Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko namalayan ang ginawa niyang paghila sa'kin. Basta ang alam ko lang ay nasa loob na ako ng sasakyan niya ngayon. Hindi ako makatingin sa kanya. Nasa labas lamang nakatuon ang aking atensyon. Tinatahak namin ngayon ang madilim na kalsada. May pag-ambon sa labas dahilan para magkaroon ng mga butil ang bintana. Hindi ko alam kung bakit pero muli na naman akong nakaramdam nang pagkailang. Yung tipong natatakot ako sa mga ikikilos ko sa kanyang harapan. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Bakit na sa bar ka? It's already 8, gabing gabi na para sa katulad mo." Pinasadahan ako nito ng tingin. Dahilan para mapalunok ako.
"S-Sir, pangit po yata kung umaga ako pupunta," sagot ko.
Halos mapangiwi ito at maya maya lang ay muli akong tinignan. Kahit na nasa labas ang aking atensyon ay ramdam ko pa rin ang kanyang pagkunot.
"Wag mo'kong sinasagot
Halos mandilim ang paningin ko nang makita ang paglisan ni Jacob. Agad siyang sinakay sa sasakyan at ang nakakainis pa ay hinabilin lang niya ako sa kaibigan niyang si Marcus. Hindi man lang ako sinabay. Matapos ko siyang alagaan? Gano'n lang igaganti niya? Pwe.Dumagdag pa sa pagkairita ko ay yung pagkakalingkis sa katawan ni Rebecca. Itong higad na 'to. Mukhang kulang na naman sa kamot."Nay, maraming salamat po pala ulit sa pagpapatuloy niyo," ani ko bago yumuko.Napayakap ako sa aking sarili. Papaangat pa lang ang araw at medyo malamig pa rin sa balat ang simoy ng hangin."Wala 'yon, buti na lang at hindi kayo napano nung mga mangangaso. Hayaan mo, iho, itatawag ko yun sa itaas para maaksyunan kaagad. Nang hindi kayo naiistorbo sa camping niyo," sagot nito."Maraming salamat po ulit."Tuluyan kaming nagpaalam kay nanay. Gusto ko pa sana magstay para makilala ang
Maingay. Masyadong maingay. Halos dumagundong ang silid dahil sa tugtog. Masyado ring madilim at ang tanging liwanag lang na makikita mo ay ang ilaw sa dance floor.Pagpasok namin ni Aileen sa bar ay ito agad ang bumungad sa amin. Pamilyar ang mga taong nasa loob. Mga kaibigan at kakilala ni Cyril at Nicko.Pagsara ng pintuan ay siyang pag-iwas ko sa papalapit na kutsilyo. Tanging ulo ko lamang ang ginalaw ko para maiwasan 'yon. Pagbaling ko sa kanan ay agad na bumungad sa akin ang nakangisi kong kapatid."Bitch, akala ko matatamaan ka na. Akalain mong hindi ka kinakalawang?" Natawa ito sa tanong niya.Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Nice to see you again, my dear Kuya," ani nito."Asan ang kapatid mong best actor ang galawan?" tanong ko nang bumitaw ito sa yakap."Nasa sofa, nagmumukmok," sagot nito at bumaling kay Aileen. "Gosh! Aileeeen!" sigaw ni
Tila ako napako sa madilim na pasilyo. Nasa harapan ako ng isang itim na pinto. Nakauwang na ito at naamoy ko na ang kakaibang amoy na nagdadagdag sa init ng aking katawan.Wala akong magawa dahil nakatitig lamang ako kay Jacob habang nakikipagsigawan siya sa waiter.Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakitang galit. Nakakatakot. Masyado siyang nakakatakot.Napaiktad ako nang dumapo ang kanyang mata sa aking pwesto.Bigla akong nanlamig. Pero tila ba nag-iinit ang aking katawan sa titig na 'yon. Masyado akong kinakabahan pero nananaig sa akin ang mainit na pakiramdam.Nanginig ang aking tuhod nang mabilis itong nagtungo sa aking direksyon. Nakakunot ang noo nito at halos magpantay na ang kilay."Hindi ba't sinabi kong pumasok ka sa loob?" agad na sigaw nito.Hindi ako nakagalaw sa aking kinakatayuan. Masyado akong natakot sa sigaw niyang 'yon.
Pagdilat ng aking mata ay agad na sumilay sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Bahagya akong napapikit dahil sa liwanag na nagmumula sa chandelier na nakasabit do'n.Masyado rin malambot ang kama na hinihigaan ko. Amoy lemon ang kwarto na syang nagbibigay ginhawa sa aking paghinga.Wala akong ideya. Hindi ko alam kung nasaan ako. Feeling ko pagod na pagod ako kahit na kakagaling ko lang sa pagtulog.Akma akong tatayo ngunit agad kong naramdaman ang sakit ng aking pwetan. Napadaing ako do'n at halos kumawala ang isang impit na sigaw sa aking bibig. Ang sakit. Napakasakit.Tinaas ko ang malambot na kumot. Tinignan ko ang aking kabuan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong pareho at hindi nagbago ang aking suot na damit.Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Itim na cabinet na mayroong gintong lining. Itim na pintura na siyang nagpapadilim sa kwarto. May study table at may computer din sa gilid ng kama. Sa kabilang
Pagmulat ng aking mata ay ramdam ko na kaagad ang mabigat na bagay na nakapatong sa aking tyan. Patay ang ilaw. Tanging sinag lang ng araw ang bumubuhay sa loob ng kwarto.Napapikit pa ako ng mariin bago lumingon sa aking gilid. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko ang nakauwang na labi ni Jacob. Napakaamo ng kanyang mukha habang nakapikit. Tila ba isang anghel na hinulog sa lupa. Pero agad nawala ang paghanga ko nang maalal ko ang ginawa niya sa akin kagabi.Nagsimula na naman akong mainis at mairita. Feeling ko ay nababoy ako. Tila ba nandiri ako sa aking sarili. Hinayaan kong maulit ang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Siya ang pumatay kay mama at ate. Kaya hindi ko maatim na naulit ang bagay na 'yon.Agad kong inalis ang kamay ni Jacob sa aking tyan. Nahirapan pa ako dahil sa bigat no'n. Nang tuluyan ko itong maalis ay akma sana akong tatayo ngunit agad akong napahinto nang maramdaman ko na naman an
Sa huling pagkakataon ay napatiim bagang na naman ako.Nandito kami ngayon ni Kyro sa kwarto niya. Tinuturuan ko ulit siya ng mga colors at ilang mga sign languange na makakatulong sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya ulit nakakapagsalita.Masaya naman kami kanina ni Kyro kaso nag-iinit ang dugo ko dahil hindi ako makapagfocus. Bigla kasing may pumasok kanina. Masyadong nanggugulo. Laging siyang sumisingit sa bawat pagsasalita ko."Ok, Kyro, you need to finish this after magtanghalian, ok?" tanong ko habang nakaturo sa isang coloring book.Nakangiti itong tumango sa akin. Napangiti na lang din ako sa kanya dahil napakamasunurin niyang bata."Son, ok lang kahit hindi mo matapos. Take your time, ok?" singit ni Jacob.Nakaupo kaming tatlo sa malambot na kama. Nasa gitna si Kyro, ako ay nasa kanan at si Jacob ay nasa kaliwa.Muli akong napatiimbagang at tiniklop ang babasahin na kanina ko pa ha
Ilang araw na rin ang lumipas. Masyadong napalapit si Kyro sa akin. Ilang araw na rin akong nagmamatyag. Gabi gabi akong naglilibot sa bahay ngunit wala akong mahanap na kahit na anong bagay na makakatulong sa akin.Nakakainis. Iisang bagay pa palang ang hawak ko. Mga larawan na kinuha ko noon sa bar. Pero ok lang naman siguro 'to. Mauunawaan naman siguro ni Panot na nakulong ako sa resthouse ni Jacob.Pero hindi na rin naman magtatagal. Narinig ko kahapon ang usapan nila ni Marcus, kaibigan ni Jacob. Sa pagkakatanda ko ay maaari na kaming makabalik sa Mandaluyong sa sabado. Ayon kasi kay Marcus ay nahuli na nila ang mga nagtangka sa buhay ni Jacob.Kaya naman kapag nakabalik na ako sa Mandaluyong ay sigurado akong makakakuha na ako ng impormasyon. Mabuti na lang at hindi na ako iika-ikang maglakad. Simula kasi nang magpang-abot kami ni Jacob sa pasilyo ay hindi na nasundan ang ginawa namin."Hello?"
Patuloy sa paghikbi si Kyro. Nakayakap ito sa aking bewang habang nakasubsob ang mukh a sa aking tyan. Nabawasan ang kaba ko nang lumabas kanina mula sa kwarto si Jacob.Tuloy tuloy ito at ni hindi nito pinansin ang pagdating ng manananggal na si Rebecca. At dahil mukhang nagkabati na si Rebecca at Jacob ay sinundan ito ni Rebecca sa baba."You see? Nawala lang ako saglit you ruined my hubby na!" singhal nito bago tuluyang lumabas.Inirapan ko na lang ito at tinuon ang atensyon kay Kyro.Hirap na hirap akong pakalmahin si Kyro. Halos hindi siya tumigil sa pag-iyak. Kanina pa nga ako hindi mapakali dahil baka mayroong hika ang batang 'to. Halis hindi kasi ito makahinga dahil patuloy ito sa paghikbi.Hinagod ko ang likuran nito. "W-Wala na si daddy mo. Tumahan ka na. I'm ok naman, oh," ani ko sa kanya.Alam kong napalapit na siya sa akin. Mas close kaming dalawa kesa sa dadd