Share

Chapter 3

3

"You're Pixie? "

"Opo mommy, namiss po kita. Saan po ba kayo nagpunta? " Maluha luha niyang sabi.

"Uhm... Pasensya kana kung umalis si Mommy." Iyo lamang ang nasabi ko at hinimas ang buhok niya.

Parang bago sa akin ang ganito ngunit magaan sa pakiramdam.

"Maupo na kayo." Malamig na sabi ni Xavien.

Sinunod ko naman agad siya at inalalayan sa tabi ko si Pixie.

Nagsimula na kaming kumain, ipinagsandok ko si Pixie ng kanin at ulam. Mukha ngang namiss niya ako at tuwang tuwa pa siya habang ipinagsasandok ko siya.

"Salamat po mommy." Ngiti niya sa akin. Ang kaninang napansin kong takot sa mga mata niya ay nawala na.

"Kumain ka ng kumain Pixie, ito gulay. Mainam ito sa katawan mo." Sabi ko sa kanya, sabay lagay ng sitaw at kalabasa sa pinggan niya.

"Mommy, hindi po ako kumakain niyan." Simangot niya. Napangiti ako dahil sa cute niyang reaksiyon.

"Ah, pasensya na nakalimutan ko. Pero mas mabuti kung kakain ka ng gulay. Gusto mo bang tikman? Kahit kaunti lang? " Magiliw na sabi ko.

"Sige mommy, pero konti lang po ha? "

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Kumain ka na rin Andrina."

Agad naman akong sumunod at kumain na.

Napansin ko ang pinggan niya.

"Hindi ka rin kumakain ng gulay? "

Napatingin siya sa akin at tinitigan ako.

"Bakit? May problema ba doon? " Matalim siyang nakatingin sa akin.

"Wala, pasensiya na."

"Daddy, tikman mo rin po itong kalabasa oh. Ang sarap po pala." Magiliw na sabi ni Pixie, napangiti naman ako dahil doon.

"Hayan, tama yan Pixie! Kumain ka lamang ng kumain ha? "

"Okay lang po Mommy? Kasi diba sabi mo po, bawasan ko po ang pagkain ko. Ayaw mo pong makita na tumataba ako." Nakatungo niyang sabi.

"Uhm, sinabi ko ba iyon Pixie? Pasensiya kana, hayaan mo na. Simula ngayon pupwede ka ng kumain ng kahit gaano karami basta iyong kaya mong ubusin."

"Opo mommy." Masaya niyang sabi.

Napansin ko namang matalim na nakatitig sa akin si Xavien. Agad naman akong nagtungo ng aking ulo. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain at inasikaso ko na rin si Pixie.

"Mommy? Pwedeng tabi tayo matulog? Miss na miss po kasi kita Mommy."

"Ha? Ah, itanong mo sa daddy mo kung pwede Pixie." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sige anak, tabi kayo matulog ng mommy mo." Napabuntong hiningang sabi ni Xavien.

"Hindi ka tatabi sa amin daddy? " Inosenteng tanong ni Pixie. Kabado naman akong napatingin kay Xavien.

"No anak, may trabaho pang aasikasuhin si Daddy. Sa susunod na lamang, okay? "

"Okay po." Yun lamang ang sinabi ni Pixie at hindi na kinulit ang ama.

Tahimik kaming natapos kumain at nag aya na si Pixie sa kwarto niya.

"Kakausapin ko lamang ang mommy mo anak, umuna kana sa taas. Manang, pakiakyat na ho si Pixie."

Nakatayo lamang ako ngayon sa harap ng hapag , pansin ko namang inintay lamang ni Xavien na umalis si Pixie at manang.

Nang wala na sila sa aming paningin ay agad niya akong nilapitan.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at hinila papalapit sa kanya.

"So, this is your plan huh? " Galit na sabi niya sa akin.

"Aray ko, nasasaktan ako. " Pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Sagutin mo na lamang ako Andrina. Talagang pati ang anak ko ay idadamay mo sa kahayupan mo! Ganyan ka na ba talaga kahayop huh? " Gigil na gigil na sabi niya sa akin at pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa akin. Dama ko rin sa boses niya ang pandidiri.

Mas lalo naman akong naiyak dahil sa takot at sakit.

"Please, tama na." Iyak ko sa kanya.

Pabalibag naman niyang binitiwan ang braso ko.

Mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Lumagitik ang malakas niyang sampal sa pisngi ko.

Dahil sa lakas ng sampal niya ay napasubsob ako sa ibabaw ng lamesa, nalasahan ko rin ang dugo sa loob ng aking bibig.

Wala naman akong ibang magawa kundi ang umiyak dahil sa sakit.

Lumapit naman siya sa akin at hinila ako sa buhok. Iniharap niya ako sa kanya, sumalubong sa akin ang nagbabaga niyang mga mata.

"Napakapeke mo Andrina! Hinding hindi mo na ulit ako maloloko. Sa bawat iyak mo? Itong palad ko ang tatama diyan sa mukha mo. Naiintindihan mo ba huh? Sisiguraduhin kong pagdudusahan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. " Galit na galit na sabi niya.

Pabalibag niya ring binitawan ang buhok ko na siyang dahilan kung bakit ako natumba at tumama ang ulo ko sa kantuhan ng lamesa.

Noon din ay naramdaman ko ang sakit at sobrang pagkahilo.

May narinig pa akong sigaw bago ako tuluyang mawalan ng malay.

FLASHBACK

"Erin! Tumakbo kana, iwan mo na ako rito. Mamamatay tayong pareho kapag hindi ka pa umalis."

"Hindi kita iiwan inay. " Umiiyak na sabi ng dalag.

Sino sila? Bakit nandito ako?

"Umalis kana anak, parang awa mo na." Umiiyak ring sabi ng tinawag niyang inay.

Napasigaw naman ang dalaga dahil may humawak sa kanyang likod.

"Sa tingin niyo ba ay matatakasan ninyo ako? " Nakakapangilabot nitong sabi sa dalaga.

"Iryong, parang awa mo na. Paalisin mo na ang anak ko. Gagawin ko lahat ang gusto mo, huwag mo lamang siyang idamay. Parang awa mo na." Umiiyak na sabi ng may kaedarang babae.

"Wala pa naman akong gagawin sa anak mo Inez. Huwag kang mag alala, pinapahinog ko pa itong anak mo. Marami ang naghihintay sa kanya alam mo ba? " Nakakatakot pa nitong sabi, habang hinihimas ang likod ng dalaga pababa sa pang upo nito.

"Tatay Iryong, pakawalan niyo na po kami ni inay. Parang awa niyo na po." Takot na takot na sabi ng dalaga.

Nakakaawang panoorin ang mag ina. Kahit ako ay natatakot sa aking nakikita.

Nakakulong sa isang kwarto ang kanyang inay samantalang ang dalaga ay gumagawa ng paraan para mabuksan ang pintuan.

"Hindi niyo ako matatakasan Erin, iyan ang itatak mo sa kokote mo. Akin ka lang, akin lamang kayo ng inay mo." Bulong pa nito sa tenga ng dalaga.

Napabalikwas naman ako ng bangon. Nakaramdam ako ng hilo at sakit sa aking ulo.

"Andrina."

"Sino ka? " Naliliyong sabi ko pa.

"Si Dr.Rowan ito. "

"Doktor, sobrang sakit ho ng ulo ko. Tulungan mo ako parang awa mo na..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status