Ngunit ilang segundo na ay hindi niya ‘yon pinutok, ngumisi ang labi niya at nilingon ang nga kasamahan.Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na hindi niya ako kayang patayin, ngunit halos manlaki ang mata ko nang humarang si Nestor sa harapan ko at kasabay no’n ang limang putok ng baril galing sa kasama ni Polaris na halatang ikinagulat niya.Mabilis na gumalaw si Kuya Luke at pinaputukan ang mga bumaril sa amim, sinalo ko naman si Nestor na lumabas ang dugo sa bibig.“N-Nestor,” kinakabahan na sabi ko at hinawakan siya.“N-Nestor!” sigaw ko nang pumipikit pikit na siya.Awtomatikong nanginig ang kamay ko at napaluhod kasabay niya, “S-Sir Kent, m-may silbe pa rin po ako ‘di ba?” nanghihina niyang sabi.“M-Meron! Kaya kumapit ka dadalhin ka namin sa ospital!” malakas na sabi ko, nang mabaril ni Kuya Luke lahat ay natulala si Polaris na pinanonood ako.“Follow me Saji!” malakas na sabi ko at nagmamadali kaming umalis, pagkasakay sa sasakyan ay halos kumarera kami upang madala kaagad s
They prepared a funeral for our dead companions, pumunta naman kami at hindi ko na isinama si Saji dahil hindi niya naman alam ang tungkol sa underground. Pagkatapos no’n ay wala sa sarili ako na palaging nasa kwarto lang, normal naman akong kumakain pero nag-aalala sa akin ang magulang ko. “Kent Axel, Saji’s here,” sabi ni mom pagkasilip sa kwarto ko dahilan para sumunod ako sa kanya pababa. Natanaw ko si Saji na may dalang food at nakangiting kausap si dad, nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay sa harapan nila na ikinagulat ni mom at dad. “K-Kent, ano ka ba—” “Mom, dad, meet my girlfriend.” Ngumiti ako at itinaas ang kamay namin ni Saji na magkahawak, napalunok sila mom at dad. “O-Oh, that was unexpected anak, congratulations!” nakangiting sabi ni mommy kaya ngumiti ako. “Thanks mom,” I said. “You guys should go on a date, have fun and congratulations.” Dad tapped my back as he congratulates me which made me smile. “Aakyat po muna kami, is it okay?” paalam ko, na
“Kent Axel.” Napalingon ako kaagad sa entrance ng locker room at nakita ko si Saji na nakatayo at pinanonood kami. Huminga ako ng malalim, inalis naman ni Polaris ang pagkakahawak sa pisngi ko at magandang ngumiti kay Saji. “Hi, Saji,” bati ni Polaris na iminakunot ng noo ni Saji tsaka siya lumapit. “Anong kailangan mo sa boyfriend ko?” ang masungit na tinig ni Saji ay nagbigay kaba sa akin. “She’s nothing, let’s go love.” Hinawakan ko ang kamay ni Saji at tinangay papaalis doon. “Sino ‘yon?” tanong ni Saji at hinarap ako dahilan para umiling ako bilang sagot. She smirked and looked away as we walked to the classroom, where our professor had an announcement. “Everyone, we have an exchange student from another university. Please welcome, Rosie Cheng.” I froze when the woman who entered was the one who claimed to be Polaris. “Good morning,” said Rosie, smiling beautifully at everyone. The male classmates were immediately captivated, making me look away. I was even more
Dahil doon ay wala akong nagawa kundi hintayin si Saji sa classroom, habang hinihintay siya at naunang pumasok si Rosie na maganda kaagad ang ngiti sa akin.Iniiwas ko kaagad ang tingin sa kanya, tinitigan ko na lamang ang kamay ko na nasa ibabaw ng armchair ko.“You’ve been looking for me right? For a long time? Then why are you avoiding me?” sabi ni Rosie dahilan para blangko ko siyang tignan.“What do you want to happen?” I said calmly, looking away from her in annoyance.“It’s simple,” she teased.“What do you want?” I retorted, looking at her seriously.“You,” Rosie said seriously, smiling, causing my lips to part slightly.“Oh, you look affected. How will Saji feel when she finds out you’re still head over heels for me?” Rosie said with a grin, winking at me, making me grimace.“That’s just your imagination, Rosie. Saji is my girlfriend,” I said directly, taking a deep breath.Moments later, Saji arrived, her eyebrows knitted together when she noticed Rosie facing my direction w
“Tsk, lakasan mo pa!” malakas na sabi ko habang hawak ang kailangan niyang suntukin sa mga palad ko.“Anak ng tinapa naman! Nahihinaan ka pa? Babae ako Kent Axel!” inis na singhal ni Saji at halos ibato sa akin ang punching gloves na suot niya dahilan para pigilan ko matawa.“Kapag hindi ako tumumba hahalikan kita! Bilis na!” sinamaan niya ako ng tingin at halos manlaki ang mata ko nang mabilis siyang sumuntok at tamaan ako sa tagiliran.“Yung palad ko lang sasapakin mo, bakit tagiliran ko? Namemersonal ka ah?” singhal ko dahilan para umirap siya.“Paano ka tutumba kung ‘yan ang sasapakin ko, aminin mo na gusto mo lang ako halikan. Imbyerna ‘tong bading na ‘to,” bulyaw niya na malakas kong ikinatawa.“Ako bading?” “Ako?” turo ko pa sa sarili ko.“Pwe!” napipikon niyang sabi at naupo sa gitna ng boxing ring na ikinatawa ko lalo.“Pawis na pawis ka na,” mahinang sabi ko at inalis ang nasa palad upang abutin ang towel at punasan siya.“Plastic mo,” inis niyang sabi at pumikit nang punas
“Edi agawin mo kung kaya mo, siraulo ka pala e, malandi ka.” Halos awatin ko si Saji nang ihahampas niya sana kay Rosie ang raketa.“Chill, love. Don’t waste your energy on someone not so worth it, let’s go? Let’s have a date.” Hinawakan ko ang kamay ni Saji sa harapan ni Rosie at tinangay siya.Sa cafeteria kami nagtungo, “Nakakapikon ‘yon, babangasan ko ‘yon—““Kalma ka lang,” mahinahon na sabi ko.Dahil doon ay kumain na lang kami, kalaunan ay naging ayos naman ngunit hindi lang maiwasan ni Saji na uminit ang ulo niya kay Rosie.Pagkalipas ng isang linggo ay nagtataka ako nang wala pa rin si Saji e magl-lunch break na. Dahil doon ay sinimulan ko na siya hanapin ngunit natigilan ako nang makita ang nakapalibot na mga estudyante.Nagmadali akong lumapit doon dahil pakiramdam ko nandoon si Saji, hinawi ko ang lahat at doon ko nakita na may sugat sa gilid ng labi si Saji at magulo ang buhok niya habang nakasalampak sa sahig.Natanaw ko naman si Rosie na nakangisi at nakatitig kay Saji.
“Ano!? Ako nga ni hindi ka mahalikan nang kusa! Tapos siya gagawin niya lang ‘yon na para bang normal sa bagay ang humalik ng nobyo ng iba?” nangilid ang luha niya at halatang masama ang loob.“I’m sorry,” mahinang sabi ko at sinubukan siya lapitan.Masama niya akong tinitigan ngunit napansin ko ang hiwa sa gilid ng labi niya na halatang nakuha niya sa malakas na sampal.“H-Huwag mo ‘kong lalapitan—“ sabi niya ngunit wala siyang nagawa nang lapitan ko siya at yakapin.“Saji—“ Napatigil ako sa pagsasalita nang sunod-sunod siyang humikbi sa dibdib ko dahilan para manlumo ako at makonsensya.Hinagod ko ang likod niya upang patahanin siya, “Sorry na, sorry na Saji,” mahinang bulong ko at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.Mas lumakas pa ang iyak niya na parang bata dahilan para yakapin ko siya lalo, pakiramdam ko ay nahahawa ako sa iyak niya.Pakiramdam ko rin ay sobrang sakit ng iyak niya na para bang ang daming pinanggagalingan, “I-I won’t let her do that again, okay?” paninigurado ko.N
[Third Person’s Point Of View.]Saglit nang nakatulog si Saji ngunit agaran siyang nagising nang maramdam niya ang kakaibang presensya na pinasok ang condo niya.Deretso siyang tumingin sa madilim na paligid na para bang nakikita niya kung sino ang namasok sa kanya oras ng hating gabi.“Anong kailangan mo?” mahinahon at kalmado niyang tanong, sa likod no’n ay lumabas si Rosie na maganda ang ngisi.“You were sleeping peacefully that I thought you forgotten about me, my dear cousin..” Hindi umimik si Saji sa sinabi ni Rosie.“I told you not to touch him, Rosie. Hinayaan ko ang gusto ni lolo na maging impostor kita at huwag mong kalilimutan kung saan ka lulugar,” mariing sabi ni Saji na nahihimigan ng pagbabanta.“Well, ang galing mo rin magpanggap na inosente ka. Kahit ako ay muntik mo nang mapaniwala,” natatawang sabi ni Rosie.“Pumayag lang ako dahil sa banta mo, sa susunod na lumampas ka ay hindi ko na papalampasin ang gagawin mo.” Inayos ni Saji ang kumot.“Umalis ka sa harapan ko,