Share

Chapter 39

Sa mga sumunod na araw ay tahimik akong nagtrabaho. Hangga’t maaari ay pinilit ko na hindi maiwan sa iisang silid kasama si Enver.

At kapag may kailangan na trabahuhin sa labas ay agad akong nagpi-prisinta para lang mapalayo kay Enver.

Yes, aaminin ko. Masaya ako na makasama siyang muli. Masarap sa pakiramdam na muling makausap ang lalaking pinakamamahal ko.

Pero sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay pilit pumapasok sa isip ko ang panlolokong ginawa niya sa akin.

Kaya mas mabuting lumayo na lang nang sa gayon ay hindi maapektuhan ang pagtatrabaho namin.

“You are avoiding him.”

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Ferry at Castiel. “What the hell?” Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita si Dashiel na nakatayo sa counter. “He called you?” Ibinalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko.

Nandito ako sa isa sa restaurant ni Dashiel.

Wala na akong gagawin sa office kaya nag-half day lang ako ngayon. At dahil lunch time na rin naman ay dito ko naisipang kumain
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status