“Ikaw ba…” blankong tumingin si John kay Jasper na para bang alam niya kung ano ang iniisip nito. “Hehe, sa tingin mo ba ang isang katulad ni Hugh ay may malinis na karanasan?” kakaiba ang ngiti ni Jasper. Pagkatapos, sila ay pumunta sa Securities Commission. Ang rason kung bakit sila pumunta doon, sila lamang at ang presidente ng Securities Commission ang nakakaalam!…Sumunod na araw sa opisina ni John.Dalawang bata na kakatapak pa lang sa lipunan ay nanginginig sa takot. Halatang ito ang unang beses nila opisina ng presidente at gumawa ng pribadong bagay para sa presidente. Letse, sila ay pinapaboran na ng presidente...“Naalala mo na ngayon?”Pormal ang ekspresyon ni John. “Ang account at target shares ay nabigay na sa inyong dalawa. Pag nagsimula na ang trading mamayang hapon, pumasok na kayo at agad niyong pukpukin ang market. Pukpukin niyo ng mababa hanggang kaya niyo.”Nagmamadaling tumango ang dalawa. “‘Wag kang mag alala, sir. Napakadali nito, kaya magagawa nam
Ngunit, si Jasper ay hindi natakot. Lumakad siya diretso sa pribadong kwarto ng hindi lumilingon sa paligid. Sa likod ni Jasper, namumutla ang mukha ni John. Panay ang lunok nito ng kanyang laway at hindi na sinubukan tumingin sa mga masasamang loob sa gilid. Nang makarating sila sa pinto ng pribadong kwarto, si John, na gusto ng tumakbo paalis sa koridor, ang nagkusa ng hawakan ang doorknob.May tumampal, isa sa mga lalake na mukhang pinuno ng mga masasamang loob ang tumampal sa kamay ni John upang alisin ito. “Sabi ni Mr. Lewis na kailangan mo lumuhod at gumapang papasok ng kwarto kung gusto mo makapasok!” Ang pinuno nila ay may buhok sa semi kalbo at nakikita ang malalaswang tignan na mga tatu sa kanyang buong braso. Ngumisi ito at ang mga mata nito ay puno ng masamang tingin. Nanginginig si John sa galit. Subalit, hindi na ito nag tangka pang magsalita, kaya tumingin na lamang siya kay Jasper. Tumingin si John sa pinuno ng mga masasamang loob at nilakasan ang kanyang
Gulp. Iyon ang tunog ng mahirap na paglunok ni John ng kanyang laway. Sa puntong iyon, puno ng tensyon ang kapiligiran ng pribadong kwarto. Ang pakiramdam ng lahat ay para silang nakadikit maigi sa kanilang pwesto. Walang nagbalak mag salita ng kahit na ano. Talagang takot si John. Siya ay natatakot na tuluyang magalit ng sobra si Hugh at gumawa ng wala sa katwiran na bagay. Ang lugar na iyon ay puno ng tao ni Hugh, at kung ito ay tuluyan masiraan ng bait, walang makaka siguro kung ano ang maaring mangyari sa kanila ni Jasper. “Heh!” Nang ang lahat ay pinipigilan ang kanilang paghinga at walang nagbalak bumuga ng paghinga palabas, may ginawang tunog si Hugh mula sa kanyang lalamunan. Ito ay parang isang tawa, pero dahil ito ay masyadong maigsi at walang bahala, walang nakaramdam ng ibig sabihin nito. “Jasper, walang nagtangkang maging bastos sa harapan ko. Samantala, ikaw ay talagang ginalit ako.” Habang sinasabi niya ito, pumirmi ng titig si Hugh kay Jasp
“Ikaw ba ang rason kung bakit bumagsak ang Zoni sampung minuto matapos magsimula ang trading?”Ang galit na pag sigaw ni Hugh ang naging rason kung bakit nag bago ang ekspresyon lahat. “Zoni? Kung saan ang dealer nito ay ang Lantern Capital at ang may pinakamaraming hawak na shares?” “Sa pagkakaalam ko para makabawi sa 50 milyon na nawala sa kanya, nilagay ni Hugh ang lahat ng pera niya dito.” “Paano ito bumagsak? Kahit na walang malaking market ang Zoni, imposible na makontrol ang presyo nito ng walang ilang bilyong dolyar.” “Grabe, gumagawa talaga sila ng seryosong aksyon para ayusin ang sitwasyon.” Ang mga tao na hindi nagtangka magsalita dahil kay Hugh ay ninenerbyos na ngayon. Nagsimula na magbago ang kanilang mga ekspresyon. Bigla, hindi na natataranta si John sa loob ng grupo. Siya pa nga ay naglabas ng sigarilyo at sinindihan ito bago humithit na may saya na nararamdaman sa dibdib. Habang tinitignan ang ibang mga kasama sa lamesa na nakaramdam ng pagkabigla, ta
“Ikaw ba si Hugh Lewis?”Ang pinuno ng grupo ay istriktong tinanong si Hugh. Nataranta si Hugh tumingin dito atsiya ay tumingin sa koridor. Saka niya napagtanto na ang mga lalake na dinala niya ay hindi na niya makita. Ang ekspresyon ni Hugh ay biglang pumangit na para bang may krisis na babagsak sa kanya anumang oras. “Tinatanong ko kung ikaw si Hugh Lewis!” Sigaw ng opisyal. “O-oo,” nahirapang pagsagot ni Hugh. Alam niya na kung ang mga taong ito ay nagpakita sa harap niya, siguro mayroon na silang matibay na ebidensya laban sa kanyang mga krimen. “Hugh Lewis, kami ay may sapat na ebidensya para mag suspetya na ikaw ay kabilang sa illegal fundraising at pagmanipula ng stock prices ng lihim. Ito ang pagtawag sa’yo. Sumama ka sa amin,” sinabi ng opisyal sa malalim na boses. Nagngalit maigi ang mga ngipin ni Hugh at tumingin kay Jasper na puno ng galit. Sumigaw ito at sinabi, “Ikaw ba ang nagplano ng lahat ng ito?” Walang bahalang sinabi ni Jasper, “Nilabag mo ang batas
Lahat ng nasa lamesa ay namula matapos marinig ang sinabi ni John. Wala sa kanila ang nagtangka sumagot dito.“Jasper, mamamatay ka sa malagim na paraan!” Nang maisip niya ang kanyang mataas na posisyon at ang kanyang yaman ay mawawala sa araw na iyon at kung ano ang naghihintay sa kanya sa kulungan, tuluyan ng nawala sa pag iisip si Hugh. Sinuntok niya si Jasper na parang asong ulol at tumingin na para bang gusto niya kaladkarin si Jasper pababa kasama siya. Subalit, tumayo lang si Jasper sa kanyang pwesto at hindi umaalis. Ito ay dahil ang mga opisyal na nasa isang gilid na naghihintay at nagmamatyag mabuti ay biglang dinampot si Hugh sa sahig. “Alisin niyo na siya dito!” Kumumpas ang kamay ng pinuno, at si Hugh ay dinala na palayo habang ito ay nagsisisigaw at patuloy na nagmumura. Habang palayo ng palayo ang boses ni Hugh, ang mga opsiyal ay nakipag kamay kay Jasper at sinabi, “Kahit ano mangyari, maraming salamat sa iyong impormasyon. Kung hindi, hindi namin siya
“Mr. Laine, si Hugh ay mapang pwersa at dominante, kaya may mga saloobin kami na hindi namin masabi. Ngayon na ang kalaban ay nakatanggap na ng parusa, kami ay paniguradong magpapakabait na.” May isang tumayo at sinabi ito ng may pag ngisi. Ang mga salita niyo ay may pag sang ayon mula sa maraming tao. Ayaw ng isipin pa ni Jasper kung ang taong ito ay totoo sa kanyang sinasabi o hindi. Ang lawa ng syudad ay masyadong maliit para mapaunlakan ang kanyang pag asenso at pag unlad. Ito mga tao na ito ay nakatakda na mamuhay sa ibang mundo kaysa sa kanya sa hinaharap. “Umalis na ngayon.”Kinumpas ni Jasper ang kanyang kamay at umalis sa kwarto kasama si John. Sa hotel lobby, tinanong ni Jasper si John, “Kailangan mo ba ako na maghanap ng tao para magtanong tungkol sa iyong loan kerfuffle?”Agad sumagot si John, “Hindi na kailangan. Mahirap lamang noon dahil binabantayan ako ni Hugh. Ngayon na siya ay natalo na, malaki na ang aking chansa na makatakas dito. Ilang taon na ako n
“Pinaplano mo ba na pumasok sa entertainment industry?” Tinanong ni Wendy dahil siya ay listo at nararamdaman niya ang intensyon ni Jasper. Bilang sa huling pangungusap, agad itong hindi pinansin ni Wendy. Sanay na siya sa lalakeng ito na bigla nagsasabi ng walang kwentang bagay, kaya tatratuhin niya na lang na hindi narinig ito. “Malaki ang potensyal ng entertainment industry,” sabi ni Jasper. Nang makita niya na may gusto sabihin si Wendy at pinigilan ang sarili, tinanong niya ito, “Hindi ka ba sumasang ayon sa akin?” Umupo si Wendy at sinabi, “Hi, lagi ko susuportahan ang iyong mga desisyon. Subalit, nag aalala lang ako na masyadong marami ang nakahain sa atin. Sa kabilang banda, nasa investment si JW Capital, sa kabila, nasa real estate naman tayo. Hindi ba masyado na tayo maraming pinapasok kung pati din entertainment industry ay papasukin natin?”Ang mga pag aalala ni Wendy ay nasa lugar. Ang iba sa mga kumpanya ay umuunlad sa isang industriya lamang at nahihirapan ng maka