Share

21

Pagdilat ng aking mata ay agad na sumilay sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Bahagya akong napapikit dahil sa liwanag na nagmumula sa chandelier na nakasabit do'n.

Masyado rin malambot ang kama na hinihigaan ko. Amoy lemon ang kwarto na syang nagbibigay ginhawa sa aking paghinga. 

Wala akong ideya. Hindi ko alam kung nasaan ako. Feeling ko pagod na pagod ako kahit na kakagaling ko lang sa pagtulog.

Akma akong tatayo ngunit agad kong naramdaman ang sakit ng aking pwetan. Napadaing ako do'n at halos kumawala ang isang impit na sigaw sa aking bibig. Ang sakit. Napakasakit. 

Tinaas ko ang malambot na kumot. Tinignan ko ang aking kabuan. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong pareho at hindi nagbago ang aking suot na damit.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Itim na cabinet na mayroong gintong lining. Itim na pintura na siyang nagpapadilim sa kwarto. May study table at may computer din sa gilid ng kama. Sa kabilang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status