Share

Chapter 55

Tahimik si Enver sa buong byahe namin papunta sa birthday party ni Millie.

Pinili niya kasing makita muna ang anak namin at sinabi niyang mamaya na kami mag-usap uli kaya agad kaming umalis ng opisina.

At sa totoo lang, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Wala kasi siyang emosyon na pinapakita at iyon ang nagpapakaba sa akin. Gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko magawa lalo na’t alam kong hindi niya gusto ang ginawa kong pagtatago kay Millie sa kanya.

Hanggang makarating kami sa clubhouse ng subivision namin.

Nag-message agad ako kay Ferry at sinabing papasok na kami sa loob ng party nang sa gayon ay maihanda na niya si Millie.

Ngunit bago pa man kami makapasok sa mismong venue ay bigla na lang lumabas si Millie para salubungin kami kaya agad silang nakaharap ni Enver.

Natigilan si Millie habang nakatingin sa ama. Ganoon din si Enver na hindi alam kung ano ang gagawin kaya agad akong lumipat sa tabi ni Millie at naupo upang magkapantay kami.

“Baby, this is Enver Andrius, you
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status