[Third Person’s Point Of View.]Saglit nang nakatulog si Saji ngunit agaran siyang nagising nang maramdam niya ang kakaibang presensya na pinasok ang condo niya.Deretso siyang tumingin sa madilim na paligid na para bang nakikita niya kung sino ang namasok sa kanya oras ng hating gabi.“Anong kailangan mo?” mahinahon at kalmado niyang tanong, sa likod no’n ay lumabas si Rosie na maganda ang ngisi.“You were sleeping peacefully that I thought you forgotten about me, my dear cousin..” Hindi umimik si Saji sa sinabi ni Rosie.“I told you not to touch him, Rosie. Hinayaan ko ang gusto ni lolo na maging impostor kita at huwag mong kalilimutan kung saan ka lulugar,” mariing sabi ni Saji na nahihimigan ng pagbabanta.“Well, ang galing mo rin magpanggap na inosente ka. Kahit ako ay muntik mo nang mapaniwala,” natatawang sabi ni Rosie.“Pumayag lang ako dahil sa banta mo, sa susunod na lumampas ka ay hindi ko na papalampasin ang gagawin mo.” Inayos ni Saji ang kumot.“Umalis ka sa harapan ko,
Salubong ang kilay kong kumakain dahil sa pang-aasar ni Saji, sa isip ko ay kapag siya ang ginantihan ko panigurado buong araw siyang tatahimik.Gantihan ko kaya?Tsk, saka na baka mapikon siya sa akin at palayuin na naman ako sa kanya. Ngumisi ang labi ko nang ma-imagine ko sa isip ang hitsura niya kapag siya ang inasar ko. Ngunit agad akong napatigil nang mapagtanto na ang bilis ng tibok ko habang naiisip ko siyang naiinis sa akin.“Oh? Napatigil ka sa pagkain?” biglang sabi ni Saji dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya at napaubo.Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? P-Parang hindi naman ito nangyayari noon ah?“M-May naisip lang,” nauutal ko pang sabi at tinuloy na ang pagkain.“Hmm, namumula ang tenga mo. Saan naman kaya umabot ang malikot mong isip?” nakangisi niyang sabi at nakakaloko akong tinitigan.“You better stop at teasing me,” banta ko at napapailing na uminom ng tubig.“Hmm, ayaw ko?” sumbat pa niya kaya hindi ko na siya pinansin.Matapos naming kumain ay kumap
Pagkarating sa training room ay mabilis akong sinalubong ni Saji, may takot sa kanyang mata.“A-Anong nangyari? N-Napatay ko ba yung lalake?” kinakabahan niyang sabi kaya ngumiti ako.“Of course not, nawalan lang siya ng malay.” Hinaplos ko ang likod ng ulo niya at sinuri ang mukha niya.“Natapos mo na ba ang 100 kicks mo?” tanong ko, huminga naman siya ng malalim at tumango.“Magbibihis lang ako. Practice your high kicks,” mahinahon na sabi ko at iginiya na siya sa punching bag na sinisipa niya.Sinulyapan niya lang ako kaya naman pumunta na ako sa locker upang magbihis sa training clothes namin. Kalaunan ay tinuruan ko pa siya ng iba’t iba, habang pinanonood ko siya ay tahimik lang ako. Matapos ng training niya ay pagod na pagod siyang naupo sa tabi ko, pinigilan kong ngumiti nang sumandal siya sa balikat ko dahilan para akbayan ko siya at mapasandal siya sa dibdib ko.“Mm, hindi ka naman nag-training pero ang bilis ng tibok ng puso mo?” nagtatakang sabi ni Saji at tiningala ako.
Ngayon ay nasa underground ako habang kaharap ang lalake na nagtangka sa buhay ko, iniimbistigahan namin siya.“Now, tell me saan ang hideout niyo?” sabi ko ngunit nagsalubong ang kilay ko nang sandaling ngumisi ito.“Habang ginugugol mo ang oras mo sa akin ay malaya nilang masasaktan ang isa sa mahalaga sa buhay mo!” malakas na sabi nito at parang baliw na tumawa dahilan para ihampas ko sa mukha niya ang nguso ng baril.“Katatawanan ba sa’yo ang pagkitil ng buhay? Ilan pa ba ang kailangan niyo?!” halos hindi ko mapigilan ang sariling galit dahilan para sigawan siya.Ngunit hindi niya ininda ang may pasang mata at putok na kilay niyang dumudugo.“Sige lang Ultimate Sandoval! Ubusin mo ang oras mo sa akin! Ang babaeng pinoprotektahan mo ang target nila dahil siya ang mahina!” bulyaw niya at nakangiti akong tinitigan.“Kumustahin mo na ang magal mo sa buhay, lalo na ang nobya mo!” Kumuyom ang kamao ko at masama siyang tinitigan.“Sinisigurado kong kapag ginalaw niyo ang babaeng ‘yon ay
“Even if I fall, I won’t let myself be head over heels for you, Kent Axel,” may riing bulong niya sa tenga ko kasabay ng mahigpit niyang kapit sa aking braso.“So even if I will, I won’t admit it to you. Because loving you is a torture,” mahinang sabi niya dahilan para malakas na tumibok ang puso ko at tila ramdam ko ‘yon hanggang sa tenga at ulo ko.“W-Why?” nanlalaki ang mata kong tanong.“I enjoyed it too much,” sa sinabi niya ay awtomatikong nangunot ang noo ko dahil hindi ko maunawaan ang pinararating niya.“H-Hindi ko maintindihan,” sabi ko, para akong tanga na nangangapang intindihin ang hindi naman malalim na klase ng ingles ngunit wala akong maunawaan kahit alam ko ang ibig sabihin ng bawat letra.Ngunit ngumisi ang labi niya at hinawakan ang pisngi ko dahilan para pag-aralan ko ang mukha niya. Hanggang sa natigilan ako at mas mapatitig sa kanya.“Y-You enjoy torture, means you enjoy me?” paghula ko pa sa kanyang palaisipan na sinabi.Ngumisi ang labi niya dahilan para umawan
I was so embarrassed when I made a mess because of what she did. I felt my ears burning, so I hurried to the bathroom.Suddenly, I couldn't look her in the eye. We ate together, and I stayed silent while she tried to hold back her laughter.After a few hours, I started feeling sleepy. I headed to her sofa and watched a movie on Netflix.“Hey, do you have any clothes?” she asked. I pouted and shook my head, not wanting to speak.I almost got up when clothes flew at me one after another. I looked at her in disbelief.“Take a shower,” she instructed.“Mm,” I responded softly and went straight to her bathroom.When I came out, my eyes widened seeing her lying on her bed, fast asleep.I approached and nudged her, but she didn’t respond and just hugged her pillow. So, I covered her with a blanket and let her sleep.THE NEXT DAY...The whole family had just finished discussing what happened underground and the attempt on my life when Ate Mia suddenly pulled me aside where our parents couldn'
[Saji Argelia’s Point Of View]Labis ang pagtataka ko nang sinubukan ko tawagan si Kent Axel ay hindi na siya sumagot, baka kasama ang mga kaibigan.Katatapos ko lang mag-ayos at sobrang huli na ako sa ganap dahilan para mas bilisan ko dahil isang oras na siya mahigit naghihintay.Pagkarating sa bar kung saan ginanap ang party ay napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ang tila mabigat na dumagan sa dibdib ko kahit wala naman.Kaya naman tumikhim ako at kinapa saglit ang dibdib ko na mabilis at ramdam na ramdam ko ang tibok nito.Ngunit pumasok na ako at hinanap na lang si Kent Axel, ngunit nakalahati ko na ang bar ay hindi ko pa rin siya mahanap dahilan para muli ko siyang tawagan.Nang madaanan ang isang kaklase ay tinanong ko ito ngunit mukhang lasing na siya dahil naliliyo na ang mata nito at hindi na alam ang sinasabi.Nasaan na kaya si Kent Axel?Derederetso ko pa rin siyang tinatawagan hanggang sa matigilan ako nang marinig ang tunog ng telepono sa isang VIP room sa bar.Ma
Wala ako sa sariling pumasok sa condo ko, pagkaupo ko sa sofa ay saglit akong natulala matapos matuyo ng luha ko.Huminga ako ng malalim at tumayo upang kumuha ng alak sa ref, dinala ko ‘yon sa center table at tinignan ang sunod-sunod na pagtunog ng telepono ko.Parang hindi totoo, parang hindi nangyari, parang panaginip..Hindi ko maintindihan, g-gusto kong magising sa kung ano mang bangungot ito.Hanggang sa magsimulang manginig ang kamay ko sa galit nang maalala ang natuklasan. Ni hindi ko man lang nai-abot ang regalo sa celebrant. Naiwan na lang sa kwarto na ‘yon.Binuksan ko ang alak at tinungga ‘yon, umaasa na baka kapag nalasing ako ay magawa kong makalimutan ‘yon.Sadyang hindi ko matanggap, dahil buong akala ko ay maayos na ang lahat— napahinto ako nang bumukas ang condo ko.Natigilan ako nang makita si Kuya Luke na humahangos at nilapitan ako, ngunit sunod-sunod akong humikbi sa dibdib niya at malakas na umiyak.“K-Kuya,” malakas na tawag ko sa kanya ngunit hindi ko magawang