Tahimik si Enver sa buong byahe namin papunta sa birthday party ni Millie.Pinili niya kasing makita muna ang anak namin at sinabi niyang mamaya na kami mag-usap uli kaya agad kaming umalis ng opisina.At sa totoo lang, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Wala kasi siyang emosyon na pinapakita at iyon ang nagpapakaba sa akin. Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko magawa lalo na’t alam kong hindi niya gusto ang ginawa kong pagtatago kay Millie sa kanya.Hanggang makarating kami sa clubhouse ng subivision namin.Nag-message agad ako kay Ferry at sinabing papasok na kami sa loob ng party nang sa gayon ay maihanda na niya si Millie.Ngunit bago pa man kami makapasok sa mismong venue ay bigla na lang lumabas si Millie para salubungin kami kaya agad silang nakaharap ni Enver.Natigilan si Millie habang nakatingin sa ama. Ganoon din si Enver na hindi alam kung ano ang gagawin kaya agad akong lumipat sa tabi ni Millie at naupo upang magkapantay kami.“Baby, this is Enver Andrius, you
Magkakatabi kaming tatlo na nakahiga sa kama. At syempre, pinagigitnaan namin si Millie na bakas na ang pagkaantok pero patuloy pa din sa pagku-kwento.Halos naikwento na nga niya kay Enver ang lahat ng nangyari sa buhay namin mula nang magkaisip siya.Labis-labis ang saya nila kanina sa party. At halos ayaw pakawalan ni Millie ang ama. Hangga’t maaari nga ay dapat lagi niya itong nakikita. Dahil kapag nawala ito sa paningin ay agad siyang tumatakbo sa akin para hanapin ito.Kahit na nagpunta lang naman ito sa restroom.And Enver did everything he can to be with Millie. At nakikita ko naman sa kanya na masayang-masaya din siya na makilala ang anak niya.“Baby, it is already late,” sabi ko. “You should be sleeping.”“But—! Mommy!”“Daddy will be here until monday,” I said. “Pwede pa kayong magkwentuhan bukas.”Ngumuso siya at bakas ang kanyang pagtutol ngunit sa huli ay siya na din ang sumuko dahil muli siyang napahikab. “Okay.” Hinalikan niya kami sa pisngi. “Goodnight, Mommy. Goodnig
Sunday morning, maagang nagising si Millie. Siya pa itong nanggising sa amin at masayang nag-aaya na magsimba kami.At syempre, we gave her what she wanted.Agad kaming nag-ayos. Sabay na kumain ng almusal at habang nasa sasakyan papunta sa simbahan ay walang mapaglagyan ang tuwa ng anak ko.Well, lagi naman din siyang masaya noong kaming dalawa pa lang. Pero hindi ko akalain na may mas isasaya pa pala siya ngayon na kasama na namin ang tatay niya.Kaya naman habang nasa simbahan kami ay labis-labis ang dasal ko na sana ay patnubayan ng diyos ang pamilya ko. Na sana ay huwag nitong hayaan na magkaroon ng kapalit ang labis na kasiyahan na mayroon kami.Sa kanya ko ipinauubaya ang pagsasama naming muli ni Enver at ang kalusugan naming lahat.Nang matapos ang misa ay nagpasya kaming kumain sa isang fast food restaurant.“Mommy, can we go to the park near our village?” tanong ni Millie habang sinusubuan siya ni Enver. “I just wanted to introduce Dad to my friends there.”Kumunot ang noo k
“Good morning!” Iyan ang masayang bungad sa amin ni Ferry nang pumasok siya sa bahay. “Gosh! I can’t believe na magiging magkapitbahay na tayo.” Iginala niya ang tingin pagkuwa’y inilapag ang dalang pagkain sa lamesa. “Are you sure you don’t want me to help here?”Umiling ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga cover sa sofa.Isang linggo na ang nakakaraan nang tuluyan kong ipakilala si Enver kay Millie. At sa loob ng mga araw na iyon ay walang ginawa ang dalawa kundi ang mamasyal kaya naman nag-file muna kami ni Enver ng leave sa trabaho at hinayaan si Mikea na asikasuhin ang mga trabaho sa opisina.At habang may libreng oras ako ay sinimulan ko na ding asikasuhin ang mga gamit na kakailanganin namin para sa bahay na nabili ko.Ngayong araw ang tuluyan naming paglipat dito. Nauna lang ako dahil pinapalitan ko ang mga cover ng mga gamit sa bahay habang si Enver naman ang sumundo kay Millie sa park kung saan ito naglalaro dala na din ang mga damit namin.Ang bahay na ito ay katapat l
“Alam mong kasal na si Ferry?” tanong ko kay Enver nang dumating sila ni Millie.“Oh, yeah.” Ibinaba niya ang mga dalang maleta at ipinasok iyon sa loob ng bagay. “His husband is one of my father’s investors. Kaya nakarating din sa akin ang balita kahit iniiwasan ako ng kaibigan mo.”“Is he a good person?” Nakasunod lang ako sa kanya habang abala siya sa mga maleta namin. “Okay ba siya kay Ferry?”“You know him, Milan.” Tumuwid siya ng tayo at hinawakan ako sa braso. “Hindi pa ba nasabi ni Ferry sayo kung sino ang napangasawa niya?”Umiling ako. “Sinabi lang niya na kasal na siya at fixed marriage ang nangyari pero hindi niya sinabi kung sino.”Bumuntong hininga siya. “They should have told you about this but I guess, they don’t want you to worry about them when you still have things to work out.”“So? Sino ang napangasawa niya?”“Si Lainz.”Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”Muli siyang bumuntong hininga. “Iyong detective mong kaibigan ang napangasawa niya. Alam mo naman na nasa secu
Tumigil sa pangungulit ang pamilya ni Enver na makilala si Millie at nabigyan ako ng pagkakataon para mabantayan ang mga kilos nila kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Pero dahil kilala ko naman ang mga iyon ay hindi ko pa din hinahayaan na tuluyang makampante sa galaw nila.They are too desperate to have a granddaughter and I am sure, they are going to do everything they can do to get what they want.Lalo na ngayong nagsimula na sa pagpasok si Millie sa kanyang eskwelahan at abala kami ni Enver sa trabaho. Hindi imposible na pumunta sila sa pinapasukan nito.Kaya napagkasunduan namin ni Enver na mag-hire na ng bodyguard para sa kanya. Syempre, sa agency na ako ni Lainz kumuha para sigurado na hindi ito maiimpluwensiyahan ng pamilya ni Enver.Si Castiel naman ang tumulong sa akin para sa mga nakuha naming kasama sa bahay.“Hindi ba parang masyado kang paranoid?” ani Ferry nang makita niya ang tatlong kasama namin sa bahay. “Lahat ng iyan ay kinuha mo para lang kay Millie?”B
We already set everything in our lives. Nasiguro ko na ang sitwasyon ni Millie at hindi na ako mangangamba na bigla na lang magpakita sa kanya ang magulang ni Enver.Kaya naman nagsimula na akong mag-focus sa trabaho ko.Unang bumungad sa akin pagbalik ko sa trabaho ay ang expansion project ng Raiden.“Seryoso ito?” tanong ko kay Enver matapos makita ang proposal ni Lucien. “Hindi ba parang masyado namang mabilis ang desisyon na ito? Kakaumpisa pa lang ng partnership natin with Anox.”Bumuntong hininga siya. “Wala pa talaga sa isip ko ang pagdadagdag ng mga bagong branch pero dahil sa resulta ng partnership na iyon ay dinudumog ang mga existing shop ng Raiden at hindi naa-accommodate ang lahat ng client.”“Nauubusan na din ng spot ang ibang car brand na partner ng Raiden,” sabi ni Lucien. “Kaya mas makakabuti na magbukas na ng bagong branch.”Sa ganda ng promotion ng Anox para sa mga partner nilang dealer, sa promotion ng isang tulad ni Ferry na sikat na Arch Fend racer at sa tulong n
Enver immediately went and talk to the owner of the target land where they want to build the next branch of Raiden. Siniguro niya na ibebenta iyon sa kanya at nang pumayag ay agad na silang gumawa ng kontrata.Matapos noon ay nagkapirmahan na at nagbayaran. Siya na din ang umasikaso ng paglilipat ng titulo sa pangalan ko, maging ang mga taxes papers nito.At nang masigurong nasa akin na nakapangalan ang lupa ay doon naman nila inasikaso ang pagpapatayo ng bagong branch.Si Mikea na ang pinatrabaho niya doon dahil abala naman siya sa ibang kailangang pirmahan sa opisina niya.“You really rush this, huh,” naiiling kong sabi habang nakatitig sa titulo ng lupa na binili niya. Akala ko ay aabutin pa ito ng apat hanggang anim na buwan ngunit magta-tatlong buwan pa lang mula nang ipa-transfer sa pangalan ko ang titulo ng lupang binili niya. “Talagang siniguro mo, noh.”“Of course,” he said. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Baka bigla pang magbago ang isip mo kaya pina-rush ko na.”Napailin