Share

0006: Kasunduan

Misha’s POV

Narito ako sa closet room ko. Kanina pa ako pumipili ng susuotin ko. Ka-videocall ko ngayon ang bestfriend kong si Jaye. Mas magaling kasi siyang pumorma kaysa sa akin. Kapag nagkikita kami o may bonding, palagi akong natutuwa sa mga outfit niya. Kung minsan tuloy, inspired sa kaniya ang mga outfit ko kaya sa kaniya ako ngayong humingi ng tulong.

“Ano bang event ‘yang pupuntahan mo? May birthday ba, binyag, kasal o makikipag-date?” tanong niya.

“Fine, date nga. May kailangan akong i-seduce na lalaki, e,” pag-aamin ko sa kaniya para hindi na siya magtanong pa ng marami.

“Oh, nice! Okay, kapag mangse-seduce ka ng lalaki, dapat luwa ang kaluluwa mo,” sabi niya. Gets ko naman agad siya kaya naghanap agad ako ng damit na makikita talaga ang cleavage ng dibdib ko.

Isang puting dress ang nakita ko. Dress na hindi ko pa pala nasusuot. Ito ‘yung binili ko nung nakaraang buwan. Naisip ko kasi na baka matuloy ang thailand trip namin, kaya lang wala, puro talkshit ang mga kausap ko kaya hindi natuloy.

“Ito, okay ba ‘to?” tanong ko sa kaniya saka ko hinarap sa camera ang dress na napili ko.

“Oy, saan mo nabili ‘yan, Misha? Ang ganda!” puri naman niya kaya mukhang problem solve na ako. Hahaba pa ang usapin kaya nagpaalam na agad ako sa kaniya.

“Saka ko na lang sasabihin sa ‘yo. Ba-bye na muna, nagmamadali na ako kasi late na ako sa date namin. Bye, Jaye, thank you!” sabi ko saka ko siya pinatayan ng linya ko.

Sinuot ko ka na ang puting dress. Nag-makeup din ako. Hindi na rin kasi ako sanay lumabas ng bahay ng walang kolorete sa mukha.

Pagbaba ko sa ibaba ng bahay namin, inabangan talaga ako nila mama at papa. Puring-puri sila sa suot ko. Bagay na bagay daw sa akin ang suot ko, kaya tiyak na magugustugan daw ako ni Ninong Everett. Nagpasalamat ako sa kanila at pagkatapos ay umalis na ako sa bahay. Ayoko kasing paghintayin si Ninong Everett sa coffee shop na pagmi-meet-an namin.

**

Halos walang katao-tao nang dumating ako sa coffee shop na pagmi-meet-an namin. Nasa labas palang ako ay tanaw ko na agad na nakaupo siya sa isang mesa habang may iniinom na kape. Hindi siya gaanong nakaporma, pero ang lakas na agad ng dating niya sa suot niyang fitted na itim na t-shirt. Hulmang-hulma roon ang matipuno niyang katawan.

Napatingin siya sa pinto ng shop nang marinig niyang bumukas ito. Napatayo siya nang makita ako kaya kumabog na lalo ang dibdib ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Pagdating ko sa lamesa niya, ngumiti naman siya. Ang guwapo niya, buwisit.

“Hi,” nahihiya niyang bati sa akin.

“H-hello,” mautal-utal ko namang sabi. Bakit ganito. Bakit ang guwapo niya masyado. Bakit ninong ko pa kasi siya? Kung hindi ko lang siya ninong, for sure tuloy na tuloy talaga ang paglalandi ko dito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Let’s talk about what happened that night when we accidentally ended up together in that hotel room.”

Tumango naman ako. Iyon naman kasi talaga ang pinunta namin dito. Siyempre, ako ang unang nagsalita. Sinabi ko sa kaniya kung bakit nangyari ‘yon. Pero, siyempre hindi ko na sinabi ‘yung tungkol sa pagtatanan namin ni Jake.

“I’m really sorry. It’s my fault because namali talaga ako ng pasok ng hotel room dahil lasing na lasing ako ng gabing ‘yon,” paliwanag ko sa kaniya.

“Pero bakit hindi ka umangal nung galawin na kita? Bakit hinayaan mo lang ako?” tanong ko sa kaniya. Gusto kong sabihin na may usapan talaga kami ng boyfriend ko, kaya lang kasi hindi puwede. Kailangan ko na kasing masungkit ang puso niya. Kailangan malaman niyang single ako.

“Lasing na lasing nga ako nun. Wala na akong nalalaman sa nangyayari,” sagot ko na lang.

“Misha, ako ang nakauna sa ‘yo. Bukod doon, ramdam mo naman. Naiputok ko sa loob mo ang katas ko. Ang totoo kasi niyan, ibang babae ang dapat na makakasama ko ng gabing ‘yon. Kaya lang, hindi siya dumating kaya nung makita kong dumating ka sa room na iyon, inakala kong ikaw na ‘yon, kaya agad kitang ginalaw. Aaminin ko sa ‘yo, sa lalong madaling panahon ay kailangan kong maikasal at kailangan kong magkaanak. Kaya sakaling may mabuo man na bata diyan sa sinapupunan mo, handa naman akong panagutan ‘yan. Handa rin akong pakasalan ka. Kaya lang, ang tanong ko ay payag ka ba kahit na alam mong ninong mo ako?”

Nagtaka ako. Ang bilis niya. Parang nakakaloko na hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Naisip ko na para bang gaya ko, kailangan kong landiin siya kasi may kailangan ako sa kaniya. Parang ganoon din ang naiisip ko sa sitwasyon niya. Kailangan niya ng asawa at anak para saan? Para kaya sa mana niya?

“Sandali, kailangan mong magkaroon ng asawa at anak dahil ba sa makukuha mong mana sa pamilya mo?” tanong ko na tuloy para alam ko na rin.

Matagal bago siya sumagot. “Fine, matalino ka. Oo, ganoon na nga. Kaya nga kung sakaling ayaw mo sa akin. Puwede tayong magpakasal. Tapos kapag nakuha ko na ang mana ko, saka tayo maghiwalay. Promise ko sa ‘yo, lahat ng hihilingin mo ibibigay ko sa ‘yo habang mag-asawa tayo. Basta ba ay makuha ko lang ang malaking company namin na sa akin ipapamana ng papa ko. Hindi maaaring sina tita at tito ang maghari-harian doon. Hindi puwede. Ang sa akin ay akin,” paliwanag niya kaya ngayong ay gets ko na.

Kung ganoon, ang tanging suwerte ko na lang ay ang mayroong mabuo sa tiyan ko. Kasi kung wala, nganga, hindi ko matutulungan si papa na mabawi ang mga nakasanla naming farm.

“Payag akong magpakasal sa ‘yo kahit ninong pa kita. Paano ang gagawin, may nangyari na sa atin, e. Hindi ko naman pinagsisisihan ‘yon kasi inaamin ko…”

Napahinto ako sa pagsasalita. Hindi na ako nakapagpreno.

“Inaamin mo na ano?” tanong niya tuloy.

“Oo na, ninong. Nag-enjoy din ako nung gabing ‘yon,” sabi ko sa kaniya. Kinapalan ko ng ang mukha ko.

Bigla tuloy siyang tumawa. Tang-ina, ang guwapo niya lalo kapag tatawa.

“Aba, mukhang palaban pala ang inaanak ko sa kama,” sabi niya na tila naiba ang tono nang pananalita. “Anyway, may usapan na tayo. Babalitaan mo ako kada linggo. Kailangan nating malaman kung may nabuo na ba agad sa tiyan mo para mapaghandaan na agad natin ang lahat. Heto, sa iyo na muna itong sobre. Bumili ka ng pregnancy test kada linggo. Kung maaari ay araw-arawin mo,” sabi niya saka nilapag sa akin ang isang makapal na sobre.

Nung pauwi na ako sa bahay, doon ko lang sinilip ang laman ng sobra. Napamura ako kasi naisip kong…ano bang klaseng pregnancy test ang pinapabili niya at ganitong halos umabot na ng kalahating milyon itong perang binigay niya?

Mukhang totoong napakayaman niya, kaya mas lalo ko tuloy gustong ituloy ang plano ko. Isa pa, crush ko na siya. Crush ko na ang ninong ko kasi ang guwapo niya talaga sa malapitan. Lalo na kapag wala siyang suot na saplot. Hanggang ngayon, palagi pa ring sumasagi sa isip ko ang itsura niyang hubu’t hubad. Lalo na ‘yung malaki niyang kạrgada. Parang gusto ko tuloy ulit magpawasak sa kaniya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Josephine Mauricio De Jesus
sana tuloy tuloy Yung story pls
goodnovel comment avatar
Janet Musa Nantes
ay exciting tong story ng mg ninong n to,.pls update otor
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status