaraming hawak na shares?” “Sa pagkakaalam ko para makabawi sa 50 milyon na nawala sa kanya, nilagay ni Hugh ang lahat ng pera niya dito.” “Paano ito bumagsak? Kahit na walang malaking market ang Zoni, imposible na makontrol ang presyo nito ng walang ilang bilyong dolyar.” “Grabe, gumagawa talaga sila ng seryosong aksyon para ayusin ang sitwasyon.” Ang mga tao na hindi nagtangka magsalita dahil kay Hugh ay ninenerbyos na ngayon. Nagsimula na magbago ang kanilang mga ekspresyon. Bigla, hindi na natataranta si John sa loob ng grupo. Siya pa nga ay naglabas ng sigarilyo at sinindihan ito bago humithit na may saya na nararamdaman sa dibdib. Habang tinitignan ang ibang mga kasama sa lamesa na nakaramdam ng pagkabigla, ta
“Ikaw ba si Hugh Lewis?”Ang pinuno ng grupo ay istriktong tinanong si Hugh. Nataranta si Hugh tumingin dito atsiya ay tumingin sa koridor. Saka niya napagtanto na ang mga lalake na dinala niya ay hindi na niya makita. Ang ekspresyon ni Hugh ay biglang pumangit na para bang may krisis na babagsak sa kanya anumang oras. “Tinatanong ko kung ikaw si Hugh Lewis!” Sigaw ng opisyal. “O-oo,” nahirapang pagsagot ni Hugh. Alam niya na kung ang mga taong ito ay nagpakita sa harap niya, siguro mayroon na silang matibay na ebidensya laban sa kanyang mga krimen. “Hugh Lewis, kami ay may sapat na ebidensya para mag suspetya na ikaw ay kabilang sa illegal fundraising at pagmanipula ng stock prices ng lihim. Ito ang pagtawag sa’yo. Sumama ka sa amin,” sinabi ng opisyal sa malalim na boses. Nagngalit maigi ang mga ngipin ni Hugh at tumingin kay Jasper na puno ng galit. Sumigaw ito at sinabi, “Ikaw ba ang nagplano ng lahat ng ito?” Walang bahalang sinabi ni Jasper, “Nilabag mo ang batas