Share

Kabanata 2

Kabanata 2

LALO lang yatang sumakit ang ulo ni Astrid dahil sa sobrang pagkawindang. Akalain ba naman kasi niyang pagkalipas ng pitong taong naglaho ang magaling niyang ex, kapitan na pala ito ng barko? At kung siniswerte siya, ng mismong barko pang gagamitin para sa Sailing With Destiny nilang pelikula!

Napaypayan niya ang sarili habang pabalik-balik ang lakad. Naroon siya sa kanyang sariling silid kasama ang manager nila ni Crude. Sinamahan siya nito dahil mukhang alam nang magkakaganito siya ngayon dala ng pagkagulat.

"This is not happening." She breathed out loudly. "This is so not happening."

Ang kanyang manager ay napailing saka nito nilapag ang tasa ng tsaa. Tita Pat is a bit strict when they're on the job but she is the closest to a mother Astrid had for years after losing her mom. Kabisado na siya nito kaya ito na mismo ang kumumbinsi kay Crude na sumama muna sa direktor at ibang staff nang hindi siya mahalata ni Crude.

"Kumalma ka nga, Astrid? Huwag mo na lang pansinin kung lumapit."

Napahinto siya at hindi makapaniwalang narinig niya ang ganoon kawalang kwentang suhestiyon sa mismong taong nakakaalam kung anong hirap at sakit ang pinagdaanan niya noon dahil kay Croft.

She was in hell for several years! How could she act like that asshole didn't break her heart and left her without a word? Pagkatapos niyang igapang ang pag-aaral nito? 

Ayaw niyang manumbat o magbilang ng naitulong, ngunit tuwing naiisip niya ang mga panahong nakakatulog na lamang siya sa sobrang pag-iyak, sumisiklab ang galit niya para kay Croft.

"Tita Pat, you know it's not that easy. That man is—"

"Your ex." Wala man lamang ganang putol nito bago bumuntong hininga. "That's the thing. Ex. Past. So bakit mahirap? You know it will only be hard to ignore someone you used to love when you never really stopped loving the person." Naging makahulugan ang tingin nito sa kanya. "Are you still into Croft?"

"Of course not!" Her heart raised. Bakit nagwawala ang puso niya? Hindi naman siya nagsisinungaling para kabahan hindi ba?

Matipid na kumurba ang mga labi ni Tita Pat saka ito bumalik sa pag-inom ng tsaa habang may tinitignan sa ipad nito. "Exactly so there's nothing to worry about, right?"

Astrid sighed and clutched her fingers on her long chestnut brown hair with a few silver gray highlights. "Did you know he's the captain?"

"No." Matipid nitong sagot na hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin. "I just found out last night."

"Last night?!" She frustratingly clenched her fists. "Last night mo pa alam, Tita Pat and you didn't tell me?!"

"Didn't tell you what?"

Nahinto ang pag-aalburoto ni Astrid nang bumukas ang pinto ng kanyang silid at nagtatakang pumasok si Crude. He's already wearing his blue Hawaiian polo and gray board shorts. Nakasukbit din ang sunglasses nito sa mismong dogtag na suot.

Astrid cleared her throat and forced a slight smile. "Nothing, babe."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Crude. Bahagyang nakaawang ang mamula-mula nitong mga labi at ang mga mata ay tila nagmamasid sa kanyang kilos.

"Nothing. Huh." Lumipat ang tingin nito sa kanilang manager. "Bakit mainit ang ulo nito, Tita? May hindi na naman ba nabitbit sa wardrobe niya?"

Gustong magpakawala ng malalim na hininga ni Astrid nang lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. She's saved. Thanks to her bad history of temper issues whenever her wardrobe isn't complete. Although she has a stylist and a make up artist, madalas siyang nakikialam sa isusuot niya. Lahat ng mga damit na sinusuot niya sa anumang show o pelikula, kanya.

"That's right. I uh, I didn't see my plum dress. The one you bought for me when we were in France?" 

Bahagya itong ngumuso at tila nag-isip. Mayamaya ay umaliwalas ang mukha at kinurot ang kanyang baba habang nakangisi. "Baby you left that dress in my condo."

Nagkunwari siyang nalimutan ang tungkol doon. "I did? Kailan?"

"Last week after we attended Triq's party?"

"Oh my. Tita sorry." She looked at their manager. Mabuti na lamang at marunong din itong sumakay sa eksena.

Tita Pat sighed. "Ewan ko sa iyo, Astrid. Kung hindi lang kita paboritong alaga."

"So siya lang? Bakit ako pinapagalitan palagi?" Pabirong reklamo ni Crude.

"Dahil masyado kang makulit, Crude Andrade. Sinabihan na kitang bawas-bawasan ang pagmomotocross, hindi ka nakikinig." Umangat ang tingin ni Tita Pat kay Crude. "Kung mabangas ang mukha mo o mabali ang buto mo paano ang career mo?"

"Wala ka talagang bilib sa akin. I'm too good at doing stuff I like." Makahulugan itong tumingin sa kanya at sandaling binasa ang ibabang labi. "'Di ba no, babe?"

Natawa na lamang si Astrid. Yumakap siya sa kanyang nobyo at ka-loveteam saka niya pinakawalan nang tuluyan ang bigat ng dibdib na namuo sa kanyang dibdib.

Tama si Tita Pat. Kung wala na talaga siyang nadarama para kay Croft, hindi niya kailangang maapektuhan sa presensya nito. Besides, Crude will surely stay by her side twenty four seven. Wala siyang dapat ipag-alala.

Wala, hindi ba?

"Let's go to the pool. The whole team is waiting for you. Oh wait, muntik ko nang makalimutang masakit ang ulo mo but here." May dinukot itong tablets ng gamot. "Got you some meds for your headache."

Ngumiti siya rito at humalik muna sa pisngi bago tinanggap ang gamot at nagtungo sa mini fridge upang kumuha ng bottled water. Kailangang-kailangan niya ang gamot na ito lalo ngayon. Hindi na lang dala ng puyat at kaunting hangover ang cause ng sakit ng ulo niya kung hindi ang sitwasyon nila sa barko.

Kung bakit naman kasi sa dami ng pwedeng maging kapitan ay si Croft pa? Sa pagkakatanda niya ay hindi naman ito sa Atlantis Cruiseline nagtatrabaho. He applied for Lumiriana but, oh well. She almost forgot. Pitong taon na nga pala. Who knows right? Maraming pwedeng mangyari sa pitong taon.

He could have quit from Lumiriana kaya lumipat ng Atlantis.

He could have girlfriends after he left her.

He could be married to someone else by now.

Napapikit si Astrid. At bakit niya naiisip ang huling dalawang tanong? Hindi siya bitter, hindi ba? She already moved on at masaya siya sa karelasyon niya ngayon so saan nanggaling ang mga ganoong klaseng tanong?

She sighed silently and took the meds before she opened the bottle to drink. Nang makainom nang kaunti ay muling nagsalita si Crude kaya napaharap siyang muli sa direksyon nito.

"Good thing I was able to ask the management of the ship for meds. Tsaka ito rin. When the captain heard me asking for the meds, he went to me and gave me this. Mawawala raw ang sakit ng ulo mo dito."

Halos mabuga ni Astrid ang tubig sa bibig. Ang kanyang puso ay muli na namang nagwala habang ang kanyang mga mata ay bahagyang lumaki dahil sa narinig.

"T—The Captain?"

Crude nodded. "Yeah." Tinignan nito ng maliit na boteng hawak habang bahagyang magkasalubong ang noo. "I think it's some kind of oil."

Napalunok si Astrid nang makita ang pamilyar na essence oil. Bigla siyang napabalik sa nakaraan noong mga panahong kasama niya pa si Croft sa maliit nilang apartment sa may Pasay.

Her headaches can't be easily mended by meds so Croft always makes sure they always have that oil wherever they go. Napapawi kasi nito ang sakit ng kanyang ulo. Ito rin mismo ang nagmamasahe ng sintido niya habang nakasandal siya sa dibdib nito. 

He would peck gentle kisses on her hair, too while he's giving her head a massage. Bago siya pinaiinom ng gamot, nilulutuan pa muna siya ng paborito niyang salmon soup.

Alagang-alaga siya nito noon at punong-puno sila ng pangarap para sa kinabukasan nilang dalawa. They had a great relationship so she doesn't understand where it all went wrong. Bakit nagwakas? Bakit hindi siya binalikan?

Bakit?

Hindi alam ni Astrid kung bakit ngunit bahagyang kumirot ang kanyang puso. Ni hindi niya namalayang natulala na siya at kung hindi pa niya nadama ang marahang pagpiga ni Crude sa kanyang siko, hindi pa siya magbabalik sa wisyo.

Nang tignan niya ang mga mata ni Crude, bakas na rito ang matinding pagtataka. Ang mga kilay nito ay halos magtagpo at ang ekspresyon nito ay puno ng pangamba.

"Why are you crying?"

"Huh?" Bigla siyang napahawak sa kanyang pisngi. Doon lamang niya napansing pumatak na pala ang mga luha na hindi niya inasahang para pa rin kay Croft.

She cursed in her head. Napayakap siya kay Crude habang tahimik na pinakakawalan ang bigat na namuo sa kanyang dibdib.

"If you don't feel okay, it's fine, Astrid. We can just stay here until you feel better." Crude offered in a concerned tone.

Tinango na lamang niya ang kanyang ulo at mahinang suminghot. Maybe she really needs to take a rest so she won't get too emotional. Lumabas tuloy ang mga luha na hindi pa pala naubos at tanging para sa gago niyang ex.

"Excuse me, Ma'am, Sir."

Nabaling ang tingin nila ni Crude sa pinto nang madinig ang room boy. Sumenyas ito na ipapasok na ang daang tray kaya nang bigyan ni Crude ng permiso, dinala ng room boy ang tray sa mesa.

"Nag-order ka pala, babe?" Tanong ni Crude bago binuksan ang takip ngunit nang makita iyon ni Astrid, nanlamig ang kanyang palad at hindi niya naiwasang mapalunok.

"H—Hindi ako nag-order niyan."

Nalukot ang noo ni Crude. "Eh kanino galing 'tong salmon soup?"

Umayos ng tindig ang room boy habang hawak ang tray. "Courtesy of the Captain himself, Captain Croft Guevarra."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status