“You have been working for me for almost a month but this is the first time you invite me to have some snacks with you,” sabi ni Enver habang kumakain kami ng binili niyang pagkain sa isang fast food.Naisipan namin na tumambay muna sa isang park at dito kumain. Medyo madami kasi ang binili niya at siguradong magkakalat lang kung doon kami sa kotse niya kakain.“Are you starting to get comfortable with me around you?”“You know that I am just being professional when I am working with you,” I said. “Nagugutom lang talaga ako ngayon at ikaw ang kasama ko kaya inaya kita.”“So, you are still not comfortable with me around?”Umiling ako. “Let’s just be honest with each other, okay?” Humarap ako sa kanya. “You are my ex-husband that cheated on me. And I am your ex-wife who just left you without even saying goodbye. Five years later, we just happened to meet again without any warning and since then, we have only focused on working on this project. Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali na ma
“No!” madiing sambit ni Mikea nang ipaliwanag ng kapatid ang dahilan kung bakit siya nagpunta dito sa Raiden.Nang dumating kasi siya ay agad na kaming pumasok sa loob ng office ni Enver at sila muna ang pinag-usap namin. Ayaw naming makialam agad lalo na’t problema iyon ng pamilya nila.Baka lalong hindi iyon magustuhan ni Mikea kahit na gusto lang naming makatulong.Mas mabuting magkausap muna sila ng masinsinan at mailabas ni Michaella ang lahat ng dahilan kung bakit gusto niyang magtrabaho. At mailabas din ni Mikea ang dahilan niya kung bakit pinipigilan niya ang kapatid na magtrabaho.“Sinabihan ka na nila Daddy na hindi ka pwedeng magtrabaho, hindi ba?” dagdag ni Mikea. “Bakit ba hindi ka na lang makinig?”“Kasi nakikita kong nahihirapan na kayo,” sagot ni Michaella. “Kasalanan ko kung bakit inatake si Mommy, hindi ba? Bakit hindi nyo na lang ako hayaan na tumulong?”“Graduating ka na, Micha. Paano kung dahil sa tangka mong pagtulong ay mahirapan kang isabay ang pag-aaral mo?” s
“Milan!” Agad akong sinalubong ni Enver pagpasok ko pa lang ng opisina niya. Mayroon siyang hawak na folder at bakas sa mukha niya ang matinding kasiyahan kaya tingin ko ay may good news siyang natanggap. “Milan!”“W-what is the matter?” sabi ko. At hindi na ako nakapalag pa nang bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit. “S-sir Enver?”At mukhang natauhan siya kaya mabilis siyang kumalas ng yakap. “Sorry about that.”Damn it! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakamiss din pala ang yakap ng isang ito.“A-ano ba ang nangyari?” sabi ko.Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng office niya at isinara ang pinto dahil may mga chismosa sa labas na nakakita ng pagyakap niya sa akin.“Look at this.” Ibinigay niya sa akin ang folder na iyon.Agad ko iyong kinuha at sinimulang basahin.“The main branch said that they already sell four of the high-end Anox cars,” he said. “And it is made through the promotion that we just discussed with Mikea and her sister last week.”“Oh my god!” Napahawak ako s
Sa mga sumunod na araw ay tahimik akong nagtrabaho. Hangga’t maaari ay pinilit ko na hindi maiwan sa iisang silid kasama si Enver.At kapag may kailangan na trabahuhin sa labas ay agad akong nagpi-prisinta para lang mapalayo kay Enver.Yes, aaminin ko. Masaya ako na makasama siyang muli. Masarap sa pakiramdam na muling makausap ang lalaking pinakamamahal ko.Pero sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay pilit pumapasok sa isip ko ang panlolokong ginawa niya sa akin. Kaya mas mabuting lumayo na lang nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang pagtatrabaho namin.“You are avoiding him.”Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Ferry at Castiel. “What the hell?” Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita si Dashiel na nakatayo sa counter. “He called you?” Ibinalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko.Nandito ako sa isa sa restaurant ni Dashiel.Wala na akong gagawin sa office kaya nag-half day lang ako ngayon. At dahil lunch time na rin naman ay dito ko naisipang kumain
“Good morning!” masayang bati sa akin ni Art at sinuklian ko iyon ng ngiti. “Aba, mukhang maganda ang gising natin.”Nilapag ko ang gamit sa table at bumaling sa kanya. “I had a great time last night.”Ferry and Castiel got totally drunk last night. Napangatawanan ko naman ang sinabi ko na hindi ako magpapakalasing. Aside from two glass of wine, puro juice at pagkain lang ang nilantakan ko.Habang ang dalawa kong kaibigan ang tumodo ng inom. Maliban sa nauna nilang in-order na isang bote ng brandy at tatlong bucket ng beer, nagpahabol pa sila ng apat pang bucket kaya naman halos nahirapan akong isakay sila sa sasakyan.At dahil siguradong gagabihin na ako ay hindi na ako nag-abalang ihatid sila sa mga bahay nila. Dineretso ko sila sa bahay ko at hinayaang matulog sa kwarto.Bilang kabayaran sa pagpapahirap nila sa akin kagabi, sinabihan ko sila kanina bago ako umalis ng bahay na samahan muna si Millie.“Ibig sabihin ay tama lang na pinauwi ka ni Sir Enver kahapon,” aniya. “Iba kasi an
“We only have one car left,” Enver said as he finally got the latest report that came from the three branches of Raiden shops. “And we still have two weeks.”“And as far as we all know, we have three potential clients that are in the process of purchasing the last unit that we have,” sabi ko. “But someone is trying to intercept that deal.” Inilapag ko ang limang folder sa table niya at agad niya iyong kinuha.“Five potential clients applied to purchase the car in our installment method but when they were about to get approved, they canceled their application?” Tumingin siya sa akin. “It happened last week.”Tumango ako. “We could have finished our deal if it wasn’t for those people who backed out,” sabi ko. “I had Lainz investigate this and the only lead he got as of now is someone trying to stop them from canceling their application.”“I thought…”Umiling ako. “It is not someone from the competitors. Not even from your father..”“So, we don’t have any idea who that might be.”“Sounds
“Is that be all?” tanong ko kay Lucien na agad namang tumango. Tapos na kasi nilang i-present sa akin ang project na plano nilang i-launch pagkatapos ng deal sa Anox. At naibigay ko na din naman ang feedback na kailangan nila para i-adjust ang ilang bagay tungkol dito.At ngayon ko lang napansin na halos sandaling oras lang ang lumipas.“All of your pointers have been noted and we are going to start revising the project presentation,” Lucien said.Well, hindi naman kasi ganoon kadami ang kailangan na baguhin sa presentation nila. Kaunting adjustment na lang ang mga napansin ko kanina kaya naging mabilis lang ang tulong na kailangan nila sa akin.Bumuntong hininga ako at tumayo. “Okay. If you need anything else, nandoon lang ako sa office ni Enver.” Tinapik ko ang balikat niya at naglakad na pabalik sa office ni Enver.And totoo niyan ay gusto kong ibuhos ang atensyon ko sa ibang bagay nang sa gayon ay hindi ako mag-alala sa kung ano ang kahahantungan ng ginagawa ni Enver ngayon.Alam
Tahimik lang akong naghihintay habang nakaupo sa harap ng table ko. Patingin-tingin ako sa elevator at naghihintay kung kailan darating si Enver.Malapit nang mag-five pm ngunit hindi pa din siya nagme-message sa akin sa kung ano ang sitwasyon ngayon sa shop.Kailangan ko kasi munang malaman kung ano na ang nangyayari doon bago ako tuluyang magdesisyon tungkol sa deal na inaalok sa akin ni Karyu.Alam kong malaking deal ang tungkol sa partnership ng Anox at Raiden. And that is the reason why I am considering taking this deal with that man.Kung ang pag-alis sa buhay ni Enver ang magliligtas sa kumpanya na itinayo niya nang naaayon sa sarili niyang kagustuhan, I guess I don’t have any choice but to do it.He worked so hard for this company. Raiden is the only thing that he did for himself right after he got away from the control of his father.And I can’t let anyone ruin what Enver worked so hard for.Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto ng elevator at nakahinga ako ng maluwag da