Share

0005: Ang pagpayag ni Misha

Misha’s POV

Paglabas ko sa kuwarto ko, narinig kong umiiyak si Mama. Kagigising ko lang, mukhang problema na naman ang sasalubong sa akin. Tumakbo tuloy ako pababa ng hadan para tignan kung ano nang nangyayari sa ibaba. Baka kasi nag-aaway na sila ni mama. Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang makita kong pumipirma na naman ng mga papel si papa. Tila isa sa mga natitirang farm namin ay naisanla na naman niya kung kani-kanino. Palala na nang palala ang nangyayari sa mga ari-arian namin.

Pag-alis ng mga taong ‘yon, malungkot na napatingin sa akin ang mga magulang ko.

“Wala na ‘yung mga baboy, kambing, manok, isda, baka at kalabaw sa isang farm natin na pinaka mabenta sa lahat. Nakasanla na rin,” sabi ni mama na parang nagsusumbong sa akin. Sa nangyayari, parang pakiramdam ko ay kasalanan ko ang kamalasang inaabot ng business namin.

“Isa na lang sa mga farm ang hawak natin. At maaaring sa mga susunod na araw o linggo, maisanla na rin natin ‘yon,” sabi sa akin ni papa na tila nahihilam na rin ang mga mata. Pinipilit niyang huwag maiyak. Tinatago niya ang lungkot kaya napapabuntong-hininga tuloy ako.

Bakit kasi ako ang gusto nilang sumagip sa problemang ito? Hindi ba nila alam na hindi madali ‘yung gusto nilang ipagawa sa akin? Bugaw ang tawag sa ginagawa nila. Ginagawa nilang pokpök ang anak nila. Iyon ang naiisip ko sa gusto nilang ipagawa sa akin.

Pero mukhang no choice na rin ako. Alam ko naman na sobra-sobra ang naibigay nilang pagmamahal sa akin. Lahat naman gusto ko ay binibigay nila. Spoiled na spoiled ako sa kanila. Kaya naman oras na rin siguro para bumawi sa kanila. Kaya lang, bakit naman kasi ang hirap nang gusto nilang ipagawa sa akin?

“Kung lalandiin ko ba si Ninong Everett ay papayag ba siya? Papayag ba siyang makipagrelasyon sa inaanak niya? Sige nga, mama, papa?”

Napatayo agad si papa nang itanong ‘yon. “Hindi naman ata siya aware na inaanak ka niya. Saka, katuwaan lang iyon. Magkalapit lang din kayo ng edad kaya hindi naman siguro masagwa na maging kayo. Kung sakaling magkatuluyan nga kayo, magiging maganda pa ang kinabukasan mo. Sa panahon ngayon, binababa na talaga ang pride. Diskarte ang labanan ngayon sa buhay. Saka, malay mo magka-inlove naman kayo sa bandang huli. Masasalba na natin nito ang pagbagsak natin, magkakaroon ka pa ng guwapo at mayaman na asawa.”

Lumapit naman si mama sa akin. Hinawakan ang kamay ko. “Alam ko, iniisip mo na bad influence kaming mga magulang mo. Tama ka naman doon. Hindi tama itong ginagawa namin. Pero, anak, sakaling hindi naman mag-click ‘yan, okay lang. Ang mahalaga sinunod mo naman kami. Pasensya ka na, anak, kung ikaw ang naiipit sa sitwasyon ngayon. Ikaw na lang talaga ang tanging paraan para makabangon tayong muli sa kahirapan na ‘to,” sabi ni mama na seryoso sa sinasabi niya.

“Kung wala talaga tayong mapala diyan, wala na tayong magagawa. Pati itong bahay, baka maisanla na rin natin. Tumira na lang din siguro tayo sa isang maliit na bahay. Kaya naman natin ‘yon ‘di ba?” tanong ni papa sa amin ni mama. Kung papakinggan, nakakalungkot isipin ‘yun. Nasanay ako sa ganitong kalaking bahay, nasanay ako sa mala-princessang laki ng bedroom na may closet room, tapos mauuwi sa maliit. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko kapag nangyari ‘yon? Baka layuan na nila ako kasi malalaman nilang mahirap na ako ngayon.

“Hindi, papa. Hindi ko kaya. Ayokong mangyari ‘yan kaya papayag na ako. Ikaw ang gumawa ng paraan para magkita kami. Bahala na kung ano man ang mangyari,” sagot ko kahit na ang totoo ay hindi ko pa masabi sa kanila na may nangyari na sa amin ng ninong ko. Ang nakakahiya nito ay magkakaharap na kami ulit. Ano nalang ang sasabihin ko kapag nagkita kami ulit? Pero, wala naman kasi akong alam na siya ‘yon. Akala ko talaga si Jake ang ka-sëx ko.

“Anak, Misha, nung isang araw pa kami magkausap ni Everett. Ilang araw na rin kitang pinipilit na makipag-usap sa kaniya kaya sa wakas ay mare-reply-an ko na siya na payag ka nang makipagkita sa kaniya. Ang totoo kasi niyan ay gusto ka rin niyang makausap. Nagtataka nga ako. Parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkakilala talaga kayo. Alamin mo na rin kung bakit gusto ka niyang makita at makausap,” sabi ni papa na kinagulat ko.

“Gusto niya akong makausap?” paglilinaw ko pa.

“Oo, hindi ka kasi nakikinig sa akin kapag nagsasalita ako. Nung isang araw ko pa sinasabi sa ‘yo na gusto ka niyang makausap,” sagot niya kaya lalo akong kinabahan. Alam ko na agad kung ano ang dahilan kaya gusto niya akong makita at makausap. Sigurado akong tungkol sa pagse-sëx namin ang gusto niyang pag-usapan. Lalo tuloy akong kinabahan nito.

Pagagalitan niya kaya ako? Isusumbong niya kaya ako sa parents ko? Ay, naku, kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay magagalit siya. Sino ba naman kasing ninong ang hindi magagalit kapag nalaman niyang ‘yung ka-sëx niya pala nang gabing iyon ay inaanak niya.

Tang-ina talaga. Hindi pa kami nagkikita, pero kumakabog na agad ang dibdib ko ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status