Share

Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky
Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky
Author: LadyAva16

Prologue

"Si Hunter Sandoval, apo ."

Awtomatikong akong napalingon  kay Lola Valeria pagkarinig ko sa pangalang binanggit niya. Tinatanong ko kasi siya kung sino ang nakabili ng katabing lupa na may pinapatayong building sa tabi ng maliit naming tinadahan. 

Galing akong ibang bansa at kakabalik ko lang. Ilang taon din akong namalagi doon kaya nagulat ako sa mga pagbabago dito sa lugar namin. Kami lang dati ang nag-iisang bahay na may tindahan ang nagtitinda dito sa tabing kalsada. Kami lang din ang may maliit na kainan. Pero ngayon ang dami nang ka-kompetensya ni Lola. Ilang malalaking tindahan din ang nadaanan ko kanina. May convenience store at 7/11 pa. 

"Kay kinsa, La?" [Kanino, Lola?] Ulit kong tanong. Gusto kong masiguro kong tama ba ang narinig ko. Kasi kung si Hunter nga bakit dito pa? Dito pa  talaga sa tabing pwesto ng Lola ko? 

Hindi man lang ba niya naisip ang mararamdaman ko? Sabagay, sino ba naman ako para isipin niya?

Napangiti si Lola sa akin. Yung tipo ng ngiti na may halong panunukso. 

"Si Hunter gud apo, imong pers love." [Si Hunter apo, yung first love mo.]

Yuck sa first love! Kadire!

"Sukad pagbalik nako diri gikan didtos imoha naa naman na siya diri tig anhian. Murag diria na siya nagpuyo sa ilahang hacienda. Dugay naman na niya napalit ang luna dihas pikas, pero bag-o ra niya gipatukuran pagkahibalo nga mouliay naka diri." [Simula nung bumalik ako dito, palagi na yang nandito. Balita ko dito na yan nakatira sa hacienda nila. Matagal na niyang nabili ang katabing lote pero ngayon nya lang pinagawan ng gusali nung nabalitaan niyang uuwi ka.] 

Ano naman ang kinalaman ng pag-uwi ko sa pagpapagawa niya?

Hindi ko alam pero parang biglang nanikip ang dibdib ko. I shouldn't be feeling this towards him anymore. Our story was done long time before. He is just part of my past. Hindi na ako ang dating Sky na patay na patay sa kanya. 

"Wag mong sabihin na nakakalimutan mo na kung sino ang tinutukoy ko, Apo? Naalala ko dati bukambibig mo si Hunter. Crush na crush mo yun diba kasi gwapong gwapo ka sa kanya. Tsaka sabi mo pa, pangarap mo magkaroon ng boyfriend na kulay asul ang mata. Ano na?  Ilang taon ka na ding single. Balita ko single din si Hunter, baka kayo talaga ang itinadhana."

Hilaw akong ngumiti kay Lola. 

Tadhana. 

There's no such thing as tadhana. Lahat ng mga bagay na nangyayari dito sa mundo ay nakadepende sa choices natin, sa mga desisyon. Hindi pwedeng umasa sa tadhana dahil walang ganun. 

Destiny is not a matter of chance, it's a matter of choice and priorities. You should know your choices, know your priorities, know your goals. That's how destiny works. 

Kung siguro nung kabataan ko paniwalang paniwala ako sa lintek na tadhanang yan, ngayon hindi na. 

"Lalong gumwapo si Hunter ngayon, Apo."

Patago akong umismid. Hindi naman talaga kagwapuhan yun, syempre kaming mga nasa probinsya at minsan lang nakakakita ng lalaking kulay asul ang mata talagang magwa-gwapuhan sa kanya. Pero iba na ngayon.

"Naalala ko dati, unang kita mo sa kanya, para kang nakakita ng artista sa sobrang pagkakilig mo. Na! Labaw na karon, perting gwapoha na man jud sa kinamanghuran ni Senyor Gideon." [Na! Lalo na  ngayon, lalong gumwapo ang bunsong anak ni Senyor Gideon.]

I was young back then, minsan lang ako nakakakita ng gwapo kaya di maiwasang kilig na kilig ako. Pero gaya nga ng sabi ko, noon yun, iba na ngayon. 

"Sigurado ako 'pag nakita mo ulit si Sir Hunter babalik yung pagka-crush mo sa kanya. Naku! Kung kabataan ko lang, sigurado akong isa na ako sa nagkagusto sa batang yun. Hindi lang kasi gwapo, mabait pa."

Mabait? Aling parte ang mabait sa hambog na yun?

"Ikaw ba Sky may crush pa kay Sir Hunter?"

Hindi ako sumagot agad. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ni Lola at kanina pa ito nagtataong. Wala sana akong balak na sagutin siya pero nakatingin ito sa akin hinihintay ang sagot ko. 

"Naalala ko dati tuwang-tuwa ka sa tuwing dumadaan yung sasakyan nila dito."

Pati ba naman yun?

"Kumakaway ka pa nga kahit hindi mo naman alam kung nakikita ka niya."

"Nung kabataan ko pa yun La, iba na ang gusto ko ngayon." Sabat ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Dati lang yun, yung mga panahong wala akong ibang gusto kundi siya lang. Na kahit makita ko lang na dumaan ang sasakyan nila kahit hindi naman ako sigurado na nasa loob siya parang kompleto na ang araw ko. 

Obsessed ba!

Natatawa na lang ako kapag naalala ko ang kahibangan kong yun. Imagine that young probinsyana, crushing on someone, rich, popular, and handsome man? Yung parang sa mga nababasa mo sa pocketbooks? Yung mga love story ng mga mayamang haciendero na umibig sa isang maralita. Na kahit alam mo namang malabong magkatotoo pero naniniwala ka pa rin.

 Gosh! That's so me. My delusional era. 

"Pass na ako sa mga malignong kulay asul ang mata, Lola Val."

"Talaga ba? Akala ko ba  gagawin mo ang lahat para ma-upgrade ang genes natin? Hindi pa nga kayo nagkakilala ng personal suko ka na agad?"

Matagal na akong sumuko, La. Hindi mo lang alam.

"Magandang kombinasyon siguro kapag kayo ni Sir Hunter. Tall, dark and handsome."

Luh! Si Lola feeling begets, maypa tall, dark and handsome pang nalalaman. Kamusta naman ako? Bansot, maputla at di kagandahan? 

"Tsaka yung bukambibig mong kulay asul niyang mga mata paano na lang? Paano ka magkakaroon ng sarili mong bersyon nung blue eyed maligno?"

"Madaming afam na kulay blue ang mata, La. Hindi lang blue, meron ding green at gray, pili ka lang kung ano ang gusto mo kung kulay La, akong bahala." Natatawa kong sabi. 

Hanggang ngayong hindi pa rin pala nakakalimutan ni Lola yung palagi kong bukambibig dati. Ewan ko ba, nagwa-gwapuhan talaga ako sa mga lalaking iba ang kulay ng mata. Feeling ko may kakaiba sa kanila. Crush ko nga din noon ang mga Kuya ko na dating alaga ni Lola, si Kuya Hendrick at Kuya Derick. Gwapo din ang mga yun, kulay gray ang mga mata. 

"Hayaan mo La, sunod na balik ko dito may afam na akong dala. Yung blue eyes na sinasabi ko dati madali na lang hanapin yan ngayon."

Inismiran ako ni Lola. Hindi ko naman napigilan ang sariling matawa. Ganyan palagi ang reaksyon niya kapag sinasagot ko siya ng ganito. 

"Ilang beses ko na narinig sayo yan Sky pero hanggang ngayon wala pa rin. Akala ko ba mag-aasawa ka na doon sa amerika? Yang afam-afam mo na yan ilang beses mo na ring sinabi na magdadala ka pag-uwi mo pero hanggang ngayon zero balance ka pa rin.  Akala ko pa naman, apo na sa tuhod ang dala mo pag-uwi dito eh. O baka naman rason mo lang yan dahil hanggang ngayon, umaasa ka pa rin na mapansin ni Hunter?"

"Of course not, Lola!"

Bakit naman ako aasa sa wala. 

Gusto kong magpaliwanag kay Lola kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong asawa kahit malapit ng lumagpas ang edad ko sa kalendaryo pero ayoko naman magtunog defensive. Isa pa naniniwala ako na ang pag-aasawa ay hindi minamadali. 

Ayoko nang magkamali ulit.

"Past is past, Lola. Wala na akong gusto doon. Expired na."

"Da! Ayha rako motoo ug naa nakay laing uyab. [Nah! Saka na ako maniniwala kapag may nadala ka nang kasintahan dito."

"Tama na sigeg topic anang mga di angay e-topic La uy. Madagma niya tong amaw." [Wag na nating pag-usapan yung mga hindi dapat pinag-uusapan La.]

"Nga pala may mga pasalubong ako sayo, Lola Val. Teka, andito." Kinuha ko ang isang luggage na puno ng regalo para kay Lola pero tiningnan niya lang ito. 

"Mga paborito mo lahat yan, La. At yan ang sigurado akong hindi expired." 

"Expired! Wag mo ibahin ang usapan, Harriet Sky. Hindi ako naniniwala sayong wala ka nang gusto kay Hunter . Kung makaiwas ka sobrang halata. Tsaka hanggat wala kang dalang asawa dito iisipin ko na hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa kanya."

Over my dead body Lola Val!

" Tsaka naalaka ko, sabi mo dati kung di man lang si Hunter ang mapapangasawa mo, magpaka tandang dalaga ka na lang. Akala ko nga biro mo lang yun eh, pero ngayon parang gusto ko nang maniwala."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Did I say that? Wala akong maalala na sinabi ko yan dati ah. Imbento 'to si Lola Valeria. 

"Kahinumdom pa ko atong perting hilak nimo. Ana pa ka ipalumay nimo si Hunter arun mauyab nimo." [Naalala ko pa yung araw na sobrang iyak mo. Sabi mo pa ipapagayuma mo nalang si Hunter para mapapasayo.]

Gayuma?

Kung meron mang mga black magic na ganyan baka kulam kamo. 

"Pero diba apo, sabi mo magkikita kayo ni Hunter nung araw bago ako operahan? Anong nangyari? Nagkita ba kayo? Nag-usap ba kayo? Hindi mo na naikwento sa akin hanggang sa umalis ka na lang para magtrabaho sa Manila." 

Malungkot akong tumingin kay Lola. Hindi ko na nga nagawang magkwento dahil sobrang bilis ng mga pangyayari nung mga araw na yun. Sa sobrang bilis nagsimula, hindi ko na rin namalayan na ganun lang din kabilis natapos. 

"Maiba apo, madalas na tumatambay si Hunter dito sa tindahan. Baka magulat ka, mamaya konti andito na yun."

Sasagot na sana ako kay Lola pero natigil ako nang biglang  may nagsalita sa aking likuran. 

"Hi Lola Valeria, I brought some fruits for you."

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kahit nakatalikod ako kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun.

"Who's that car outside, La?  You have visitor?"

"Oh, Apo nandito ka pala. Kakabanggit ko lang sayo sa apo ko eh. Sakto ang dating mo kararating lang din ng nag-iisang apo ko. Yung sinasabi ko sayong apo kong maganda, si Sky. Halika Sky, ipapakilala kita kay Sir Hunter."

Hindi pa man nakagalaw nahila na ako ni Lola at pinaharap sa kanya.

"Ito yung apo ko na sinasabi ko sayong nasa Amerika. Single pa itong apo ko."

Mula sa may pintuan ay pumasok ang lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan.  Matangos ang ilong, natural na mamula mula ang mga labi, nakadepina ang mga panga pero magkasubong ang makakapal nitong kilay.  Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at maong na pantalon. Malinis ang gupit ng buhok at mukhang amoy Johnsons baby powder. 

Kaigat nimo Sky! Huna-hunaa suko ka niya! [Ang landi mo Sky! Remember galit ka sa kanya!]

Buhat nito ang isang basket at kahit hindi ko pa alam kung anong prutas yun, amoy pa lang alam ko na, durian. Ang paborito kong prutas.

Wala akong nakitang reaksyon mula sa kanya. Gaya ng dati, pormal at masungit ang anyo ng mukha nito pero nang mabaling ang tingin niya kay Lola Valeria agad itong ngumiti.

"Hunter Apo, si Sky pala yung dalaga ko. Kakarating lang niya galing ibang bansa." Pakilala ni Lola sa akin pero nanatiling pormal ang mukha nito. 

"Sky, ikaw muna bahala kay Sir Hunter ha, may kukunin lang ako saglit sa kusina."

Gusto kong pigilan si Lola pero pinanlakihan niya ako ng mata.

"Hunter apo, dito ka muna ha? Kukunin ko lang yung bagong luto kong puto maya at sikwate. Magmemeryenda kayo ng Sky ko."

"La," Tawag ko sa kanya pero tumingin lang si Lola sa akin na may halong panunukso. "Ako na ang kukuha sa kusina, La. Kausapin niyo na lang po ang bisita niyo."I said emphasizing the last word. 

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa akin. Kasabay nun ang pag-nagat din ng isang sulok ng labi niya pero masungit ko din siyang tiningnan. 

"Kilala mo pa naman si Sir Hunter apo diba? Siguro naman hindi mo pa rin nakakalimutan ang-"

"La!" Mabilis kong putol sa kanya at tatalikod na sana pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko nagsalita na ang lalaki. 

"It's okay Lola Val, don't bother. I'm not staying. I just dropped by to give YOU these fruits."

YOU mo mukha mo! Kung ipagdiinan nito ang salitang you akala niya naman gusto ko rin kainin yung prutas niya!

Humakbang ito palapit sa amin. Sinadya niya pang dumaan sa tabi ko para ilagay ang mga prutas na dala niya. Pwede naman doon sa kabilang side sya dadaan pero sa kinatatayuan ko pa talaga. 

At hindi man lang nahiya, dinikit pa ang katawan sa akin. Naamoy ko ang mabangong pabango niya sa sobrang lapit niya. Naramdaman ko pa ang matigas niyang dibdib. 

Talagang nanadya! 

"Excuse me, Miss."

Tinaasan ko siya ng kilay pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin na parang wala siyang kasalanan sa akin. 

Na parang hindi niya ako kilala. 

Na parang hindi niya ako sinaktan.

"I'm leaving, Lola Val. I'll come back next time." 

Na parang wala siyang kasalanan.

"You're blocking my way, Miss."

Ang kapal!

Akala mo kung sinong umasta. Akala mo kung sinong gwapo. 

"Move."

Thick faced!

I want to punch his face but my body betrayed me. I stepped back.

He moved past me but before that I saw him smirked. 

What the hell? 

Nakita ko pa ang matamis niyang ngiti para kay Lola Valeria. 

Bubulyawan ko pa sana siya pero bago ko pa magawa yun naglakad na ito palapit kay Lola. Kinuha niya ang kamay ni Lola Valeria at nagmano ito pagkatapos may binulong. 

Ano kayang binulong ng kumag na yun?

"Got to go granny. I miss you."

And just like that he left without even throwing a glance at me. 

Like he didn't know me. 

Like he didn't hurt me.

At all. 

Nothing changed. He is still the same cold and arrogant Hunter Sandoval. 

"Si Hunter yun apo, magkakilala na ba kayo?"

Mapait akong ngumiti kay Lola. Of course Lola. Hindi lang kilala, kilalang kilala. 

That annoying ass, Hunter Cole  Wintle Sandoval is my ex.

Ang ex ko, na ako lang ang nakakaalam. 

___________________________

15-04-2024

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Arceli Galamgam
lady ava Anu po Ang title nung Kay calyx Zachary villegas...un nlang po KC dqu nglababasa.....pls reply....your a good writer madam....
goodnovel comment avatar
Coa Kowa
parinig nalanag dto i miss you hehe
goodnovel comment avatar
Windtouchesthesky
hayst Hindi napansin na may new story na Pala na huli tulog ako ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status