A/N
Good day! Sana may nagbabasa pa nitong story ni Jacob at ni Marky (Mel). Kung wala ayos lang din hahaha. Pasensya na kung inuna ko ang Inhumane Punishment. Pero one month po kaming walang pasok kaya asahan niyo na tuloy tuloy na ang update nito next week. Again, pasensya na po sa paghihintay.
*****
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga nangyari kagabi. Siguro nagdudrugs si Jacob. Yung demonyong 'yon hndi na nakuntento sa pangbababae. Talagang sinulit na ang pagiging demonyo.
Pagbaling ko sa aking gilid ay nakapikit pa rin si Kyro. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako pinuyat kagabi sa kakaiyak niya. Sigurado akong hindi ito bababa ngayon dahil sa nangyari kahapon. Kaya naman dahan dahan akong bumangon. Isa pa ayokong makita yung maid na yon kaya ako na lang ang kukuha sa baba ng pagkain naming dalawa.
Baka tuluyan kong mapuruhan yung salaulang maid na 'yon kap
Sa lahat ng misyon na tinanggap ko ay ito na yata ang pinakamahirap. Inabot ako ng ilang araw para lamang makakuha ng walang kwentang file.Hindi pa kasama diyan yung mga napagdaanan ko sa teritoryo ng demonyong yon. Sa totoo lang, nahihirapan na ako. Alam kong hindi ako pwedeng ma-attach pero hindi nakikipag cooperate ang puso ko. Masyado nang napamahal sa akin si Kyro. At aminin ko man sa hindi ay nakaapekto yon sa misyon ko. Pero ngayong tanaw ko na ang siyudad ay paniguradong mapapabilis na lang ito. Pwede ko nang ituon sa iba ang atensyon ko. At higit sa lahat ay maaari na akong makapasok sa mansyon nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napupuntahan."Good night, teacher. Alam kong napagod ka. Sorry sa mga nagawa ko. For the stress and tears. So for now, take a rest."Isa pa yang demonyong yan. Ayaw na lang bumalik sa pangbababae para makagalaw ako ng maayos. Ayaw pa makipagchukchakan kay Rebecca para hindi ako n
"Asan ba daddy mo?" tanong ko kay Kyro.Nahampas ko ang noo ko dahil nakalimutan kong hindi na pala ulit ito nakakapagsalita. Buti na lang at tumuro ito sa itaas."Ikaw na lang ang mauna, Ky. Susundan ka na lang ni Teacher," ani ko.Umakyat kami sa itaas. Nagtataka talaga ako kung bakit parehong pareho ang disenyo ng bahay namin sa bahay nila. Hindi ba pwedeng makasuhan ang isa sa amin ng Plagiarism? Kahit saang parte ay parehong pareho.Huminto kami sa dulong pinto. Kulay itim ito at halos matawa ako dahil sigurado akong pareho rin ang disenyo non sa loob."Gising na ba si Daddy mo?" tanong ko Kyro bago siya buhatin.Umiling ito dahilan para magtaka ako. Anong oras na ba? Mag-aalasyete na, ah. Sa pagkakatanda ko ay kanina pa dapat nakaalis ang isang to. Sa resthouse kasi ay maagang umaalis ang demonyong iyon."Kumain ka na ba?" tanong kong muli.
Sabi noon ni Mama na kapag may mga taong masama ay hindi raw naging mabuti sa kanila ang mundo. Pero paano naman yung mga taong naging mabuti kahit na masama sa kanila ang mundo?Doon ko lang napagtanto na choice ng isang tao ang gagawin niya sa mundo. Lahat ng tao ay may pagpipilian. Pero hindi lahat ay pare-pareho ng choices. Kaya ang ending, hindi magkakapareho ang lahat ng tao. May masama dahil wala na silang ibang choice kung hindi ang maging masama. May mga mabubuti dahil may choice silang maging mabuti.At ngayon? Ang choice ko ay ang isantabi ang pansariling paghihiganti. Hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil sa iyon ang mas makakabuti sa misyon ko."Edi, hindi mo muna titignan?" tanong ni Cyril."Eh, di ba sabi niyo kapag magkakasama na tayong tatlo? Anong sabi ni Nicko?" tanong ko bago umupo sa harap ng hapagkainan."Bitch, may mall show nga si Nicko. We already told you last t
Natawa ako sa mga nakikita ko. Nagmistula kasi akong si sleeping beauty sa mga nasasaksihan ko, pero hindi katulad ng bida ay nakahiga ako sa isang sofa. Nakatapat pa sa gawi ko ang sinag ng araw na tila ba nagsisilbing isang spotlight. At halos matawa ako dahil nakita ko si Jacob at Kyro pababa sa hagdan, papalapit sa pwesto ko.Pareho silang nakapang prinsipe na damit na bagay na bagay sa kanilang mag-ama. Dahan dahan silang pumunta sa pwesto ko. Napapalakpak si Kyro at nanlaki ang mata ko nang yumuko si Jacob para halikan ako.Agad akong napabangon. Napahawak sa aking dibdib at napahinga ako ng malalim. Mahina pa akong napatawa. Bwisit na 'yan! Pati ba naman sa panaginip?Nagtaka ako nang maramdaman na wala ako sa kama. Doon ko lang naalala na nakatulog pala ako sa tabi ng demonyong 'yon.Napahawak ako sa aking likuran. Sumakit tuloy likod ko dahil sa pinagkasya ko ang sarili sa sofa. Hindi kaya m
Masyadong madaya ang tadhana sa isang katulad ko. Paghihiganti ang gusto ko pero bakit ako bibigyan ng lalaking mamahalin ako? Letse.Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tila ba umurong lahat ng plano ko para pabagsakin siya. Makita ko pa lang na umiiyak si Kyro ay nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag napatay ko ang daddy niya?"I'm really confused, Mel. Please, bigyan mo ako ng oras to figure this out. Letse naman!" panggagaya ni Cyril sa sinabi kahapon ni Jacob. Napalunok ako nang bigla siyang tumawag kanina pagkagising ko."Ikaw na mismo ang sumusuway sa batas, Kuya! What if malaman 'to ni Panot? Ano na lang ang gagawin mo? Last mission mo na 'to, Kuya! Ngayon ka pa ba papalpak?" tanong niya na nagpakaba sa akin.Halos lahat ng sinabi niya ay may punto. Halos lahat ay sumakto sa puso ko. Halos lahat ay nagpapabaliw sa akin."Hindi ako papalpak, Cyril. Gagawin ko
"Tama na 'yan, Marky," ani Aileen pagdating niya.Inirapan ko lang ito at muling nilagok ang baso na may lamang tequilla. Napabuntong hininga lang ako at kumuha ulit ako ng isa. Inikot ikot iyon iyon habang pinagmamasdan. Kita ko kung paano umikot ang gintong likido. Katulad nang pag-ikot ng mundo ko matapos kon tanggapin ang misyon na 'to. "Nasaan si Lucio? Si Nicko?" takang tanong ko sa kaniya.Narito ako sa bar kung saan ginanap ang pagdiriwang sa show ni Nicko noon. Tinawagan ko silang dalawa at sinabing pumunta para ipagdiwang ang pagiging marupok ng kanilang kapatid.Umupo si Aileen sa tabing sofa na kinauupuan ko. "Paparating na sila," sagot nito. Kinuha niya ang tequilla na sana ay iinumin ko. "Akin na 'yan. Ako naman! At mukhang kanina mo pa winawarshock yung baso."Inirapan ko siya at dinuro. "Kapag nagalit sakin si Kyle ika
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang mga 'to. Ang demonyong si Jacob ay naging anghel. Imagined, araw-araw akong nakangiti. Sa tatlong araw na lumipas ay tanging kasiyahan lang ang naramdaman ko."Papasok na 'ko, Mel. Ikaw na muna bahala kay Kyro," aniya bago ako bigyan ng halik sa aking noo.Natulala ako. Isa 'to sa mga ginagawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas pero walang humpay sa pagbibigay kasiyahan ang isang 'to. Masyado akong nahulog. At hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang bangin na huhulugan ko."Mag-ingat ka. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga dahil tatadyakan kita sa leeg kapag ginabi ka," sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako bigyan ng isang flying kiss.Clićhe ba? Para kaming teenager sa isang campus. Punyetang 'to. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong side. Masyado akong nacocornyhan. Kung may cctv man dito ay paniguradong tumatawa na si Cyril.
"Ice cream!" dinig kong magkakasabay na sigaw ng tatlo. Si Cyril, si Nicko at si Kyro. Tuwang tuwa ang dalawang kapatid ko nang ipakilala ko sa kanila si Kyro kanina.Ngayon nga ay natawa pa rin ako nang maalala ko ang mga sinabi kanina ni Cyril."Nako, kung ganito pala ang masasagasaan sa misyon baka umatras na ako. Napakacute!"Matapos kong pumunta sa clinic ay dito ako dumiretso. Nagsabi kasi ako kay Kyro na babawi ako. Pauwi na kasi sila nang makarating ako. Si Marcus naman ay umuwi na rin. Nagmamadali pa nga 'yon at mukhang may emergency na kailangang puntahan."Pandan po tito!" dinig kong sigaw ni Kyro.Kumakain sila ngayon ng ice cream. Nakapaglunch naman na kami rito sa condo ni Nicko. Exclusive raw 'tong condo niya dahil maraming security. Nakakagulat nga at walang media na nasa labas. Tinanong namin siya kung bakit at ang tanging sagot lang niya ay magic daw."Ch