Share

Chapter 4

4

Nagising ako sa parehong kwarto na tinutulugan ko nung mga nakaraan. Dahan dahan akong bumangon.

Kumikirot pa rin ang ulo ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Rinig kong sabi ng doktor.

"Sa tuwing pupunta ka rito, iyan ang itinatanong mo. " Wala sa sariling sabi ko, mukhang nagulat naman siya sa isinagot ko.

"Mukha bang ayos lamang ako? Iniisip ko kung ako ba talaga si Andrina para danasin ko ang ganito. Nabuhay lamang ba ako para pahirapan ng lalaking iyon? " Umiiyak kong wika.

Napabuntong hininga lamang ang doktor at sinuri ako.

"Tulungan mo ako, parang awa mo na..."

"Sa tingin mo? Saan ka pupulutin kapag umalis ka rito? Sa tingin mo ba kapag nakaalis ka ay titigilan kana ni Xavien? " Malamig na turan ng doktor.

"Doktor, anong gusto mong gawin ko? Antayin ang kamatayan ko sa lugar na ito?" Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Paano si Pixie? Paano ang anak mo? " Nakatitig na sabi ni sa akin, noon din ay napatigil ako sa pag iyak at napatingin rin sa kanya.

"Palagi kang hinahanap ng anak mo. " Yun lamang ang sinabi niya at lumabas na.

Anong gagawin ko?

Paano si Pixie? Ayokong makita siyang umiiyak...

Napatigil rin ako sa pag iyak ng maalala ko si Pixie Fleur.

Pinilit kong tumayo upang puntahan ang bata. Kahit may kaunti pang hilo ay tumayo na ako.

Napatingin rin ako sa orasan at alas dyis pa lamang ng gabi. Baka sakaling gising pa si Pixie.

Sinubukan kong buksan ang pintuan at bumukas naman ito. Mabuti naman at inalis na nila ang pagkakalock nito mula sa labas.

Naglakad ako patungo sa kwarto ng bata, nasabi sa akin ni Manang Lucing na, dalawang pinto mula rito sa aking silid ang silid ni Pixie.

Marahan akong naglakad, patay na rin ang ilaw sa paligid kaya iniwasan kong gumawa ng kahit anong tunog.

Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong pumasok.

"Pixie? "

Marahan namang lumingon sa akin ang bata at namumugto ang mga mata nito.

"Bakit umiiyak ka? " lumapit ako rito.

"Mo...mo...mommy! " hikbi nito at niyakap ako.

"Ssshhh, tahan na. Nandito na ako." Hinagod ko ang kanyang likod at pinakalma.

"Akala ko po umalis kana naman. Kanina pa po kitang hinihintay." Humihikbi pa ring sabi niya.

"Hindi na kita iiwan Pixie, pasensya kana at nagtagal si Mommy."

Nanatiling nakayakap sa akin ang bata hanggang sa tuluyan na siyang tumahan.

"Ano pong nangyari sa ulo mo mommy? " nagtatakang tanong niya sa akin.

Napahawak naman ako sa kumikirot kong ulo.

"Ah ito ba? Nadulas kasi ako kanina sa comfort room anak, ginamot ko muna kaya ako nagtagal. Pasensiya kana pinaghintay kita."

"Masakit po ba mommy? " malumanay na sabi niya saakin.

"Hindi naman anak, ayos lamang." Napangiti ako sa kanya. Magaan ang loob ko kay Pixie, pakiramdam ko ay may kailangan akong punan sa kanya.

"Magpahinga na tayo Pixie, maaga kapa bukas dahil may pasok kapa."

"Opo mommy." Nahiga na kami at yumakap siya sa akin. Kinantahan ko na lamang siya at agad kaming nakatulog.

Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay may tumabi sa akin.

Ramdam ko ang haplos ng mainit na kamay sa mukha ko.

Sinubukan kong huwag gumawa ng kahit anong reaksiyon, ngunit mas nangibabaw ang takot ko.

"Huwag mo akong sasaktan, please." Nanginginig na ako ngayon sa takot dahil kay Xavien.

Mukhang nagulat naman siya dahil sa reaksiyon ko.

"Aalis na ako, just rest now Andrina." Nagbalik ang malamig na tingin niya saakin.

Naiiyak naman akong tumango.

Marahan siyang umalis sa tabi ko at lumabas ng kwarto. Nang makaalis siya ay saka lamang ako nakahinga muli ng maluwag.

Hinayaan ko na lamang ang sarili kong hilahin ng antok.

Nagising ako dahil sa pag irit ni Pixie.

"Anak, bakit? " Napabalikwas ako ng bangon.

"You're not my mommy! Who are you?"

Nagulat ako dahil sa galit niya sa akin.

"Who are you?! " Wala akong maisagot sa kanya dahil sa gulat. Ni hindi ko rin nga alam kung sino ako.

"I'm sorry Pixie..."

Lalo lamang siyang nagwala at umiyak.

"Anak please... Kumalma ka." Sinubukan kong lumapit sa kanya.

"No! Hindi ikaw ang mommy ko!"

Umiiyak niyang sabi sa akin.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Xavien.

"What did you do to my daughter?! " Galit na sabi ni Xavien at mabilis na lumapit kay Pixie.

"Daddy! Daddy! " Yumakap ang bata sa kanyang ama.

"Wala akong ginawa... Nagising nalang din ako dahil sa pagsigaw niya." Paliwanag ko kay Xavien kahit na alam kong hindi naman niya ako papaniwalaan.

"She's not my mommy, daddy. " Umiiyak pa rin na sabi ni Pixie.

Natigilan naman si Xavien.

"Bakit anak? Anong ginawa niya sayo? " Malumanay na tanong nito kay Pixie.

"She's not my mommy. " Umiiling na sabi ni Pixie.

Pumasok si Manang Lucing at lumapit sa akin.

Umiiyak na rin ako dahil sa takot na baka may gawin na naman sa akin si Xavien.

"Manang, pakilabas na lamang muna si Andrina. Kakausapin ko lang si Pixie. Ikaw naman, mag uusap tayo mamaya." Malamig na baling niya sa akin.

Sumama na lamang ako kay Manang Lucing palabas ng kwarto.

"Kumalma ka hija, nanginginig ka." Malumanay na sabi nito sa akin, pagkatapos akong alalayan

"Baka ho kung ano na naman ang gawin niya sa akin Manang Lucing. Baka ho saktan na naman niya ako." Mas lalo lamang akong napaiyak sa takot dahil sa naisip ko.

"Manang tulungan mo ako, baka saktan na naman niya ako." Umiiyak at nanginginig kong sabi sa kanya.

Bakas man ang awa niya sa akin ay mukhang wala rin siyang magawa.

"Halika sa kwarto mo hija, magpahinga ka. Susubukan kong kausapin si Xavien mamaya."

Sinamahan niya ako sa kwarto hanggang sa kumalma ako.

"Ayos kana ba hija? " Malumanay niyang tanong sa akin.

"Opo, maraming salamat po sainyo Manang."

"Kung ganoon ay lalabas na ako, kukuha ako ng almusal mo. Dito kana muna kumain dahil baka umiyak ulit si Pixie kapag nakita ka niya."

"Sige po manang, salamat po. Siya nga po pala Manang Lucing? Maaari ko bang malaman mamayang pagbalik mo kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Pixie? "

"Sige hija. Maiwan muna kita."

Napuno ng katahimikan ang kwarto ng umalis si Manang Lucing. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ni Pixie. Maayos naman kaming natulog kagabi.

Baka isipin ni Xavien na sinasaktan ko si Pixie.

Nanumbalik ang kaba sa akin dahil doon.

Maya maya pa ay pumasok sa aking silid si Xavien. Madilim ang mukha nito. Mukhang sasaktan na naman niya ako.

"Huwag mo akong sasaktan, please. Pangako, wala akong ginawa kay Pixie. Parang awa mo na. " Napahikbi na lamang ako pagkatapos ay tumungo.

"Puro iyak na lamang ba ang gagawin mo Andrina? Puro paawa na lang ba ha? " Galit siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa panga para maiharap ang mukha ko sa kanya.

"Wa...wa...la akong ginawa. Please, ma...awa ka sa...kin..."

"Ssshhh, calm down. " Bakas pa rin sa boses niya ang pinipigil na galit habang patuloy lamang ang panginginig ko.

"Huwag... Please..."

Galit lamang siyang tumitig sa akin bago pakawalan ang panga ko.

"Paakyat na si Manang Lucing, kumain ka na pagkarating niya. Huwag ka munang lalapit kay Pixie, pwede kang lumabas ng kwartong ito. Kung gusto mong pumunta sa hardin at maaari ka ring pumunta. Huwag mo lamang susubukang tumakas Andrina kung ayaw mong masaktan na naman."

Tumango lamang ako.

Walang imik naman siyang umalis, doon lamang kumalma ang sistema ko.

"Hija, ito na ang almusal mo. Sinaktan ka na naman ba ni Sir Xavien? " Nag aalalang tanong niya sa akin.

"Hindi ho manang."

"Mabuti naman kung ganon hija, halika kumain kana."

Agad naman akong tumango at kinain ang dalang pagkain ni Manang Lucing.

"Naihatid na si Pixie ng driver niya. Maaari kang lumabas kung gusto mo hija, mamaya pang alas dos ng hapon ang awas niya. Kabilin bilinan lamang ni Sir Xavien ay huwag ka munang magpapakita sa bata."

Tumango lamang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Napabuntong hininga naman si Manang Lucing.

"Hija, kung may maaalala ka mang ibang bagay ay sabihin mo agad kay Dr.Rowan. Naniniwala rin akong hindi ikaw si Andrina."

"Maniwala kaya siya saakin manang? "

"Huwag kang mag alala, tutulungan ka niya. " Malumanay siyang ngumiti sa akin at inalis ang nakaharang na buhok sa mukha ko.

"Siya sige na, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Nariyan na rin ang gamot mo, inumin mo pagkatapos. Aalis na ako at may aasikasuhin pa ako sa kusina."

"Sige po manang, maraming salamat po." Medyo nabuhayan ako ng loob dahil kay manang.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status