Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang tuluyang matapos ang program na inihanda namin.At kasalukuyang nag-eenjoy ang lahat sa mga inumin at pagkain na inihanda namin habang abala sila sa pagtingin sa mga Anox cars na naka-display sa paligid.Bakas naman sa mukha ng lahat na natuwa sila sa mga bagong achievements ng Raiden, at nakahanda silang ibigay ang buong suporta nila sa Raiden.Nakita ko din ang tuwa sa mata ng mga executives at investors kaya tingin ko ay sa mga susunod na pagkakataon ay hindi ako mahihirapan na magbigay ng ideya sa kanila kung paano pa lalong pagagandahin ang kumpanya.And overall, this is a successful launch.“You are the one behind all of this, right?”Agad akong napalingon sa likod ko at bumungad sa akin ang isa sa mga executives ng Raiden. “Mister Viella.”Nakatitig lang siya sa akin at sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano nga ba haharap sa kanya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.“You should greet me first, Milan.” sabi niya kaya
The whole event finally ended.At nang makaalis na ang lahat ng bisita ay doon sinabi ni Enver na magkakaroon kami ng after-party para sa mga empleyado ng Raiden. Bilang pasasalamat sa walang-tigil nilang pagtatrabaho sa loob ng isang linggo at para na rin sa pagse-celebrate ng success ng aming launch.I am aware of this plan kaya naman nakapagpa-reserve na ako sa pinakamalapit na bar sa venue namin. Sinabihan ko na lang sila na pumunta doon at sabihin ang pangalan ko sa may-ari ng bar na siguradong naghihintay na sa amin doon.“You are really a hell of a secretary,” sabi ni Lucien nang tuluyang makapasok sa bar. “Surprise ito ni Sir Enver pero may naihanda ka na agad na venue ahead of time.”“Let’s just say I know how boss like Enver thinks.” Itinulak ko na siya papasok dahil parating na din ang iba pa. Nandito kasi ako sa entrance katabi ng mga bouncer para ma-secure na tanging Raiden employees lang ang makakapasok dito.And of course, ilan sa mga executives na medyo bata-bata pa at
“Hindi pa din ako makapaniwala na mag-asawa pala kayong dalawa,” sabi ni Adze habang nakaturo sa aming dalawa ni Enver.Pinadalhan ko din sila ng invitation para sa event pero maaga pa lang ay nagsabi na si Lancelot na hindi sila makakapunta dahil may personal silang lakad ni Adze kaya naman inanyayahan ko na lang sila sa after-party.At hindi pa man kami nakakarami ng inom ay dumating ang dalawa at sumalo na sa mesa na inookupa namin.Though, maaga nang umalis sina Lucien, Simon at Gavin dahil may mga pasok pa sila kinabukasan. Ilan din sa mga empleyado ay hindi na din nagtagal sa party kaya hindi na puno ang buong bar.“Correction, Adze,” sabi ko. “Ex-husband and wife. We were already divorced and move on from our lives.” Marami-rami na din ang nainom ko kaya kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan na sabihin iyon.“Really?” ani Adze.Tumango ako. “I filed the divorce and let Ferry deliver it at Enver. Siya na din ang nag-finalize noon sa korte.”“Oh.” Tumangu-tango siya. “Ibig bang sab
Sakit ng ulo ang sumalubong sa akin paggising ko ng umaga. At agad akong napabangon nang makitang sa sala na ako nakatulog.“Oh, you are already awake,” sabi ni Millie. Nakatayo siya sa pinto ng kusina at nakasuot ng kanyang apron. “Good morning, Mommy. Breakfast will be serve in ten minutes so please wash your face.”“You cook?”Umiling siya at ilang sandali lang ay lumabas na din si Mikea sa kusina. “She is here with us all night.”Nanlaki ang mga mata ko. “What?”“Maghilamos ka na muna, Milan. Ihahanda ko na ang almusal.”Tumayo na ako at pumasok ng banyo para maghilamos. At doon ko napansin na hindi pa ako nakapagpalit ng damit. Suot ko pa din ang damit na gamit ko mula kahapon.Wala naman akong pasok ngayon kaya matapos maghilamos ay nagpalit na muna ako ng damit na pambahay tsaka lumabas ng banyo.At nakahanda na ang almusal kaya naupo na ako.“So? What happened last night?” tanong ko kay Mikea. “I honestly don’t have any idea what I did when we got home.”“Well, you just slept
“We have a lot of complaints.” Inilapag ni Art ang ilang folder sa harap ko. “And most of them came from our customers.”Hindi na ako nag-abala pang buksan ang mga folder na iyon dahil may ideya na ako kung anong klaseng complain ang sinasabi niya.Hindi na nga din ako nag-abalang tumingin sa kanya at nananatili lang akong nakatingin sa screen ng computer ko.“Ideretso mo na kay Boss iyan,” sabi ko. “At bigyan mo din ng kopya si Lucien.”“You are not going to do anything about it?”Bumuntong hininga ako at bumaling sa kanya. “Alamin muna natin ang opinyon ni Boss at Lucien. Kapag hindi agad sila nakaisip kung paano masosolusyunan iyan, tsaka tayo kikilos, okay?”Well, ayaw ko naman kasi na maging dependent sila sa akin sa lahat ng bagay. Oo, kaya kong patigilin ang mga complain na iyan pero kung ako ang kikilos, hindi iyon makakatulong kay Enver at sa Raiden.They have to think that I am only here for three months. Hindi nila ako pwedeng asahan sa lahat ng bagay.“Oh, right.” Muli niy
Enver took care of the complaints in his shop while I went to a friend who own a detective agency. At sa totoo lang, hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko ang isang ito na tulungan ako gayong nasisiguro kong masama din ang loob niya sa akin.“Ahm, Miss,” tawag ko sa receptionist nang makapasok ako sa floor kung nasaan ang office ng sadya ko.Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Hi, ma’am. How may I help you?”“Ahm…” Tumikhim ako. “I don’t have an appointment but I was wondering if I may speak with Mister Lainz. Just tell him my name.” Naglapag ako ng business card sa harap niya na agad naman niyang kinuha.“I am not really sure if he will entertain you now,” sabi ng receptionist. “Nagbilin kasi siya kanina na huwag iistorbohin. But I will try.” Kinuha niya ang phone at agad tumawag sa opisina ni Laiz. Ilang sandali silang nag-usap pagkuwa’y bumaling sa akin ang receptionist. “Ma’am, wala daw po siyang kilalang Milan Escuero.”Bumuntong hininga ako at inilabas ang lumang business card
“No! I want the high-end Anox car!” Iyan ang sigaw na bumungad sa akin pagpasok pa lang sa shop ng Raiden.At nakita ko sa tabi ng counter ang pinanggalingan ng sigaw na iyon, kasama si Raiden at iba pang sales associates ng Raiden.Ah, mukhang hindi pa nila napapakalma ang isang iyon.“Hindi ba kayo nahihiya sa akin?” sabi ng matandang babae na kausap ni Enver. “I am your regular customer here. Sa tuwing naglalabas kayo ng bagong brand or model, agad akong bumibili bilang suporta sa inyo. But what the hell are you doing now?”“Madam, we appreciate your support to our company,” mahinahong sabi ni Enver. “We really do. But those high-end Anox cars are here for a purpose and we cannot sell them to you. I am sorry—”“Shut up!” muli na namang sigaw nito. “I said I want it and you will give it to me!”“What is happening here?” bulong ko kay Dani, isa sa sale associates dito.“Isa sa limang customers na nag-i-insist na bilhin ang high-end Anox cars,” balik niya sa akin. “Iyong apat ay napak
“You have been working for me for almost a month but this is the first time you invite me to have some snacks with you,” sabi ni Enver habang kumakain kami ng binili niyang pagkain sa isang fast food.Naisipan namin na tumambay muna sa isang park at dito kumain. Medyo madami kasi ang binili niya at siguradong magkakalat lang kung doon kami sa kotse niya kakain.“Are you starting to get comfortable with me around you?”“You know that I am just being professional when I am working with you,” I said. “Nagugutom lang talaga ako ngayon at ikaw ang kasama ko kaya inaya kita.”“So, you are still not comfortable with me around?”Umiling ako. “Let’s just be honest with each other, okay?” Humarap ako sa kanya. “You are my ex-husband that cheated on me. And I am your ex-wife who just left you without even saying goodbye. Five years later, we just happened to meet again without any warning and since then, we have only focused on working on this project. Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali na ma