Share

Chapter 83

NAGULAT pa si Sahara nang pagkatapos niyang maligo ay nadatnan niya si Ricky na nakatayo sa harap ng pinto ng banyo. He was still wearing his typical office attire, wearing that usual dreamy smile. Alas sais pa lamang ng gabi kaya naman hindi niya inaasahan ang maagang pagdating nito sa kanyang condominium unit, lalo pa’t halos isang linggo na itong hindi nagpapakita roon.

“Can I invite my girl to a romantic dinner?”

Kumunot ang noo niya. Nilampasan niya si Ricky at humarap sa vanity mirror. “Ano’ng okasyon?” mahina pero matigas niyang tanong.

Sa halip na mainis ay napangiti si Ricky. Mabilis itong lumakad palapit sa kanyang likuran. Agad nitong hinapit ang kanyang baywang at inamuy-amoy ang kanyang leeg. “Walang okasyon. I just missed you.”

“Paano’ng hindi mo ‘ko mami-miss, halos isang linggo kang hindi nagpakita. Kahit sa office, wala ka man lang pasabi.”

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status